Video is one of Kodao’s core programs. Watch our newsreels, documentaries and livestreams here.

BAYAN, ipinaliwanag ang #DutertePalpak sa pandemya

Ipinaliwanag ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ang aniya’y maraming kapalpakan ng gubyernong Rodrigo Duterte sa isang taong pagharap ng bansa sa pandemyang coronavirus. Sa harap ng Commission on Human Rights sa Quezon City noong Marso 17, 2021, inilahad ni Reyes ang kawalan ng maayos na sistema sa pagharap sa pandemya na nagdulot ng isang taong nagdurusa ng mamamayan sa mga hakbangin ng pamahalaan. Kabilang dito ang matinding pagbagsak ng ekonomiya, malawakang pagkawala ng trabaho, walang sapat na ayuda sa mga maralita, at patuloy pagdami ng nagkakasakit ng COVID – 19.

Pasismo ng gubyernong Duterte, kinundena sa araw ng kababaihan

Sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8, isang kilos-protesta ang pinangunahan ng Gabriela at mga progresibong grupo patungong Mendiola sa Maynila upang singilin ang rehimeng Rodrigo Duterte sa palpak nitong pagtugon sa Covid-19.

Binatikos din nila ang gobyerno sa tumitindi nitong atake at paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan, tulad ng raid ng pulisya at militar laban sa Southern Tagalog noong Marso 7 na pumatay ng siyam at umaresto sa anim na sibilyan.

Pahayag ng mamahayag na si Lady Ann Salem sa kanilang paglaya

Isang araw matapos ang kanyang paglaya, kasama ang union organizer na si Rodrigo Esparago, ikinuwento ng mamahayag na si Lady Ann Salem ang pag-aresto sa kanila ng pulis at kanilang pakikibaka upang makalaya.

Pakinggan ang karanasan ng isang mamahayag sa loob ng piitan habang mayroong pandemya.

EDSA PEOPLE POWER 1: Paggunita sa tagumpay ng mamamayan

Sa komemorasyon ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power I, ipinaalala ng mga progresibong grupo ang mahabang paglaban ng mamamayan kontra tiraniya at diktadurya. Sa programa sa harap ng Department of National Defense at martsa patungong People Power Monument, hinimok nila ang sambayanan na muling tumindig para sa demokrasya.

KODAO ASKS: Anong masasabi mo sa pagtaas ng presyo ng karne at gulay?

Habang ang karaniwang mamamayan ay nagdurusa sa pandemya ng Covid-19, walang awat naman na nagtaasan ang presyo ng batayang bilihin, partikular na ang baboy at gulay.

Nagbigay-saloobin ang ilang aktibista kaugnay sa epekto nito sa mamamayan, gayundin ang dahilan kumbakit patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa.

#EDSA35: Bayan Ko

Sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power, inihahandog ng Kodao Productions, People’s Chorale, mga lider mula sa Simbahan, Makabayan, Bayan, Magsasaka, Kabataan, organisasyong masa at mga aktibista ang awiting Bayan Ko.

Ang kasaysayan ng patriyotikong awit na “Bayan Ko” ay malalandas pabalik sa pakikibaka laban sa pananakop ng Amerika. Sinulat ni Jose Alejandrino, Pilipinong heneral at propagandista ang tulang “Nuestra Patria,” na tatlong dekada makalipas ay isasalin sa Tagalog ni Jose Corazon de Jesus at lalapatan ng musika ni Constancio de Guzman.

Magiit ang presensya ng “Bayan Ko” sa lahat ng yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Naging popular din ito sa mga Pilipino noong okupasyon ng mga Hapon. Noong 1970, tinampok ang “Bayan Ko” sa muling pagtatanghal ng sarswelang “Walang Sugat” ni Severino de los Reyes. Inawit sa mga protesta kontra sa diktaduryang Marcos ang “Bayan Ko,” at sa ilang pagkakataon ay ginawan ng modipikasyon ang liriko nito. At ganoon na lamang ang popularidad ng awit sa mamamayan kaya itinuring na sedisyoso nang ideklara ang Batas Militar. Pero paano ba masusupil ng baril ang isang awit?

Patuloy na naging bahagi ng pagpapataas ng diwang palaban ng mamamayan ang “Bayan Ko” – inaawit ng kilusang masa sa maraming larangan, hanggang sa maging awit ng malawak na alyansang tuluyang nagpatalsik sa diktador noong Pebrero 25, 1986.

Tatlumpu’t limang taon makaraan ay nanatiling panawagan ng pagkakaisa at pakikibaka ang awit na ito. Hindi kailanman nawalan ng bisa ng “Bayan Ko,” lalo lamang umiigting sa harap ng nanumbalik na diktardurya.

Muli natin itong aawitin bilang paggunita at pagpapatuloy sa diwa ng EDSA. Alalahaning nasa ating kamay ang katapusan ng pasista, korap, pabaya, utu-uto sa dayuhan at pahirap sa mamamayang presidente at kanyang mga alipores. Alalahaning hindi lang minsan nating nagawa na sama-samang itindig ang demokrasya.

