Posts

Negros political detainees to hold another fast against rights violations

Political prisoners in Negros are set to hold another 24-hour fast on Friday, April 19, to demand thorough and impartial investigations by the Commission on Human Rights (CHR) on reported human rights violations since July 2022.

The families and friends of political prisoners under the Negros Occidental chapter of Kapatid (Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas) said the fast follows CHR’s revelation last March 9 its efforts to investigate the growing number of human rights and international humanitarian law violations in the island is being stymied by the lack of cooperation by various units of the Armed Forces of the Philippines in Negros.

“It has been 40 days since the said constitutional body made that damning admission yet, until now, the families of victims of these heinous crimes have not been given even the barest minimum attention they deserve from the government,” Kapatid said.

Kapatid added that the investigation should include a follow through on the disappearance of political prisoner Mary Joy Enyong’s daughter Lyngrace Marturillas reported abducted with three others somewhere in Negros’ Hinigaran Highway April 19 of last year.

“It should at least be able to explain why her companion Rogelio Posadas, a National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant, was surfaced dead by the 62nd IB as a casualty in a highly-suspect encounter they claimed to have had with the NPA (New People’s Army) the following day, while the fate of Marturillas and their two habal-habal (motorcycle for-hire) drivers Renald de los Santos and Denald Malen remain in limbo,” Kapatid said.

The political prisoners previously held similar fasts in March 2022, March 2023 and last December on various human rights issues in the island.

They said the rights violations are integral to the Ferdinand Marcos Jr. government’s counter-insurgency drive in the island, adding that the island has seen a sharp rise in incidents that include last year’s June 14 massacre of the Fausto peasant family in Himamaylan City.

The political detainees also cited the September 21 massacre of five New People’s Army (NPA) hors d’ combat and their tricycle driver in Kabankalan City as well as the military’s February 21 aerial bombing operation in Escalante City allegedly in pursuit of armed guerillas.

Political prisoners in Negros island number no less than 128 as of April 1, or about 16% of the country’s current total, Kapatid said.

For peace

Kapatid-Negros Occidental also said the fasting of political prisoners is meant to support the growing call for the Ferdinand Marcos Jr. government to effect the long-awaited resumption of the GRP-NDF formal peace negotiations.

The Marcos Jr. government, the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and the Royal Norwegian Government, Third Party Facilitator to the peace process, made simultaneous announcements last year on their intention to resume negotiations. 

“The resumption of the GRP-NDF peace talks is necessary to once again bring to the national attention the necessary pro-people solutions to the fundamental problems plaguing our country, which continue to fuel the 55-year old armed rebellion of the CPP-NPA-NDFP,” Kapatid-Negros Occidental said.

The political prisoners are also calling on the Marcos Jr. government to immediately release from the National Penitentiary 75-year old NDFP peace consultant and former Negrense priest Frank Fernandez they said is suffering from various ailments and need immediate medical attention outside prison

“Fernandez, as well as other sick or elderly political prisoners like 84-year old Gerardo de la Peña (at the National Bilibid Prison), 70-year old Cleofe Lagtapon (at the National Correctional for Women), and 61-year old Corazon Javier (at the Canlaon City Jail), deserve to be released immediately on humanitarian grounds, if only to compensate – albeit partially – for their many years of unjust incarceration,” Kapatid added.

The group also revealed that two sick and elderly political prisoners have died in jail since Marcos Jr. became president. 

Marcos Villareal died last December 3 at the Camarines Sur Provincial Jail while 66-year year old Generoso Granado died at the National Bilibid Prison last March 8. 

Out of the more than 800 political detainees, at least 95 political detainees are sick while 75 are elderly, human rights groups said. # (Raymund B. Villanueva)

Groups demand investigation on ‘summary execution’ of former UP student leader

Activist groups mourn the death of a former University of the Philippines (UP) student activist they said was a “revolutionary serving the people of Mindanao” and condemn the manner of her “summary execution.”

Killed last April 10 by combined elements of the 1003rd Infantry Brigade of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) in Barangay Butong, Quezon town, Bukidnon, the groups said Kaliska Dominica Peralta was tortured and summarily killed like many other New People’s Army (NPA) fighters captured by state forces.

“We raise concerns, and condemn in no uncertain terms, the manner of her death and call on relevant agencies and institutions to conduct a thorough and impartial probe,” Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) said in a statement.

