Posts

PLM names new gender and development program after Liliosa Hilao

The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila launched on Monday, April 5, its new gender and development (GAD) program and named it after an activist alumna.

University President Emmanuel Leyco said PLM’s Liliosa Hilao Gender and Development Corner (LHGDC) honors its student leader and honors graduate who was the first political prisoner killed under President Ferdinand Marcos’ martial law.

“Liliosa Hilao remains relevant today. We look up to her as an icon of empowerment. More than gender emancipation, she exemplifies how the youth can spark important conversations on human rights, equality, and justice,” Leyco said.

“It is our privilege and honor to call Ms. Hilao as one of our own and to name our GAD corner after her and the causes that she represents,” he added.

Located at the Celso Al Carunungan Memorial Library, the corner will carry various materials that will promote gender equality and equitable opportunities for all members of the PLM community, the university said.

PLM said LHGDC shall organize annual lectures and forums as well as film showings and exhibits on gender and development as its initial set of activities once the coronavirus-19 pandemic is over.

The launch, held virtually, coincided with Hilao’s 48th death anniversary.

Lilliosa Hilao (PLM image)

Who was Lilli?

Hilao was associate editor of PLM’s pre-martial law student newspaper Hasik and held other positions with the student government while an honors student throughout her academic life.

She also organized the university’s Communication Arts Club, founded its women’s club Alithea and represented PLM College Editors Guild of the Philippines conventions.

Bantayog ng mga Bayani, an institution that honors and remembers martial law heroes and martyrs, wrote “Lilli”, Hilao’s nickname, had a strong sense of justice and a mind of her own.

“This was expressed in the thoughtful essays she wrote for the student paper at the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (where she was associate editor); some had titles like ‘The Vietnamization of the Philippines’ and ‘Democracy is Dead in the Philippines under Martial Law,’” Bantayog said.

In April 1973, mere days short of her class’ graduation rites, Philippine Constabulary’s Anti-Narcotics Unit personnel raided their house to look for Lili’s brother, an engineer and activist.

“When the young woman insisted that they produce a search warrant or an arrest order, the soldiers beat her up, then handcuffed and took her away. She was brought to Camp Crame, headquarters of the Philippine Constabulary (now the Philippine National Police),” Bantayog said.

She would not be seen by her relatives until she was returned dead –– her body mangled, tortured, and reportedly raped.

The authorities claimed Hilao committed suicide by drinking muriatic acid.

The LHGDC logo

At the graduation ceremonies held two weeks afterward by PLM, a seat was kept vacant for Lilli, who was still conferred her degree, posthumously and with honors.

PLM Regent Wilma Galvante said during the launch their class wore black armbands on their graduation day in Lilli’s honor.

 Galvante said her classmate was a “true leader who wielded her pen to fight for what is right.”

Lilli’s name is inscribed at the Bantayog’s pantheon of heroes and martyrs.

In her birthplace and hometown Bulan, Sorsogon, a street was named after her in 2001.

Lilli’s sisters Alice and Josefina attended the launch in behalf of the Hilao family. # (Raymund B. Villanueva)

Ang pagkaka-pareho ni Marcos at Duterte

Sa paggunita ng mga aktibistang grupo sa ika-48 na anibersaryo ng Batas Militar, inihambing ni Atty Neri Colmenares ang pagkakapareho ng diktadurya ni Ferdinand Marcos at kasalukuyang gubyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Biktima ng torture noon si Colmenares at biktima pa rin siya ng pang-uupat ng gubyerno ngayon. (Bidyo ni Jek Alcaraz/Kodao)

Batas na gawing modelo at holiday ang kaarawan ni Marcos, tinututulan

Nagprotesta ang mga progresibong grupo at mga dating biktima ng batas militar sa Bantayog ng mga Bayani, Setyembre 11, bilang pagtutol sa pagsasabatas na gawing modelo at holiday ang kaarawan ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law, tahasang pagsalaula sa kasaysayan ang batas laluna sa mga lumaban at nagpatalsik sa dating diktadura. Ipinapakita din nito anila na walang pinag-iba ang kasalukuyang rehimen ni Pangulong Duterte at dating Pangulong Marcos pagdating sa paglapastangan sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan.

