MGA DAGDAG NA TULA PARA KAY CHAD BOOC

4. ODE TO AN ABRIDGED LIFE

(On confronting the fate of Chad Booc)

by Pablo Tariman

Grief is infinitely real

When people die young

In the prime of their lives.

You can see

That it was a well-spent youth

Nurtured by concern for the common man

Along with a zest for life

He found anomalous

In a sea of deception.

But then young men with energy

Die young

Like Mozart gone at 35

And who once said:

‘I am one of those who will go on doing

Till all doings are at an end.’

I am 73

I sometimes

I imagine how it is

Dying in your 20s, 30s,40s, 50s

And living An abridged life.

Would I have been spared

The torments of my senior years?

Would I have been better off

Not living the pandemic

With a life

Cut short by accident, sudden illness

Or a nightmare?

Moreover

Old age gives you

What the young don’t get to see

In their lifetime.

You witness the birth

And death of the best

People in the arts

And the cinematic turn

Of their lives.

When you live a bit longer

You see the rise and fall of fortunes

Sad chapters of marriages

And the eternal sadness

That happily brought out

The best in them.

You have seen

The best and worst of leaders.

You have lived the best and worst of times.

You have witnessed how dictators fall.

And will likely witness the fall of another one.

You see the birth of legendary beauties

And their beautiful

As well as sad lives.

You have lived endless sunshine

And stormy weather.

Would you have been better off

Not living in cyberage

Doing away with tablets

And laptops

And complicated passwords

In the new era

Of zoom press conferences?

When activists die young

I connect easily

Even if I didn’t share

A good slice

Of their abridged life.

Was that death meant

To spare them

From more uncanny chapters

Of living a life?

I suppose

You learn the precariousness of living

And its inevitable ending

Living extended years.

A young life just ended

And here I am contemplating

A longer life denied to many.

I like how life

Gives you unpredictable chapters

And new twists in a life

Not knowing how it will end.

I don’t like to mourn

When people die young.

Death could be the peace of mind

They have been looking for

And the perfect ending

For a life of struggle

Back in their restless minds.

When they die young

You appreciate that you lived

A bit longer.

With death and suffering come

The legacy of wisdom

Almost always denied

To the young

And apportioned to those

Who reach the autumn

And winter of their lives.

At 73

I like the peace

That comes with

The prospects of dying.

But when you die young

You pause

And think of the possibilities

Of more fruitful life ahead of them.

Can you grieve when

You see young people

Die a swift and early death?

I can imagine

What was in his mind

As he breathed his last.

When bullets

Tore through

His young body

He did not die in vain.

He died for a cause

Nobody in these trying times

Would care to espouse.

Could those fatal bullets

Be stark reminders

That a pure kind of heroism

Look deep and noble

On the young?

Then and now

You learn to appreciate

The long and short

Of a borrowed life.

I can accept it

That the young die

With the purest brand

Of heroism.

5. HIGIT PA SA SIBILISASYON

Ni Richard R. Gappi

Minsang may nagwika:

may nawawasak na sibilisasyon

tuwing may nasusunog

na bahay-aklatan.

Paano kung buong

eskuwelahan ang tinutupok

ng lagim at takot?

Paano kung pinapaslang

ang mga guro?

Paano kung buong tribo

ang sinisilaban upang

mabura sa mapa ng lupa

na kakambal ng kanilang hininga?

Higit pa sa sibilisasyon.

Maliban sa pagbangon,

usok mula sa guho na

naghuhugis taas-kamao.

Nagwiwika:

“Nu sa pipa makaugod,

manugod kan dida tu.”* #

*Katumbas ng “If the land could speak, it would speak for us.”

— 8:26AM, Friday, Sept. 11, 2015

Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society

Angono, Rizal, Pilipinas

6. TATLONG TANAGA

Ni Ron Magbuhos Papag

Para sa nakalimot

O katwirang baluktot

At sa yama’y nag-imbot

Ika’y sayang at salot

Ang tangan mo ay sulo

Mapagpalayang turo

Para sa katutubo

Buong lupang ninuno.

Sarili’y inialay

Dunong, husay at buhay

Sa layuning dalisay

Pagkakapantay-pantay.

7. TEACH US, CHAD

By Luchie Maranan

I read of you,

Of how you deconstructed teaching

Within four walls,

And learned the language

And lore of the Lumad.