Maraming salamat sa lahat na nagbahagi at nakiisa sa panawagan

Andre Bisenio para sa intrumentation ng awiting Bayan Ko
Maki De la Rosa para sa introdukstion ng bidyo
Nene Mosqueda, Music Consultant

Lider Simbahan
Bishop Gerardo Alminaza, Diocese of San Carlos
Mother Mary John Mananzan, OSB
Msgr. Erwin D. Magnanao, Diocese of San Carlos.
Sr. Judith Diaz, OSB
Fr. Almer Forrosuelo, Diocese of San Carlos
Sr, Jeane Amar, SAMIN
Brother Armin Altamirano Luistro, FSC
Sr. Lisa Ruedas, DC
Bishop Solito Toquero, UMC
Rev. Irma Mepico Balaba
Bishop Jerome Barris, UCCP EVJA
Deaconness, Rubylin Litao
Fr. Mario Quince, IFI
Very Revd. Christopher Ablon, IFI

Makabayan Bloc
Rep. Carlos Isagani Zarate, BM
Rep. Ferdinand Gaite, BM
Rep. Sarah Elago, Kabataan
Former Rep. Antonio Tinio, ACT
Agnes Mesina, Makabayan-Cagayan Valley
Deo Montesclaros, BM-CV
Walter Villegas, Kabataan PL-CV

Lider Masa
Dr. Carol Araullo, Bayan
Prof. Judy Taguiwalo
Ka Paeng Mariano, KMP
Prof. Sarah Raymundo
Renato Reyes, Bayan
Prof. Rommel Linatoc
Kej Andres, SCM

Dr. Geneve Rivera, Reyes, HEAD
Robert Mendoza, AHW
Vicky Aquino, AHW

Nanay Lore Benedicto, Rise Up for Life and for Rights
Isabelo Adviento, Danggayan Dagiti Mannalon-CV
Ferdinand Valdez, UMA-Isabela
Matthew Santiago, ACT Region III
Rosanilla Consad, ACT Region XIII
Kenneth Cadiang, SOS-CARAGA
Nonoy Espina, NUJP

Atty. Jobert Ilarde Pahilga, NUPL
Atty. Kathy Panguban, NUPL

Cita Managuelod, SENTRA-CV
Xandra Casambre-Bisenio, IBON and Kapatid
Clarice Palce, Gabriela Youth
Dania Reyes, ILPS-Philippines
Paul Belisario, IPMSDL

Bugsy Nolasco
Dessa Ilagan
Lou Mendez
Jessie Barcelona
Romie Malonzo
Patricia Marleni Malonzo
Justine Nicole Malonzo

Bayan, PCPR, ACT

Sambayanang Pilipino

Mga grupo nagtipon sa harap ng Korte Suprema bago ang ikalawang oral argument ng Anti-Terror Law

Nagtipon ang mga human rights advocate mula sa iba’t ibang grupo sa harapan ng Korte Suprema bago ang ikalawang oral argument ng Anti-Terror Law, Pebrero 9, 2021.

Kanilang inihayag ang pagtutol sa naturang batas at suporta mga abogadong humarap sa oral arguments ngayong hapon laban sa anila ay delikadong batas.

Protesta inilunsad sa pagsisimula ng oral arguments kontra terror law

Nagsama-sama ang iba’t-ibang grupo na tutol sa RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act sa Padre Faura sa Maynila ilang oras bago simulan ang oral arguments nito sa Korte Suprema, Pebrero 2.

Kaugnay ito sa 37 petisyon kontra sa nasabing batas na ayon sa mga aktibista ang pinakamaraming petisyon sa kasaysaysan ng mga batas sa Pilipinas.

Mariin nilang tinututulan ang terror law at sinabi na malaking banta ito sa pagpapahayag ng mamamayan laluna sa paglaban ngayon sa tiraniya.

Muling pagsusulong ng Charter Change, mariing tinutulan

Nagtungo sa tarangkahan ng Batasang Pambansa ang iba’t-ibang grupo kahapon, Enero 13, upang tutulan ang muling tangka ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang Saligang Batas.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, bukod sa economic provisions na nagreresulta sa 100% pagmamay-ari ng mga dayuhang korporasyon sa mga lupa at mahahalagang industriya sa bansa, nais din ng Charter Change o Cha-Cha na magkaroon ng term extension sa mga pulitiko mula kongresista hanggang kay Pangulong Duterte.

Mga progresibong grupo, naghain ng reklamo laban sa NTF-ELCAC

Nagtungo sa Office of the Ombudsman para maghain ng kasong administratibo at kriminal ang Altermidya Peoples’ Network, Bulatlat, Kodao Productions at Pinoy Weekly laban sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Ito ay hinggil sa red-tagging kamakailan ng NTF-ELCAC sa mga alternative media organizations. Naging resulta ito nang pag-aresto at pagkakulong nila Frenchie Mae Cumpio ng Eastern Vista noong Pebrero 2020 at Lady Ann Salem, editor ng Manila Today, na inaresto noong Disyembre 10 sa Mandaluyong City.

Ayon sa kanila, ang red-tagging ay nagdudulot ng panganib sa mamamahayag at sa malayang pamamahayag. # (Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao)