‘Nagpapatuloy ang pakikibaka para sa kalayaan at hustisya’

“Talumpu’t limang taon ang nakalipas, kasama sa martsa ng mamamayang Pilipino ang uring manggagawa para ibagsak ang isang diktador. Subalit ang inisyal na tagumpay na magtutulak sana ng mga ekonomiko at pampulitikang reporma ay tuloy-tuloy na nilustay ng mga sumunod na rehimen. Pero isa ang tiyak: Nananatiling buhay ang militansya ng pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. Nagpapatuloy ang pakikibaka para sa kalayaan at hustisya ng ating bayan.”Jerome Adonis, Pangkalahatang Kalihim, Kilusang Mayo Uno