Sektor ng kabataan, ginunita at nagprotesta sa ika-47 taong komemorasyon ng Martial Law
Libong katabaan, estudyante at iba’t ibang organisasyon ang nagtipon at nagmartsa mula Morayta hanggang Luneta upang gunitain ang ika-47 taong komemorasyon ng Martial Law sa panahon ni Marcos at magprotesta laban sa de facto Martial Law ng admistrasyong Duterte.
Kinundena nila ang napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao, ang harasment, red-tagging sa mga student-lider, aktibista at organisasyon na nagpapahayag ng kritisismo sa kasalukuyang administrasyon. (Video by Maricon Montajes)