Of how your lesson plans

Were designed in sync with

The nurture of the beloved

Fields and ranges of the natives

Who taught you that it is just

To cherish and defend

The roots and springs of

The indigenous identity and survival.

I read of you, Chad.

Of how fierce your spirit can be

That it cannot be crushed

By these doomed, dark forces

Always hungry to quell the hapless.

Teach us, inspire us, Chad,

To crush this heartless, beastly

Enemy called the State.

= = = = = = = =

READ: Tatlong tula para kay Chad Booc

Tatlong tula para kay Chad Booc

1. Si Chad at mga Bakwit

Ni Ibarra Banaag

Hininga ang naghihiwalay sa katawang lupa.

Kaluluwa ang nag-uugnay sa diwa at kataga.

Gunita sa himaymay na siyang bulong sa panata.

Tuwing may dugo at luha na dadampi sa madla.

Matamang nangungusap ito sa kamalayan.

Nagsasabing ang buhay ay daluyan lamang.

Kasangkapan ng karunungan at pagmamahal.

Sukdang pumikit ang mata at ito’y mabuwal.

Sino bang tunay na magbibigay ng paghanga.

Di ba’t yaong mga Lumad na pinaglingkuran nila.

Patotoong mababakas sa hinagpis at palahaw,

Kundi pisnging binasa ng dusa at pusong naulila.

Tulad nila ay kislap ng batis sa silong ng buwan.

Bulalakaw sa hinaing at pangarap ng nanibugho.

Ilog na tumatalunton sa malawak na karagatan.

Puno na nagbibigay ng pananalig at kanlungan.

Balabal-ritwal at kasuutan ng mga katutubo.

Awit, sayaw, huni at galaw ng mga ninuno,

Dayuhang narahuyo sa diwatang sinusuyo.

Tadhanang naghatid ng pag-ibig at pagsuyo.

Hindi ka namin ililibing kagaya ng ‘yong hiling,

Kasama ng apat pa, binhi kang sa lupa ikakalat.

Sa lupang pangako kawangis mo’y didiligin

Ng sumibol at yumabong adhikain na hangad.

— Pebrero 26, 2022

2. Hindi lumuluha ang demonyo

(Hinggil sa ‘No tears for terrorists’ ni Dr. Lorraine T. Badoy)

Ni Marlou Abaja

Walang balon ng awa

Walang batis ng malasakit at hinagpis

Walang bukal ng buhay ang katawan

Ng demonyong nagbabalatkayong tao

Walang aagos na luha ng dalamhati

Walang luha ang demonyo

Tinuyo ng apoy ang bawat patak

Bagkus ay pagdiwang sa itim niyang budhi ang nangingibabaw

Sa pagpanaw ng pinaslang na bayani

Walang luha ang demonyo

Kundi galak na hindi makatao.

3. Titser Chad

Ni Raymund B. Villanueva

Pauwi pa lamang mula sa rali–

nag-kober at sumali–

nang malaman ang masamang balita

mula sa lalawigan ng ginto’t dugo

Ayaw munang maniwala

Bakit ba? Napakasama

nakakapanghina

Ngunit possible, bakit hindi?

Madalas talagang maging martir

ang mga dati nang bayani

Adya yata, sa UP ako dumaan pag-uwi

(Bilin ng asawa’y bumili ng lupa sa maghahalaman

sa C5.) Pagliko kanina sa University Avenue

lumingon sa kanan at tinanaw hanggang dulo

ang istatwang dipa’t tingala.

Sa ngayong naluluhang mata

dahil sa iyo, Titser Chad,

si Oble’y tumangkad pa yata.

–3:01 n.h.

25 Pebrero 2022

Lungsod Quezon

A POEM FOR TARITS

By Raymund B. Villanueva

TA ZIGEBEBANNAG NGA KAVULU

Para kani Rita “Tarits’ Baua

Nu tiyempu na aggaradu ta komang

Nu aranni ngana mas-si y kapayakang

Y danung malimakang, kaddo masipakang

Mala ta gukag na abayaw y negalu tu nuang.

Namegafu ta aggig sittam nga kusetseru

Napakaga ta malapo tu davvun y aradu

Nage na nabaling y aggaw na Yafu

Nagalla-gallakang ngana y anteru fugu.

Sangau, ta nappange tu umma

Magite-takki ittam nga lumakag dua

Ta davvun y vukal itetaga ta

Innam mu, mattatalovu nepagi-mula.