Paggunita sa Batas Militar at ang papel ng Kabataan noon at ngayon

Sa ika – 47 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ni dating pangulong Ferdinand Marcos, nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang mga grupo upang gunitain ang malagim na karanasan ng mga biktima sa ilalim nito.

Ang ilan sa mga kabataang biktima ng batas militar noon ni Marcos ay nagbahagi ng papel ng kanilang sektor sa paglaban sa diktadurya. Panoorin kung ano ang tingin nilang papel ng kabataan ngayon sa ilalim ng rehimeng tila-diktadurya rin. (Video by Jek Alcaraz/Kodao)

KODAO ASKS: Ano ang pagkakaiba o pagkakapareho ng Batas Militar ni Marcos at ni Duterte?

Matagumpay ang kilos-protesta ng mamamayan noong Setyembre 20 bilang paggunita sa ika-47 taon ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Tinanong ng Kodao Productions ang ilang dumalo kung ano ang pagkakaiba o pagkakapareho sa martial law noon at sa sinasabing “de facto martial law” ngayon ni Pangulong Duterte, at ito ang kanillang mga sagot. (Background music: Bumper Tag by John Deley/Video by Joseph Cuevas)

Sektor ng kabataan, ginunita at nagprotesta sa ika-47 taong komemorasyon ng Martial Law

Libong katabaan, estudyante at iba’t ibang organisasyon ang nagtipon at nagmartsa mula Morayta hanggang Luneta upang gunitain ang ika-47 taong komemorasyon ng Martial Law sa panahon ni Marcos at magprotesta laban sa de facto Martial Law ng admistrasyong Duterte.

Kinundena nila ang napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao, ang harasment, red-tagging sa mga student-lider, aktibista at organisasyon na nagpapahayag ng kritisismo sa kasalukuyang administrasyon. (Video by Maricon Montajes)

Malaking protesta sa Setyembre 20, pangungunahan ng kabataan

Nagsagawa ng press conference ang alyansang United People’s Action sa gusali ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes, Setyembre 16, para sa itinakda nilang kilos-protesta sa Setyembre 20 bilang paggunita sa ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Pangungunahan ng mga kabataan ang pagkilos na may temang ” Laban Kabataan, Laban Bayan! Inhustisya at Diktadurya Wakasan!” Nagpahayag ng suporta at pagsama sa pagkilos ang iba’t-ibang grupo.

Binasa din ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno “Unity Statement” ng United People’s Action. (Music: News Background. Bidyo ni: Joseph Cuevas/Kodao)

Para sa kabataan, ang pumikit ay kasalanan

Sanaysay at mga larawan ni Denver del Rosario

Umulan ma’y hindi nagpatinag ang sambayanan, at kanilang isinigaw ang patuloy na panawagan, “Never again!”

Sa hiyaw ng madla’y nangibabaw ang isang sektor ng lipunan na walang-sawang kumikilos at nagmumulat para sa kalayaan ng bansa. Halos limang dekada na ang nakalipas mula sa pinakamadilim na bahagi ng ating kasaysayan, ngunit hanggang ngayo’y kasama pa rin ito sa laban. Patuloy sitong nagpapaalala sa mga kasalanan ng lipunan at kumukontra sa pagbubulag-bulagan sa panahong inaapakan ang mga karapatan ng mamamayan.

Ika nga ni Lean Alejandro, patuloy na babalik ang kabataan.

