#EDSA35: Bayan Ko
Sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power, inihahandog ng Kodao Productions, People’s Chorale, mga lider mula sa Simbahan, Makabayan, Bayan, Magsasaka, Kabataan, organisasyong masa at mga aktibista ang awiting Bayan Ko.
Ang kasaysayan ng patriyotikong awit na “Bayan Ko” ay malalandas pabalik sa pakikibaka laban sa pananakop ng Amerika. Sinulat ni Jose Alejandrino, Pilipinong heneral at propagandista ang tulang “Nuestra Patria,” na tatlong dekada makalipas ay isasalin sa Tagalog ni Jose Corazon de Jesus at lalapatan ng musika ni Constancio de Guzman.
Magiit ang presensya ng “Bayan Ko” sa lahat ng yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Naging popular din ito sa mga Pilipino noong okupasyon ng mga Hapon. Noong 1970, tinampok ang “Bayan Ko” sa muling pagtatanghal ng sarswelang “Walang Sugat” ni Severino de los Reyes. Inawit sa mga protesta kontra sa diktaduryang Marcos ang “Bayan Ko,” at sa ilang pagkakataon ay ginawan ng modipikasyon ang liriko nito. At ganoon na lamang ang popularidad ng awit sa mamamayan kaya itinuring na sedisyoso nang ideklara ang Batas Militar. Pero paano ba masusupil ng baril ang isang awit?
Patuloy na naging bahagi ng pagpapataas ng diwang palaban ng mamamayan ang “Bayan Ko” – inaawit ng kilusang masa sa maraming larangan, hanggang sa maging awit ng malawak na alyansang tuluyang nagpatalsik sa diktador noong Pebrero 25, 1986.
Tatlumpu’t limang taon makaraan ay nanatiling panawagan ng pagkakaisa at pakikibaka ang awit na ito. Hindi kailanman nawalan ng bisa ng “Bayan Ko,” lalo lamang umiigting sa harap ng nanumbalik na diktardurya.
Muli natin itong aawitin bilang paggunita at pagpapatuloy sa diwa ng EDSA. Alalahaning nasa ating kamay ang katapusan ng pasista, korap, pabaya, utu-uto sa dayuhan at pahirap sa mamamayang presidente at kanyang mga alipores. Alalahaning hindi lang minsan nating nagawa na sama-samang itindig ang demokrasya.
—
Maraming salamat sa lahat na nagbahagi at nakiisa sa panawagan
Andre Bisenio para sa intrumentation ng awiting Bayan Ko
Maki De la Rosa para sa introdukstion ng bidyo
Nene Mosqueda, Music Consultant
Lider Simbahan
Bishop Gerardo Alminaza, Diocese of San Carlos
Mother Mary John Mananzan, OSB
Msgr. Erwin D. Magnanao, Diocese of San Carlos.
Sr. Judith Diaz, OSB
Fr. Almer Forrosuelo, Diocese of San Carlos
Sr, Jeane Amar, SAMIN
Brother Armin Altamirano Luistro, FSC
Sr. Lisa Ruedas, DC
Bishop Solito Toquero, UMC
Rev. Irma Mepico Balaba
Bishop Jerome Barris, UCCP EVJA
Deaconness, Rubylin Litao
Fr. Mario Quince, IFI
Very Revd. Christopher Ablon, IFI
Makabayan Bloc
Rep. Carlos Isagani Zarate, BM
Rep. Ferdinand Gaite, BM
Rep. Sarah Elago, Kabataan
Former Rep. Antonio Tinio, ACT
Agnes Mesina, Makabayan-Cagayan Valley
Deo Montesclaros, BM-CV
Walter Villegas, Kabataan PL-CV
Lider Masa
Dr. Carol Araullo, Bayan
Prof. Judy Taguiwalo
Ka Paeng Mariano, KMP
Prof. Sarah Raymundo
Renato Reyes, Bayan
Prof. Rommel Linatoc
Kej Andres, SCM
Dr. Geneve Rivera, Reyes, HEAD
Robert Mendoza, AHW
Vicky Aquino, AHW
Nanay Lore Benedicto, Rise Up for Life and for Rights
Isabelo Adviento, Danggayan Dagiti Mannalon-CV
Ferdinand Valdez, UMA-Isabela
Matthew Santiago, ACT Region III
Rosanilla Consad, ACT Region XIII
Kenneth Cadiang, SOS-CARAGA
Nonoy Espina, NUJP
Atty. Jobert Ilarde Pahilga, NUPL
Atty. Kathy Panguban, NUPL
Cita Managuelod, SENTRA-CV
Xandra Casambre-Bisenio, IBON and Kapatid
Clarice Palce, Gabriela Youth
Dania Reyes, ILPS-Philippines
Paul Belisario, IPMSDL
Bugsy Nolasco
Dessa Ilagan
Lou Mendez
Jessie Barcelona
Romie Malonzo
Patricia Marleni Malonzo
Justine Nicole Malonzo
Bayan, PCPR, ACT
Sambayanang Pilipino
—