Angngarigang tu ariam mu meyennag gapa

Kannammuam-mu, maddarawa ngana

Umara-ranni aggaw, affu-fusi na vunga

Mapannu-pannu sangau yore y kareta.

-6 Eneru 2022
1:49 n.f.
Syudad nak-Quezon

FOR A COMRADE GONE TO REST

For Rita “Tarits” Baua

When the fields cry out to be plowed

The ponds from the rains are drying out

What water remains is drained, the grass is cut

And the carabao is fetched from where it’s tethered.

We start often from the edges

Our plows biting into softened soil

Just like that, before the day is through

What once was flat is now furrowed.

The new morn that on us shall dawn

Will then welcome our unshod feet

Gently covering kernels we drop

That soon shall see tender leaves sprouting.

In the chance you no longer can wait

We are certain of their flowering, fruiting

As are the days for gathering

And the carts will groan with our bountiful harvest.

-Translated 7 February 2022
8:49 AM
Calatagan, Batangas

PARA ITI KADUA A NAPANEN NAGINANA*

For Rita “Tarits” Baua

(An Ilokano translation)

No agsaning-in dagiti kelleng a maarado

Dagiti piskiria a nadanuman maatianan

Ania man danum a nabati, dagiti ruot maparaspas

Ti nuang maala manipud nakaigalutanna.

Rugian kadagiti sidsidiran

Tangbaw bukwalenna dagiti naruka a daga

Kasta latta, sakbay a malpas ti aldaw

Dati a natanap itan naaradon.

Agbukarton ti maysa a parbangon

Mangsarabo kadagiti lamulamo a dapan

Abbungan bukbukel a matmatnag

A di agpaut pagrusingan adu a bulong.

No bilang ta dikan makapaguray

Siguradokami iti panagsabongda, panagbunga

Kas kadagiti aldaw a panagburas

Dagiti karison agarasaas kinabaknang ti ani.

–Honor Blanco Cabie,
2105-2112; Feb 9, 2022, Metro Manila, Wednesday.

Maulan na Hapon

Ni Andre Ramirez Gutierrez

Pagkatapos ng tahimik na pagdiriwang,

ng simpleng noche buena’t inuman sa dilim,

bumigkas ang langit ng isang pamilyar

na pangungusap na kilala’t kinatatakutan

ng lahat: walang habas na pagpatak, koro ng kulog

na sumasabay sa kumpas ng kampana’t

marahang bulong ng hangin mula sa kanan—tila

sanlibo’t sandaang tipak ng bato ang nagahagbong

sa mga yerong bubungan. Mula sa aking kinauupuan,

dinig ang ispiker ng simbahan, at ang panalangin

ng pari sa agarang pagtila nitong muling pagbuhos ng ulan.

Sa kaliwang parang, mayroong nilalamig na kambing

na napabayaang ngumunguya ng bermuda, at marahil

sumasabay din siya sa idinaraos na misa, pagkat bakas

sa kaniyang ginaw na halinghing ang tráwma ng pagsalanta.

Poblacion, Dauis

26 Disyembre 2021

Namualan sa Bungulan

Textula ni Joel Costa Malabanan

Ika-17 ng Nobyembre, 2021

Ay singkaran ang haragan papakyawin pa ang lahat

Maraming tiket sa Mayo, kokopohin: patimpalak;

Bargas na kapit-tuko, bawat buwig sa sagingan

Lalantakan ang lakatan, tundan pati ang bungulan.

Sadyang Republikang Saging ang sa Tsinong inaangkin

Sa wakas ay nakasilo, matsing hangad paalipin;

At nang si Tiyo Samuel ay maagawan ng saging

Ngayon ay nagkukumahog kung sinong tatangkilikin!

Namualan sa bungulan, hayaan nating masamid

At sakaling mahirinan, pagkaitan nitong tubig;

Silang pati tirang saba, nginangabngab sinasaid

Sa sumbat ng bayang api, mahihimlay sa ligalig!

At ang mga mapanlinlang, kunsintidor at kasabwat

Ay tiyak na magigisa sa sariling tagihawat!

Sa Lungsod ng Tao: Elehiyang Isinulat sa Dalampasigan

Ni Richard Gappi

Durugin ang bundok

sa kabilang isla.

Ang mga tipak,

ibiyahe sa barko

pa-Luneta.

Ibudbod sa kilikili

ng Lungsod ng Tao

na nangitim

dahil sa libag ng siyudad.

Takpan, para pumuti.

Tawagin ang media,

bibisita at panauhin.