Muling gumawa ng kasaysayan ang sambayanang Pilipino noong nakaraang Biyernes, kung saan kasama ng kabataan ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang gunitain ang ika-46 anibersaryo ng batas militar sa Pilipinas sa ilalim ng diktador na si Ferdinand E. Marcos. Taas-kamaong pinagpugayan ng sambayanan ang mga taong naglaan ng kanilang mga buhay upang labanan ang diktadurya at tiraniya noong panahong iyon.

Isa si Andrew Mencias, 20, sa naitalang labinlimang-libong nagprotesta sa Luneta. Kasama ang kanyang mga kaibigan mula UP Diliman ay tumungo siya sa Luneta upang sumama sa mas malawak na hanay ng mamamayan. Kasabay ng pag-alala sa kamatayan ng demokrasya ay ang pagkundena sa nagbabadyang pagbabalik ng pamilyang Marcos sa mas mataas na kapangyarihang politikal at ang patuloy na pagtapak sa karapatang pantao ng kasalukuyang administrasyongRodrigo Duterte.

“Pumunta ako ng Luneta dahil naniniwala ako sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos,” ani Mencias. “Para sa akin, maraming bagay tayong dapat nating natatamasa pero hindi natin nakukuha.”

Nagkataong itinakda din noong nakaraang Biyernes ang Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, ngunit isa itong malaking kabalintunaan sa ating bansa. Sa araw na ito’y binabalikan ng sambayanan ang taong 1972, kung kailan tinanggal ang kalayaan ng mamamayan. Kung iisipi’y ilang dekada nang lumipas, subalit muli itong nagiging tampok ngayon kaugnay ng pamamalakad ng administrasyong Duterte, na inihahalintulad ng mga grupong sektoral kay Marcos.

Patuloy ang pagnupuna at pagkukundena ng iba’t ibang mga grupo sa kasalukuyang administrasyon dahil sa kawalang-respeto nito sa karapatang pantao at ang patuloy na pagsasabatas ng mga anti-mamamayang polisiya. Aktibong lumalahok sa mga pagkilos ang kabataan—kasabay ng pagsama sa iba’t ibang mobilisasyon ay ang pagsulong ng kanilang mga adbokasiya bilang tugon sa iba’t ibang isyung panlipunan.

Katulad na lamang ni Mencias na nakikiisa sa laban ng kabataan para sa libreng edukasyon, na itinuturing niyang pundasyon ng isang progresibong lipunan. Habang malayo na ang narating ng kampanya, patuloy pa rin ang mga dagok na humahadlang upang makamit ang edukasyon para sa lahat.

“Nakakalungkot na pangit yung quality ng maraming public schools dito sa atin,” ani Mencias. “Nakakulong pa rin tayo sa isang sistemang wala tayong napapala.”

Kamakailan lamang ay napagtagumpayan ng kabataan na tanggalin ang Return Service Agreement mula sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017. Matagal nang pinupuna ng mga estudyante ang probisyong ito—ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), ang edukasyon ay karapatan at dapat walang kapalit.

Gayunpaman, sa maliliit na hakbang ay patuloy pa rin ang mga banta sa karapatang ito, katulad ng nagbabadyang budget cut sa edukasyon at ang pasuweldo sa mga guro na hindi pa rin sapat.

Isa pa sa isinusulong ni Mencias ay ang karapatan ng pambansang minorya, na patuloy na binubusabos ng kasalukuyang rehimen. “Higit sa lahat, sila yung pinaka-apektado ng mga batas, at hindi rin naman sila pinoprotektahan ng military,” ani Mencias.

Ayon sa Save our Schools (SOS) Network, kamakailan lamang ay pitong kabataang Moro ang pinatay ng mga militar sa Patikul, Sulu sa ilalim ng batas militar sa Mindanao—bukod pa dito ay ang serye ng mga pagbomba sa mga katutubong komunidad at mga kaso ng puwersahang pagsuko sa kamay ng mga puwersang gobyerno, isang manipestasyon na patuloy pa rin ang paglabag ng estado sa karapatang pantao.

