Sa komemorasyon ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power I, ipinaalala ng mga progresibong grupo ang mahabang paglaban ng mamamayan kontra tiraniya at diktadurya. Sa programa sa harap ng Department of National Defense at martsa patungong People Power Monument, hinimok nila ang sambayanan na muling tumindig para sa demokrasya.
https://kodao.org/wp-content/uploads/2021/03/152908014_10159043511579866_2285762895427394061_o.jpg13652048Kodao Productionshttps://kodao.org/wp-content/uploads/2014/11/kodao.pngKodao Productions2021-03-01 16:21:312021-03-01 16:21:32EDSA PEOPLE POWER 1: Paggunita sa tagumpay ng mamamayan
“Talumpu’t limang taon ang nakalipas, kasama sa martsa ng mamamayang Pilipino ang uring manggagawa para ibagsak ang isang diktador. Subalit ang inisyal na tagumpay na magtutulak sana ng mga ekonomiko at pampulitikang reporma ay tuloy-tuloy na nilustay ng mga sumunod na rehimen. Pero isa ang tiyak: Nananatiling buhay ang militansya ng pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. Nagpapatuloy ang pakikibaka para sa kalayaan at hustisya ng ating bayan.” — Jerome Adonis, Pangkalahatang Kalihim, Kilusang Mayo Uno
https://kodao.org/wp-content/uploads/2021/02/JEROME-ADONIS.png32164800Kodao Productionshttps://kodao.org/wp-content/uploads/2014/11/kodao.pngKodao Productions2021-02-27 15:13:402021-02-27 15:13:42'Nagpapatuloy ang pakikibaka para sa kalayaan at hustisya'
Sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power, inihahandog ng Kodao Productions, People’s Chorale, mga lider mula sa Simbahan, Makabayan, Bayan, Magsasaka, Kabataan, organisasyong masa at mga aktibista ang awiting Bayan Ko.
Ang kasaysayan ng patriyotikong awit na “Bayan Ko” ay malalandas pabalik sa pakikibaka laban sa pananakop ng Amerika. Sinulat ni Jose Alejandrino, Pilipinong heneral at propagandista ang tulang “Nuestra Patria,” na tatlong dekada makalipas ay isasalin sa Tagalog ni Jose Corazon de Jesus at lalapatan ng musika ni Constancio de Guzman.
Magiit ang presensya ng “Bayan Ko” sa lahat ng yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Naging popular din ito sa mga Pilipino noong okupasyon ng mga Hapon. Noong 1970, tinampok ang “Bayan Ko” sa muling pagtatanghal ng sarswelang “Walang Sugat” ni Severino de los Reyes. Inawit sa mga protesta kontra sa diktaduryang Marcos ang “Bayan Ko,” at sa ilang pagkakataon ay ginawan ng modipikasyon ang liriko nito. At ganoon na lamang ang popularidad ng awit sa mamamayan kaya itinuring na sedisyoso nang ideklara ang Batas Militar. Pero paano ba masusupil ng baril ang isang awit?
Patuloy na naging bahagi ng pagpapataas ng diwang palaban ng mamamayan ang “Bayan Ko” – inaawit ng kilusang masa sa maraming larangan, hanggang sa maging awit ng malawak na alyansang tuluyang nagpatalsik sa diktador noong Pebrero 25, 1986.
Tatlumpu’t limang taon makaraan ay nanatiling panawagan ng pagkakaisa at pakikibaka ang awit na ito. Hindi kailanman nawalan ng bisa ng “Bayan Ko,” lalo lamang umiigting sa harap ng nanumbalik na diktardurya.
Muli natin itong aawitin bilang paggunita at pagpapatuloy sa diwa ng EDSA. Alalahaning nasa ating kamay ang katapusan ng pasista, korap, pabaya, utu-uto sa dayuhan at pahirap sa mamamayang presidente at kanyang mga alipores. Alalahaning hindi lang minsan nating nagawa na sama-samang itindig ang demokrasya.
—
Maraming salamat sa lahat na nagbahagi at nakiisa sa panawagan
Andre Bisenio para sa intrumentation ng awiting Bayan Ko Maki De la Rosa para sa introdukstion ng bidyo Nene Mosqueda, Music Consultant
Lider Simbahan Bishop Gerardo Alminaza, Diocese of San Carlos Mother Mary John Mananzan, OSB Msgr. Erwin D. Magnanao, Diocese of San Carlos. Sr. Judith Diaz, OSB Fr. Almer Forrosuelo, Diocese of San Carlos Sr, Jeane Amar, SAMIN Brother Armin Altamirano Luistro, FSC Sr. Lisa Ruedas, DC Bishop Solito Toquero, UMC Rev. Irma Mepico Balaba Bishop Jerome Barris, UCCP EVJA Deaconness, Rubylin Litao Fr. Mario Quince, IFI Very Revd. Christopher Ablon, IFI
Makabayan Bloc Rep. Carlos Isagani Zarate, BM Rep. Ferdinand Gaite, BM Rep. Sarah Elago, Kabataan Former Rep. Antonio Tinio, ACT Agnes Mesina, Makabayan-Cagayan Valley Deo Montesclaros, BM-CV Walter Villegas, Kabataan PL-CV
Lider Masa Dr. Carol Araullo, Bayan Prof. Judy Taguiwalo Ka Paeng Mariano, KMP Prof. Sarah Raymundo Renato Reyes, Bayan Prof. Rommel Linatoc Kej Andres, SCM
Dr. Geneve Rivera, Reyes, HEAD Robert Mendoza, AHW Vicky Aquino, AHW
Nanay Lore Benedicto, Rise Up for Life and for Rights Isabelo Adviento, Danggayan Dagiti Mannalon-CV Ferdinand Valdez, UMA-Isabela Matthew Santiago, ACT Region III Rosanilla Consad, ACT Region XIII Kenneth Cadiang, SOS-CARAGA Nonoy Espina, NUJP
Cita Managuelod, SENTRA-CV Xandra Casambre-Bisenio, IBON and Kapatid Clarice Palce, Gabriela Youth Dania Reyes, ILPS-Philippines Paul Belisario, IPMSDL
Bugsy Nolasco Dessa Ilagan Lou Mendez Jessie Barcelona Romie Malonzo Patricia Marleni Malonzo Justine Nicole Malonzo
Bayan, PCPR, ACT
Sambayanang Pilipino —
https://kodao.org/wp-content/uploads/2021/02/vlcsnap-2021-02-26-21h36m52s235.png10801920Kodao Productionshttps://kodao.org/wp-content/uploads/2014/11/kodao.pngKodao Productions2021-02-26 21:47:442021-02-26 21:48:05#EDSA35: Bayan Ko