Posts

‘Walang doktor sa maralitang pamayanan, puro militar’

Sumapi ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY sa protestang SONAgkaisa noong Lunes, Hulyo 27, upang irehistro ang anila’y militaristang tugon ng gubyernong Rodrigo Duterte sa pandemyang COVID-19 sa mahihirap na pamayanan.

Imbes umano na mga doktor ang ipadala sa kanilang mga pamayanan, militar ang dumating sa kanila.

Tinuligsa rin nila ang iba pang panggigipit sa kanila at kawalan ng lubos na tulong sa kanila habang may krisis. (Bidyo nina Maricon Montajes at Alicia Manganti)

KODAO ASKS: Ano sa tingin mo ang nangyari sa apat na taon ni Duterte?

Nagtipon ang 8,000 na mamamayan sa ikalimang State of the Nation o SONA ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kahabaan ng University Avenue sa UP Diliman, Quezon City sa pamamagitan ng isang kilusang protesta na may temang “SONAgkaisa”.  Naganap ito noong nakaraang Lunes, Hulyo 27.

Ayos sa kanila, patuloy ang matinding dahas at kahirapan ng Pilipino sa kamay ng rehimeng Rodrigo Duterte.

Background Music: Bumper tag by John Deley
Bidyo nila Joseph Cuevas at Maricon Montajes/ Kodao
Edited by: Andrea Hatfield

‘Mas nakakatakot na mananatili pa ang ‘veerus’ sa Malacañang’

“Tapos na panahon ng pagkakatakot. Mas nakakatakot ang mamatay na kumakalam ang sikmura ng ating mga pamilya. Mas nakakatakot ang posibilidad na mananatili pa ang ‘veerus’ sa Malacañang. Mas nakakatakot na ang ating mga pamilya at anak ay magmamana ng ganitong klase ng pamumuno.” Cristina Palabay, Karapatan Alliance Philippines

KODAO ASKS: Ano ang iyong pagtingin sa Anti-Terror Law?

Sinalubong ng nagkakaisang mamamayan ang ika-5 State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang protestang may temang “SONAgkaisa.” Ginanap ito noong Lunes, Hulyo 27, sa kahabaan ng University Avenue sa UP Diliman, Quezon City. Dinaluhan ito ng 8,000 katao mula sa iba’t ibang sektor at mga progresibong grupo.

Bitbit ng mga sektor ang kani-kanilang mga panawagan at hinaing sa apat na taon na panunungkulan ng pangulo. Pinakatampok sa mga ito ang panawagang ibasura ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 o Anti-Terrorism Law.

Hiningan ng Kodao Productions ang ilan sa mga dumalo ng kanilang pagtingin hinggil sa pagkakapasa ng nasabing batas. (Bidyo nina Jo Maline Mamangun, Jola Mamangun, Joseph Cuevas, at Arrem Alcaraz)

United People’s SONA, isinagawa sa kabila ng mga banta

Idinaos sa University Avenue, University of the Philippines – Diliman, Quezon City ang United People’s SONA o #SONAgkaisa, na kinabibilangan ng iba’t ibang nga grupo at organisasyon upang itampok ang tunay na kalagayan ng bansang Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinatayang mahigit 8,000 mga mamayan ang nagmartsa mula sa Philcoa papasok ng UP upang makiisa sa naturang aktibidad.

Pinanatili ng mga lumahok ang socal distancing, pagsusuot ng face mask/face shield at palagiang pagdidisinfect upang pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa sa banta ng COVID-19.

Background Music: Bella Ciao (Tagalog) sa salin ni Romulo Sandoval, Awit ng Peoples’ Chorale

‘Wala pa ring programang matino para sa mga kabataan at sektor ng edukasyon’

“Habang pataas ng pataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nananatili namang bulag at bingi ang pamahalaang Duterte [at] ang DepEd sa nga hinaing ng mga guro at magulang. Kahit pa man pataas at palala ang kaso ng pandemya sa bansa ay wala pa rin siyang programang matino para sa mga kabataan at sektor ng edukasyon.”Raymond Basilio, Alliance of Concerned Teachers

‘Ang Pride ay hindi lamang sa buwan ng Hunyo ginaganap’

“Ang Pride ay hindi lamang sa buwan ng Hunyo ginaganap. Isinasapuso ito sa bawat araw na patuloy ang diskriminasyon, paghamak sa karapatang pantao at pang-aabuso ng pasistang rehimen. Ito ay mananatiling tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at malayang pagpapahayag.” Rey Salinas, Bahaghari