Pampalasa, Pampa-ALSA

ni Rene Boy Abiva

 

Sa bayang mayaman sa utang at pait,

pambulag ang artipisyal na linamnam at tamis

upang ang mga karaniwang sikmura’y ‘di mag-alsa.

 

Matamis na pampalasa ang humulma sa kabataan ni Ignas Dungrit

na iiyak-iyak kung ‘di magkukulay dugo

ang prinitong itlog ng manok o tinapa sa kanyang plato,

dahilan upang magkanda-utang-utang ang kanyang inang kubrador ng huweteng

ng Papa ketsap sa tindahan ni Aling Usyang.

Minsa’y nakapatama ang ina ni Ignas,

anong ligaya n’ ya noong una.

Kaso, nang malamang kalot ang napagwagiang taya,

anong sungit at bagsik ang kanyang simangot

na nai-ukit sa kanyang gusgusing labi at mata.

   

Gayundin si Manolito Lasenggo

na madalas bugbugin ang kanyang labanderang asawa

kung ‘di s’ya nito maipaghahanda ng sawsawang maasim-asim

para sa paborito niyang pulutang tsitsarong kropek na tingi-tingi

o tsitsarong Bulacan na tatlo ang sandaan

na madalas n’ yang bilhin

sa kumpareng tindero sa Amucao.

Mapili pa naman ang gago, kung ‘alang Datu Puti’y Silver Swan ang hanap.

Ayaw n’ya ng Rosas o Basi na gawa ng kanyang sariling bayan.

Kaya ang halos magkubang asawa sa kalalaba,

anong tatag na ini- uutangan ang mister

sa talipapa ni Aling Talin.

Minsa’y naningil ang matandang balo,

at naabutan n’ya ang lasing na si Manolito

himalang binayaran naman s’ya,

binayaran s’ya ng matatalim na limang saksak

na itinindig sa kanyang yayat at kulubot na dibdib.

Dumating ang mga pulis upang siya’ y pasukuin,

kaso nag-ala Rambo

kaya ang kinalabasan, nabalitang nanlaban at patay.

 

Pinagkakitaan ng mga artipisyal na pampalasa

ang buhay at kapalaran nilang mga karaniwang tao

mula sa pawis ng kubrador na ina ni Ignas Dungrit

at sa labanderang asawa ni Manolito

hanggang sa kamatayan ng balong si Aling Talin.

 

Ibang usapin pa ang labis na halagang nakulimbat

sa ‘sanlibo at limang daang mangagawa sa Marilao, Bulacan.

At sa higit dalawang dekada ng pag-iral,

buti pa ang kumpanyang pampalasa,

literal na ang buhay ay masaya at masagana.

E silang taga-gawa ng pampalasa,

halos magpakamatay para lamang mabuhay.

Nagtitiis sa mga barung-barong ng mga bayan-bayan.

Nagtitiis sa buhay-dagang pamumuhay

at kung kumahig ang dalawang paa at kamay,

anong pilit-ligaya nilang sikmuraing lunukin

ang nangingitim na kanin at pinakulong talbos ng kangkong

o kamote na ‘ala man lang pampalasa ni asin.

 

Subalit ‘di kayang pigilan ng artipisyal na pampalasa

ang hangganan ng pait.

 

Pampa-ALSA.

Umabot sa sukdulan ang pagtitiis ng mga manggagawa.

Hunyo 2 ay itinayo nila ang barikada.

Paano ba naman kasi, sa daan-daang pwersa sa paggawa’y

limandaan lamang ang regular at karamiha’y kontraktwal.

Mababa pa ang sahod, ‘alang over-time pay at ‘alang benepisyo

sa kung anu-anong kaltas ng kanilang amo.

Habang ‘alang awang pinagtatanggal ang ilan sa kanilang nadisgrasya

habang nasa paggawa

kabilang ang mga nagtayo at nagbuo ng unyon.

 

Nag-alsa ang mga tagapaglikha ng pampalasa.

At agad nagsabwatan ang kapitalista at mga mamamatay-tao na pulis

at yinusak-yusak ang hanay ng mga nagpoprotesta.