Magpalakpakan.

Magsiksikan.

Magkodakan.

Magselpi.

Tapikin ang inyong

sari-sarili sa balikat.

Mahal n’yo ang kalikasan.

Pinaganda at iningatan.

Habang ligaw na hangin

ang peste-de-gulpi

na umaali-aligid.

At bundat ang inyong

mga bulsa at bankakawnt.

Takam na takam;

Nagseselebreyt sa dakila

n’yong ambag sa kalikasan. #

–4:42PM, Martes, Oct. 26, 2021

Angono, Rizal

Angono 3/7 Poetry Society

FILM: RIVER OF TEARS AND RAGE

“An infant. A burial.  A river of tears and rage.”

A Film by Maricon Montajes. A Kodao Production

Synopsis:

Women’s rights activist Reina Mae Nasino was a month into her pregnancy when arrested by Manila’s police on suspected trumped-up charges. She endured a difficult pregnancy in one of the world’s most crowded prisons and gave birth to Baby River Emmanuel while in detention. Efforts to allow mother and child to spend more time together failed, the Philippine government justifying their early separation to the lack of infant care facilities inside prisons. Denied care from her mother, Baby River died at only three months old.

River of Tears and Rage is film culled from Kodao Productions’ Facebook Live coverage of Baby River’s wake and burial. Amid a raging coronavirus pandemic, a dead three month-old infant became a symbol of political repression by a regime denounced worldwide for its crimes against the people.

Director’s Statement:

Alternative media outfit Kodao Productions has extensively reported on many cases of activists arrested on trumped up charges of possessing illegal guns and explosives. Reina Mae Nasino was one such case. She was pregnant when arrested and was forced to continue her pregnancy inside the country’s notoriously overcrowded prisons. She gave birth while in detention and was forcibly separated from her infant child very early. Due to lack of maternal care, the baby got sick and died at only three months old.

Kodao produced comprehensive reports on the drama that transpired during the baby’s wake and chaotic burial. Its live report generated the most number of views and reactions from a shocked nation as fully-armed police and jail guards went against deeply-held Filipino values of respect for the dead and burial traditions.

This film puts together the most dramatic events during a three-month old baby’s wake and burial, using smart phones, consumer cameras and Facebook Live footages. It also includes real time comments from viewers, a great majority of whom expressed outrage at the government’s merciless show of might against its people.

Poster of the film River of Tears and Rage.

The Director:

Maricon “Conz” Montajes is a video editor, filmmaker and a former political prisoner. After being incarcerated for seven years, she resumed her studies and recently graduated Cum Laude from the University of the Philippines Film Institute with a BA Film degree. She was a three-year scholar of the Office of the Initiatives for the Culture and the Arts UP Diliman Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program (OICA UPD-VACSSP) as well as a university scholar. She is the video designer for Huni at Pakpak, a stage play for the CCP’S Festival of Women’ s Plays 2020. She is also the video editor and director of Salugpongan and Sining Sandata, which both won 1st prizes in the 1st UP PAG-AALAY webXHIBITION & FESTIVAL. Her recent work, Sanib Lakas, also won Top 2 Judges’ Choice in Year 2 of CNN Reel Filipina A Digital Shorts Competition (2021). She is a videographer and photographer for Kodao Productions, an alternative media outfit based in the Philippines, and also part of the film collective Sine Sanyata. 

The Production:

River of Tears and Rage is a 26-minute video-documentary that started from a coverage of the crackdown against activist groups by the Rodrigo Duterte administration of the Philippine government, including that of Reina Mae Nasino and, by grievous extension, her three-month old infant.

As the first anniversary of the baby’s birth drew near, Kodao Productions decided to gather its actual video footage of the wake and burial, along with other materials from activist organizations and other alternative media outfits. The film is thus produced from these materials, central of which is the Facebook Live footage that gripped Filipino netizens that fateful day.

The film is a simple retelling of those events. With the exception of the sound designer, its production team is virtually the same coverage team that covered the wake and the burial.

As in most other small, independent and alternative multi-media outfits throughout the world, the production team members are skilled and versed in various disciplines that allow them to produce several kinds of outputs in several platforms.

Severely limited in yet another lockdown due to an outbreak of record numbers of new coronavirus  cases, production meetings during the production of this film was conducted online.

About the producer:

Kodao has received awards and citations from the Cultural Center of the Philippines, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, Catholic Mass Media Awards, Pandayang Lino Brocka, Titus Brandsma Awards, Gawad Agong, and Gawad Urian for its film and radio productions. It celebrates its 20th anniversary this year.