 The group said reports emerging from Mindanao show that there was no armed encounter in Bukidnon on the day of Peralta’s death.

Women’s group GABRIELA also said the Peralta’s death may be another violation of the International Humanitarian Law (IHL).

“The willful killing of Peralta by the military, who was unarmed at the time of her arrest, is a war crime that can never be justified under any circumstance. This is a blatant violation of (the IHL),” GABRIELA secretary general Clarice Palce said in a separate statement.

Kaliska Dominica Peralta

‘Another IHL violation under Marcos Jr’

Both BAYAN and GABRIELA cited an earlier report from the League of Filipino Students (LFS) saying Peralta was killed last Wednesday, contrary to the military’s claims that an “encounter” occurred on April 11 that resulted in her death.

The LFS said that Peralta’s death certificate confirms she died on April 10 and her remains were not subjected to an autopsy.

The student group added that according to witnesses, Peralta and three of her comrades were already unarmed when captured and that she was later “taken to another part of the community and mercilessly killed.”

“Peralta’s body was unrecognizable and severely desecrated, showing marks of brutal torture and abuse,” GABRIELA added.

BAYAN also added that Peralta’s killing fits the pattern of many other NPA fighters and activists who were captured and summarily executed by the military, including NPA spokesperson Jorge “Ka Oris” Madlos, National Democratic Front of the Philippines peace consultant Ericson Acosta and others.

“The violations of (IHL) continue to rise under the Marcos regime. The viciousness of these killings has intensified in light of the terrorist-labeling of revolutionaries by the Philippine government,” BAYAN said.

Peralta was a Film student and served as the chairperson of the LFS-UP Diliman chapter in 2014-2015. She was involved in various student campaigns against education budget cuts, academic calendar shift, and various socialized tuition schemes.

“After several years, she decided to embrace the highest form of struggle to free society from the current prevailing system. She struggled with the Lumad and farmers of Mindanao for their rights to land and ancestral domain that are being taken by landlords and bombed by the military,” LFS said. # (Raymund B. Villanueva)

Hinggil sa pagbabalik sa lumang iskedyul ng mga klase

“Sa sobrang taas ng heat index ngayong panahon ng climate change, hindi talaga ligtas para sa mga teacher at estudyante ang mag-klase sa mga mala-pugon nilang classroom.”— Rep. France Castro, ACT Teachers’ Party

(Image by Jo Maois Mamangun/Kodao)

Sa pagtindi ng kahirapan, patindihin ang paglaban

Ni Nuel M. Bacarra

Sa panahon ng batas militar noong kalagitnaan ng dekada sitenta, umabot ng ₱8.00 ang isang salóp ng bigas sa Mindoro. Katumbas ang isang salóp ng 2¼ kilo o halos ₱3.55 bawat kilo. Noong umabot na sa ganito ang presyo ng bigas, may pagkakataon na may kisa o halong mais na ang kanin sa hapag. Hindi pa uso ang pangyayaring El Niño noon subalit ganito na ang larawan ng kahirapan noon sa probinsya.

Sa ngayon, ang bigas ay naglalaro na sa halos ₱55 – ₱60 kada kilo para sa regular milled at well-milled na bigas. Ang implasyon sa bigas ay umaabot sa 23.7% na pinakamataas sa loob ng 15 taon. Kasabay pa ito ng halos kada linggo na pagtaas ng presyo ng langis na nagiging sanhi naman ng pagtaas ng presyo rin ng iba pang pangunahing bilihin.

Todo-higpit na ang sinturon ng karaniwang pamilya dahil lalong tumitindi ang kahirapan. Hanggang saan ang sukdulan ng pagtaas ng presyo ng bigas? Sa mahigit limang dekadang singkad, may ibayong pagtindi ang anyo ng kahirapan sa bansa sa bawat dekada, sa bawat taon. Marami na ang hindi nag-aalmusal sa ngalan ng pagtitipid. Sa ganitong kalagayan, tila ang kulang na lamang ay ang pamiliin ng gobyerno ang taumbayan kung nais nilang kumain ng dalawang beses isang araw o minsanan na lamang.