Marami sa kanila ang umuwing sugatan at may biyak sa noo.

Marami sa kanila ang tinutukan ng baril sa ulo.

Marami sa kanila ang pasa sa katawan ang tinamo.

Ngunit higit na mas marami ang gaya nila

ang magkakapit-bisig sa nalalapit na SONA ng pangulo.

 

Kakalantog ang mga lansangan

mula sa kanilang kolektibong lakas at malay! 

May alab na namamayani sa kanilang puso

na mas mainit pa sa nagbabagang punglo!

 —-

Hunyo 16, 2018

Lunsod ng Queson, Pilipinas

 

Desiderata

Salin sa Filipino nina Cora at Rey Casambre

Mula sa orihinal ni Max Ehrmann

 

Humayo nang panatag
Sa gitna ng ingay at pagmamadali at tandaang
May kapayapaang matatagpuan sa katahimikan.

Hangga’t maaari nang walang pagsuko,
Makipagkapwa-tao.
Bigkasin ang iyong katotohanan nang mahinahon at malinaw,
at makinig sa iba, kahit sa mapurol o mangmang:
sila ma’y may kanilang salaysayin. Iwasan ang mga taong
maingay at magaspang; nakaririndi sila sa diwa.

Kung ihahambing mo ang sarili sa iba, maaaring
maging hambog at masamain ang loob, pagka’t
laging may hihigit sa iyo at may hihigitan ka.
Masiyahan ka sa iyong mga natamo, gayundin sa iyong mga balak.

Manatiling buhos ang iyong kalooban sa mga gawain, gaano man
kababa; tunay itong kayamanan sa nagbabagong panahon.
Maging maingat sa pakikipagkalakalan pagka’t ang mundo’y
batbat ng panlilinlang. Subalit huwag hayaang
makabulag ito sa iyo sa anumang kabutihang mayroon; maraming nagpupunyagi para sa mga adhikaing dakila;
at sa lahat ng dako, ang buhay
ay lipos ng kabayanihan.

Huwag magkunwari laluna na ng pagmamahal.
Huwag ding talikuran ang pag-ibig, pagka’t sa gitna ng
katigangan at kalungkutan, kailanma’y umuusbong
at nabubuhay itong tulad ng damo.

Maluwag na tanggapin ang payo ng katandaan;
Banayad na isuko ang mga bagay ng kamusmusan.
Arugain ang tibay ng loob na sasalag sa mga biglaang
sakuna. Huwag palulumo sa mga guni-guni.
Maraming takot ang dulot ng pagod at kalungkutan.
Sa kabila ng malusog na disiplina, maging mabait sa iyong sarili.

Anak ka ng sanlibutan, tulad ng mga punungkahoy at bituin;
may lugar ka rito. At malinaw man sa iyo o hindi, walang
alinlangang bumubukadkad ang daigdig ayon sa nararapat.
Kaya maging panatag ka sa Diyos, anuman ang pagkakilala mo
sa kanya. At anuman ang iyong mga gawain at mithiin,
sa maingay na kalituhan ng buhay, panatilihin mong panatag ang iyong kalooban.

Sa kabila ng panlilinlang, kawalang-buhay at mga gumuhong pangarap, maganda pa rin ang mundo.

Mag-ingat. Magsikap lumigaya.

A giant of a film waiting to be born

“Yield” is a film that has already made history by being included as finalist to six categories in this year’s 66th Famas Awards. It may be the first ever documentary film to be nominated in the best film and best director categories–traditionally exclusive to full-length feature films. It is also a finalist in the best cinematography, best editing, best sound, and best documentary film categories.

Yield’s co-director, cinematographer, editor, sound engineer Victor Delotavo Tagaro told Kodao the film will finally be launched after the Famas Awards ceremonies.

Following is Kodao’s short review of the film. (Tagaro was once a Kodao filmmaker.)

= = = =

Filipino feature films usually rely on long-winded dialogues to move their stories along.  Video documentaries, on the other hand, mostly rely on voiceovers to stitch its sequences together.  In both cases, they betray their radio drama roots by almost always describing what is already being shown.