From Kodao’s inception until his death last month, National Artist for Literature Bienvenido Lumbera served as chairperson of its Board of Directors. This film is dedicated to him. #

(The film’s online premiere today, October 16, is the anniversary of Baby River’s burial. The premiere is in partnership with Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights, Kapatid, Promotion of Church People’s Response, Gabriela USA and Malaya Movement USA.)

GABI NG LAGIM

Ni Pablo Tariman

Mahirap alisin

Ang tagaktak ng pawis

Sa maalinsangang hapit

Ng hangin

Sa biglaang buhos ng ulan.

Ubos na ang mga laway

Sa magdamag na pagmumura.

Nawala ka na naman sa iyong sarili

Bunga ng sigalot sa magdamag.

Hindi ko masyadong napansin

Ang pagsara ng Graphic magazine

At ABS CBN noon Setyembre 1972.

Tahimik kong tinanggap

Na wala na akong trabaho

Sa edad 23.

Upong diyes pa noon

Sa mga jeepney.

P35 isang buwan ang bed space.

Proofreader ako P240 isang buwan.

Ngunit napagkakasya

At may natitira pang

Naipapadala sa probinsiya.

Kung iisipin

Isa lang namang network ang nasarhan

Sa kakaibang ‘martial law’ ng 2020.

Pero bakit kumukulo

Ang iyong mga dugo

Tuwing nakikita mo imahen

Ng berdugo sa telebisyon?

Kakaiba ang martial law ng 1972

May namamatay

Pero hindi nabibilang ng DOH.

Hindi puno ang mga ospital

Ng mga agaw buhay at

Mabilis na yayao.

Kakaiba ang ‘martial law’ ng 2020

Ang dami ng nagugutom

Marami ang nakatira sa mga jeepney

Dahil napalayas na

At hindi na makabayad ng upa.

Bakit?

Nasa gitna pa

Ng walang katapusang konsultasyon

Ang mga butihing mga tauhan

Ng DOTC na walang kibo’t bibig

Kundi kung ano-anong hierarchy

Ng mga priorities.

Maraming salita sa English

Na hindi halata

Ang harapang pandarambong.

Kakatayin ka na lang

Pero ipapakita ang mukha

Kuno ng compassion

At pikit matang binigay mga rota

Sa mga modern jeepneys.

Bakit masaklap ang ‘martial law’

Ng 2020?

Ang daming gutom.

Ang daming nawalan ng trabaho.

Ang daming naglalakad

Dahil walang masakyan.

Kalunos-lunos ang mga hiyaw

Ng mga OFW

Sa evening news ng TV

At humihingi ng tulong.

Ngunit inuna

Ang pagpapasa ng Anti Terror Law

Sa gitna ng paghihirap

Ng mga tao.

Ubos na ang mga laway

Sa magdamag na pagmumura.

Puyos ng galit

Ang lumalabas sa mga bibig mo.

Hindi na maiibsan

Ang paghihirap

Sa pagbigkas

Ng mga tula ni Maya Angelou

At mga pahimakas ni Walt Whitman.

Malinaw na ang daan

Na tinatahak

Ng diktador ng Mindanaw.

Nagkukumahog na dumalaw

Sa mga namatay na mga sundalo

Para sabihin lang

Walang ibang pangulo

Ang nagbigay ng maraming benepisyo

Sa kanila

Kundi siya.

Sa totoo lang

Takot siya na iwanan

Pag kumampi ang mga kawal

Sa galit na sambayanan.

Inabutan na ako

Ng dalawang kakaibang martial law.

Isa lang ang may pakana noong 1972.

Sa 2020, kakutsaba ang kongreso

At mga galamay na matsing

Na todo intense acting

Sa hearing.

Pero laging nabubuking

Ang mga

Totoong pakay.

Ako’y handa na

Sa susunod na gabi ng lagim.

Handa na ang mga kuwento

Ng mga halang na kaluluwa

Sa gitna ng pandemya.

* * *

BALAT SIBUYAS

Ni Ben Domingo Jr.

Sobrang sensitibo.

Kaunting kanti, nagagalit.

Maliit na gasgas, nagpapalahaw.

Pero kung hindi naman pansinin,

nagtatampo kaagad.

Pikon.