Isang patunay si Mencias sa libo-libong kabataang patuloy na nakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan at tumatangging kalimutan ang ating masalimuot na nakaraan. Patuloy nilang ginagampanan ang kanilang papel bilang mga pag-asa ng bayan. Ang sabi ng iilan, huwag nang mangialam ang kabataan, hindi naman kayo buhay noong mga panahong iyon.

Ngunit sila’y hindi magpapatinag.

“Hanggang ngayon naman, nararamdaman pa rin natin ang mga ginawa ni Marcos, ngayon pang gusto nilang bumalik sa mataas na kapangyarihan,” ani Mencias. “Dapat naman talaga nating binabalikan at pinag-uusapan ang kasaysayan, para maisakonteksto natin yung sitwasyon na meron tayo ngayon.”

Kung babalikan ang 1970, ang kabataan ang nanguna sa panawagang baguhin ang sistemang pulitikal at pang-ekonomiko ng bansa. Sa Sigwa ng Unang Kwarto, kabataan ang nanguna sa paghingi ng pagbabagong panlipunan sa ilalim ng administrasyong Marcos, na nagpapakita na ng mga tendensiyang diktaduriyal. Maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay upang ipaglaban ang kinabukasan ng inang bayan.

Halos limang dekada na ang lumipas, ngunit muli nilang pinatunayang patuloy silang lumalaban kasama ang sambayanan.

Hindi pa rin nagbabago ang lipunang ginagalawan—sa ilalim ng administrasyong Duterte, kinikitil ang mga pag-asa ng bayan at pilit pinipinturahan ito ng estado bilang “collateral damage”. Nariyan si Kian delos Santos, si Carl Arnaiz, at daan-daang kabataang biktima ng pambubusabos at paglabag sa karapatang pantao ng kasalukuyang liderato.

Ganoon pa rin ang sistemang pulitikal at pang-ekonomiko na patuloy na pinoprotektahan lamang ang interes ng makapangyarihang iilan. Patuloy ang pagtatangkang baguhin ang kasaysayan at ilagay sa pedestal ang diktador na kumitil ng maraming buhay at binaon ang bansa sa utang na hanggang ngayo’y pasanin ng mamamayan.

Patuloy pa rin ang laban.

Madalas na tinuturo sa mga paaralan na nakamtam muli ng sambayanan ang kalayaan matapos nilang pabagsakin ang diktadurya noong 1986. Ngunit alam ng kabataang hindi pa tunay na malaya ang bansa—mahaba lang ang tanikala. Sila ang patunay na hindi maaaring magbulag-bulagan ang mamamayan, lalo’t harap-harapan ang paglabag at ang pagsasawalang-bahala.

Ilang buhay man ang kunin, patuloy silang babalik at lalaban. #

UP educators, alumni and students condems Imee Marcos and Kabataang Barangay Reunion at UP

Naglunsad ng press conference ang No Revisions, No Erasures: Educators Against the Rehabilitation of the Marcoses upang kundenahin ang ginanap ika-43 anibersaryo ng Kabataang Barangay sa UP Bahay ng Alumni noong Agosto 25, 2018 kung saan panauhing pandangal si Rep. Imee Marcos.

Sinagot din ng alyansa ang mga pahayag ni UP President Danilo Concepcion sa kanyang pagdalo sa nasabing pagtitipon at ang pahayag ng administrasyon ng UP tungkol sa pagpapahintulot na magamit ni Imee Marcos at Kabataang Barangay ang mga pasilidad ng UP. (Video by Maricon Montajes)

 

Martial Law victims call for distribution of remaining compensation funds

Victims of human rights violations under Ferdinand Marcos’ Martial Law called on government to extend the validity of reparation funds set to expire on August 11.

The Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) said that not all legitimate victims have been given reparation from funds sequestered from the late dictator’s stolen wealth.

The martial law compensation board is still in possession of tens of millions of undistributed funds which it has to return to the National Treasury on Saturday, (Video by Joseph Cuevas)