Comes now Yield, a 90-minute pictorial feast that eschews the voice-over and the dialogue as story-telling tools.  The film relies almost entirely on the visual to bring the viewer from one situation to the next, in a bracing roller-coaster ride of both despair and hope.

The documentary does not reveal a script—an unconventional approach realized successfully by its directors.  There are no interviews either, the film firmly sticking to the unhindered interaction between the camera and the subjects.  Thus, there are no perspectives but the subjects’ and the viewers’ reactions are entirely their own, unencumbered by manipulative dialogue or an interviewer’s questions.

Instead, the film relies solely on gorgeous sequential cinematography to move the story along.  The deliberate composition of each frame and the beautiful movement of each sequence offer the viewers a visual tour-de-force that is unlikely to be forgotten in a long while.

Yield’s narrative benefits from this unusual and brave approach in filmmaking.  It is a presentation and discussion of the lives of poor children all over the Philippines that is un-proselytizing but pregnant, silent but incendiary.  It lets poor children tell their stories just by living, the camera recording them almost incidental.  It lets them tell the viewer a thing or two about their struggles to live—and die—with dignity.

Within an hour-and-a-half, the film takes us to five years of these children’s lives.  It also subtly reminds us while watching of the epic amount of dedication and creativity spent to produce it, as well as bonds and relationships formed between the filmmakers and the subjects in those five years of pain and joy, of loss and creation.

Yield is co-directed by its executive producer Toshihiko Uriu and Victor “Onin” Delotavo Tagaro who, to date, is most famous for his 2004 Hacienda Luisita massacre documentary, “Sa Ngalan ng Tubo.”  He is also the primary cinematographer and editor of this TIU Cinema production.  The film’s unobtrusive yet powerful music is by Diwa Felipe de Leon

Whenever this documentary’s launch date may be, it should be marked as the day Philippine cinema gave birth to a giant of a film.—Raymund B. Villanueva

Boracay

By George Tumaob Calaor

 

you have planted seeds of terror

that sprouted fear in the island

of my dreams turning the dreams

for my children the nights of nightmares

of their horrified future?

the sands that used to be so pure and white

the sands where I used to build castles of our lives

the sands that bridges me and my love ones across to the brighter sides of life

is now a captive of your greed and tyrant device

turning it into an embering grave of my love ones dreams!

guarded by the dogs of your howling scheme!

so proud and unashamed!

but don’t ye for you cannot hold the anger of our tides

and winds shall whisper our weeping to the oceans and our broken pride

and ask the waves to surge our cause to the fullest of their heights

and swallow you like drifted wicked and fascist souls from the beach of our paradise

as freedom like sun rise of gold, on its victorious revolt, so equal shall rise!

Tatlong Tula ni Ferdinand Ong Dimarucot

Mahal Na Araw (kuresma)

Workers For Christ By Ferdinand Ong Dimarucot

#TULAkaratulaBiSitaIglesiaKURESMA

#OverthrowDuterte

 

Dama Pa rin ng Madla

Ang Sinakulong Hirap

Na Walang Himala

Pagkat Musmos na Pangako

Sa Sansinukuban ay Naglaho

Muling Pagkapako sa Manggagawa

Sa Pawing Na Walang Tugon Ng Walang Poon Pasakit

Sa Buntong Hiniga! Ng Buong Bayan ay

Kalbaryo sa…..

Naturingang Kampon!

 

Maghimagsik

Tula ni Ferdinand Ong Dimarucot

On: #TULAkaratulaBiSitaIglesiaKURESMA

#OverthrowDuterte

1.

Ang Teatro sa larangan ng Lansangan

Hindi Ayon Sa pagsimpan ng Peting Puhunan

Pinili ang Dunong Namaghintay kesa Maghanap

Pagkat ang Mangangaso Estado

Ay sa Paghahagilap Sipayo ng Pagsilo

2.

Ang Tanghalaan sa Larangan ng Kanayunan

Hindi Ayon Sa Pagluha ng Peting Bulaan

Pinili ang Paglalaya kesa sa Pagtatalik sa Dayuan

Lumalagap Lumalahok Umabot

Sa Pinilakantabing Ang Pagdurog

Ang Pagtuturo…..