Mahilig magbiro,

kahit wala sa lugar

at istilong-puson ang banat,

pero ayaw namang magantihan,

at kahit kaunting pasaring lamang,

manggagalaiti na nang sagad.

Duwag.

Ayaw maglakad nang mag-isa.

Gusto palaging kasama ang barkada.

Kuyog-kuyog kung ipagtanggol siya.

Pero sa totoo lang, nangangatog palagi

ang umuuga nang tuhod niya.

Hay naku,

balat-sibuyas,

bulok na sibuyas…

Ngalngal Sa Danas at Diskontento

Rebyu sa “Yawyaw ni JP” ng Sine Sanyata

Ni Giap Ivean

“Ang buhay po naming mga squatter ay isang malaking quarantine. Matagal na po kaming ihinawalay sa inyo. Tinatawag ko po itong squarantine.”

Mga barung-barong na napalilibutan ng pader at barbed wire. Sa isang karatula nakasulat ang This is Private Property.  Ito ang pambungad na imahe ng maiksing vidyo na pinamagatang Yawyaw ni JP. Ito ang ikalabing-isang obra ng kolektibong Sine Sanyata na naging bahagi din ng nakaraang Indie Nation Shorts Program ng Cinemalaya Film Festival 2021.

Nabuo anim na buwan mula nang mag-umpisa ang pandemya, nakasentro ang Yawyaw ni JP sa karanasan ng maralitang Pilipino sa gitna ng krisis pangkalusugan ng Covid 19. Binabaybay ng likhang ito ang mga usapin ng kawalang katiyakan sa paninirahan, kawalang kabuhayan at kagutuman sa isang banda. Sa kabilang bahagi naman ay ang usapin ng korupsyon, pulitikal na panunupil, at ang inutil na militaristang pagtugon ng gobyerno sa krisis.

Poster ng pelikulang ‘Yawyaw ni JP’ ng Sine Senyata Film Collective.

May mga nagsasabi po na pabigat daw kami. Luh! Tignan nga po ninyo gaano kami kapayat.”

Sa halip na ilahad ang mga ito sa agresibong tono kagaya ng kalakhan sa mga agit prop na bidyo ng Sine Sanyata, epektibong pinadaloy ang bidyo sa pamamagitan ng isang lenggwaheng mahinahon, tila nakikiusap ngunit matalas ang sarkasmo. Ipinahahayag sa bidyo ang patung-patong na lebel ng karanasan ng maralita—ang umiiral na araw-araw na kahirapan, ang pangmamata sa kanila ng middle-class at ng mga grupong pribilihiyado sa lipunan, at kung papano sa huli’t huli sila ang pinakadehado sa gitna ng pandemya.

Alam niyo naman kaming mahihirap. Kami ang gumagawa ng hindi niyo gusto.”

Bagamat may pahaging sa punto de bista ng panggitnang uri, inililinaw sa mga imahe na ang ultimong mastermind sa kalagayan ng mamamayan ay ang mga naghahari-harian sa estado poder.

Hindi karaniwang maiksing pelikulang animation ang Yawyaw ni JP. Natatangi din ito bilang isang eksperimental na kolaborasyon. Ang mga imaheng makikita sa buong pelikula ay mga ambag ng iba’t ibang visual artist, karamihan ay mga editorial cartoon na ang mga simpleng guhit ng kritisismo ay ihinabing mga anekdotang bumubuo ng isang payak ngunit matapat na kwento.

Ito ay kuwento ng danas at diskontento hindi lamang ni JP. Ayon sa Sine Sanyata, “Hindi lang tinig ni JP ang ating maririnig. Isinasakatauhan ni JP ang boses ng kay raming Filipino na naghihirap ngayong pandemya. Si JP ay ang masang Pilipino—inaalipusta, niloloko, nilalapastangan, at etsa-pwera ang pag-iral. Sa katunayan, tayong lahat si JP.”  Tagos sa bituka ang nilalaman ng Yawyaw ni JP. Realistiko. Simple. Napapanahon. Nananatiling makabuluhan higit sa pinakamalawak na manonood na target abutin ng ganitong tipo ng mga obra.

Kagaya ng adhikain ng mga filmmaker sa likod ng Sine Sanyata, lagi’t laging pinatutunayan ng mga social realist na likhang gaya nito na may pandemya man o wala, may malubhang sakit ang lipunan na matagal nang kumikitil sa mamamayan. At ang natatanging gamot ay ang pagmumulat at pagkilos para baguhin ang ating kalagayan. #