Sa Pagsila ng mga Tuta ng Pasistang Estado

 

ikaw na may sabi… #STPenSTR

“Pagbabago”

By Ferdinand Ferdinand Ong Dimarucot

On: #TULAkaratulaBiSitaIglesiaKURESMA

#OverthrowDuterte Introduksyon:

 

SAAN, PAANO, KANINO, ANO ang Pagbabago (4x)

1.

Isang Masukal, Na

Daan, Iniibig Ninoman

Nilalansi ang Bibig

Sa Mga Nagbubulan!

Hindi Tiyak ang

Tumpak kung Hindi

Isasabalikat,

Mga Haka mo at Hibik,

Sya mong Pangarap

Nabatbat!

 

Ulit ang Introduksyon: SAAN, PAANO, KANINO,

ANO ang Pagbabago (4x)

 

Tinatangis Mong Kawala!

Kalayaan itong Babala!

Sa nais mo’t Hinala

Isang Hamon sa Buhay

Mong BAHALA!

Makitid na Daan Na tila sayo’y Nalaan…

Kung Pagtatagumpayan, Aani ng Kalwalhatian

 

Ulit ang Introduksyon:

SAAN, PAANO, KANINO,

ANO ang Pagbabago (4x)

HOLY WEDNESDAY

Tula at imahe ng Panday Sining

 

Ang Ipokritong si Caiphas at
Ang Taksil na si Hudas

Taksil!
Mga taksil sa rebolusyon!
Nagpapanggap na lupigin ang Imperyo,
Ngunit traydor at may inaambisyon.

Paghahari ni Herod ay nais higitan.
Handang ipagpalit ang bayan
katumbas ng tatlumpung pilak,
salaping galing sa korapsyon,
sa bulsa ng mga gahaman.

Tuta!
Ipokrito! Taksil!
Ang may pakana ng bawat pasakit.
Langit at bayan,
bumubugso ang galit!
Paghuhukom ay darating
dahil sa masang dumaraing!

Templo’y sisirain!
Namamayaning sistema ay bubuwagin,
at sa ikatlong araw,
magbabangon ang masang inaapi

Susulong ang pinagsasamantalahan!
Lulupigin lahat ng ipokrito, taksil at gahaman!
Mapulang pag-aaklas ay dadagundong
Magtatagumpay ang rebolusyon!

 

(Inilimbag ng Panday Sining noong ika-28 ng Marso, 2018, Miyerkules Santo)

Kay Buboy

(Para sa isang kaibigan, kasama, bayani, martir at sa lahat ng tulad niyang inialay ang sarili para sa sambayanan. @49)

Ni Nonoy Espina

 

ni hindi ka ulirang kasama buboy
mapusok, marupok
madaling maligaw ang
pag-iisip at hakbang

gayunpama’y daig mo
pa ang mga henyong
hunghang na nasilaw
sa sariling talino
at inakalang sa
aminado nga namang
katalinuha’t kakayaha’y
maaangkin ang
dakilang pakikibaka

ikaw na madalas
laitin, mamaliitin,
pagalitan, parusahan,
ang nanatiling
matatag

ikamonga’y di dahil
sa nauunawaan mo na
ng lubos ang
nilalaman ng
aklat na pula

pabiro mo pa nga
ng minsa’y napadalaw ka
na kung sa psr
ika’y hilung-hilo
anupakaya sa
marxismo-leninismo?

subalit sa ating
huling pagkikita
nasambit mo rin
sa kabila ng
pagkalito’t pagkabalisa
ang dahilan ng iyong
pananatili sa
dakilang pakikibaka

‘pinanganak akong alipin…
sa angkang alipin.
ano pa ba ang
mawawala sa akin
kung aking sikaping
maging malaya?
malagas man ako’y
babagsak ako sa
landas na malaya
kong pinili.’

tama ka nga buboy
nahimlay ka ngang malaya

at ang mga hunghang
na madalas ay tawanan ka?
hayun, bundat nga
subalit di naman
makalabas sa gintong hawla
sapagkat ngayo’y
batid na nila na
ang masang kanilang
ibinenta ay nakaabang,
naghihintay na
masingil ang dugong
inutang sa kanila

–Bacolod City

EASTER HOMILY

By Jason Montana

 

Open your eyes to the power of the people and the

arms they bear

Of sacrament and gun and a story living in their

hearts.

How different is the violence of the ruling classes and

their foreign masters

In their social system of exploitation and oppression!

The people’s war is violence of symbol and war:

Of seed sprouting from crushing rock and earth;

Of sun pushing out a sky full of dead stars;

Of mother and child struggling against the darkness of

wombs.

It is of Yahweh confirming the nothingness of evil and

death

When he stunned the precision and finality of his

sunrises,

And his mighty wind raised the Son of Man from the

dead.

Rehearsals of revolution are these deeds of sun and seed

and human birth,

And of Jesus glorious from the tomb, above all.

A great story is told, of driving force, and the people

rise!

——–

The poet wrote this piece as a member of the New People’s Army. Prior to joining the NPA, Fr. Paco Albano was a Benedictine priest who co-founded the underground Christians for National Liberation (CNL) that organized church peoples against Ferdinand Marcos’s tyrannical Martial Law and to wage the National Democratic Revolution. After many years in the underground, he resumed his priestly duties and died a priest of the Roman Catholic Diocese of Ilagan (Isabela Province) until his death earlier this month.

 “EASTER HOMILY” is part of the poet’s book “Clearing: Poems of People’s Struggles in Northern Luzon” published by the Artista at Manunulat ng Sambayanan, CNL, and the National Democratic Front of the Philippines in 1987.

Hindi Ako Maglo-Loan (Petmalu na joke)

Ni Jocelyn C. Tripole

Hindi ko alam paano simulan
Baka maraming magtaasan
Wala pong personalan
Hindi po ako exempted sa listahan
Huwag po magtaka para-paraan
Ang aking joke gusto ko pong simulan.

Hindi ako maglo-loan
Kahit pilipitin hindi makiki-isa
Ayoko makiuso sa mga kasama.
Unang taon sa eskwela
Kasama ang pisara
May darating daw na bisita.
So, ang naging resulta
Nag-loan ang maestra
Kasi ang room dapat pleasing sa mata.
Hindi ako maglo-loan
Ayoko nang sundan pa
Tama na ang isa,makaahon na sana
Sa dami ng reports at paperworks
Dapat nakikisabay ka
Printer, computer, laptop
In-demand naman talaga
Kaya sa bangko doon ako nagpunta.

Hindi ako maglo-loan
Ayoko na! Ayoko na!
Konting-konti na lang ang natitira
Hindi nauubos ang aking pasensya
Seminar, training , coaching
Hindi ka pwedeng magpa-bitin
Kaya sa bulsa mo, dukot-dukot pa rin
Ang classroom, dapat home-na-home ang dating
Take note: galing pa rin sa bulsa namin
Ang garden at reading ating pagandahin.
So, loan ulit naging solusyon natin.

Hindi ako maglo-loan
Pero may bahay na mareremata
Ang anak na ospital pa
May tuition fee na umaarangkada
Mura na lang talaga ang mura
Oo, isa kang paasa
Si kuya kailangan ng puhunan
Si ate manganganak na naman
Wala nang maintenance ang aking magulang
Si bunso kailangan din damitan
May lupang dapat interesan
May utang na dapat bayaran
Kuryente, tubig nagtaasan
Kaya ang bangko ang naging takbuhan
Sa tuwing may dinaramdam si ma’am
So, ‘wag nyo kong husgahan
Kung ang pay slip aking inaabangan.

Hindi ako maglo-loan
Joke ko lang naman yun
Kung gusto mong seryosohin
Bahala ka na dun.

Habang hindi tinataasan
Ang sweldong nakalimutan
Hindi ako maglo-loan
Habang buhay kong joke un
Pwede mong seryosohin
Bahala ka na tsong!

 

(Ang makata ay isang guro sa Bulacan. Kahapon, nag-protesta ang mga guro sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers sa punong tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon laban sa pagtanggal ni Kalihim Leonor Briones sa net take home pay ng mga pampublikong guro upang masigurong mayroon silang maiuuwing apat na libong piso man lamang kada buwan.)