Hagupit ng kalikasan at kainutilan

Noong nakaraang buwan mayroong magsasakang nagpakamatay na sa isla ng Mindoro dahil natuyo na lamang ang kanyang pananim dahil sa sobrang init na dulot ng El Niño at walang napakinabangan dito. Sa unang pagtaya ng Department of Science and Technology, 48 na mga prubinsya ang maapektuhan ng malalang tagtuyot at 24 naman ang makararanas ng dry spell. Tagtuyot kung dumaranas ang isang lugar ng limang sunud-sunod na buwan ng matinding init bunga ng kawalan o mas mababang porsyento ng ulan habang maikakatergorya ang isang lugar na nasa ilalim ng dry spell kung nakakaranas ng tatlong magkakasunod na buwan na ‘di umuulan.

Ang El Niño ay ang pag-init ng ibabaw ng karagatan na mataas kaysa karaniwan na temperatura sa gitna at silangang bahagi ng Pasipiko. Epekto na ito ng pagsalaula sa kalikasan ng mga tao sa kumpas ng malalaking korporasyon sa buong mundo na walang humpay na gumagamit ng fossil fuel na nagpapataas sa temperatura ng karagatan dahil sa carbon dioxide. Ang malalaking tipak ng yelo sa tuktok a talampakan ng mundo ay natutunaw na nagpapataas naman ng lebel ng tubig na nagdudulot naman ng pagbaha at pagkawala ng mga natural na tirahan ng mga hayop at halaman na nabubuhay sa tubig.

Ang El Niño at La Niña (kabaligtaran naman ng una, na mas madalas ang insidente ng pagbaha dahil sa mga bagyo at habagat) ay siklo na pamalagian nating dinaranas dahil sa pagbabago ng temparatura ng karagatan. Ayon sa mga eksperto, nagaganap ang siklo tuwing 2 – 9 na taon at tumatagal ng siyam hanggang 12 buwan. Sa anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA noong huling kwarto ng 2023, mararamdaman ang epekto ng El Niño sa bansa sa unang kwarto ng 2024 hanggang Abril. Subalit sa pabatid nitong huling linggo ng Marso, maaaring tumagal ang El Niño hanggang Agosto kung saan ilang prubinsya pa ang makararanas ng tagtuyot at dudugtong naman ang La Niña na kailangang paghandaan ng bansa. Nitong unang linggo namanng Abril, tanging ang Batanes at Saranggani na lamang ang deklaradong mga prubinsyang hindi tinamaaan ng El Niño sa buong bansa.

Pero sa halip na paghandaan ito nang lubos ng pamahalaan sa pamamagitan ng mas masusing syentipikong pag-aaral sa mga epekto nito at kahandaan na alalayan ang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong sektor laluna sa mga magsasaka, mas minabuti nitong pairalin ang korupsyon at kalingain ang mga rice trader kaysa sa mga magsasaka at iba pang sektor na ibayong nagpasiklab sa damdamin ng mga mamamayang direktang apektado ng sakuna.

Ang mga kahingian ng sektor-magsasaka sa panahon ng El Nino. (Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Singil sa Anomalya

Sa ganitong dinaranas na sakuna, litaw ang tagibang na prayoridad ng gobyernong Bongbong Marcos Jr. Mas tiniyak ang katiwalian at ang pagbibigay ng pabor sa mga negosyante kaysa pagsilbihan ang maralitang mamamayan at higit na mga nangangailangan.

Pumutok ang isyu ng pagbebenta ng National Food Authority (NFA) ng mga lumang imbak na bigas kamakailan. Ibinenta ng mga opisyal ng ahensya ang 75,000 sako ng bigas sa halagang ₱25/kilo sa rice traders sa panahong ang tinging presyo ng bawat kilo ng bigas ay nasa ₱70 /kilo ayon sa imbestigasyon ng mababang kupulungan ng Kongreso. O di kaya naman kaya ay inilagak ang mga istak na bigas sa ipinagmamalaking tindahan ng Kadiwa para mapakinabangan ng maralitang mamamayan.

Hindi na ito bago sa NFA. Noong 2021, nagbenta rin ang ahensya ng 5.6 milyong sako ng bigas at apat na milyong sako noong 2022 sa rice traders. Ang kaibahan sa kasalukuyan, nasa yugto ang bansa ng pananalasa ng El Niño na disin sana’y maaaring gawing pang-ayuda sa mga biktima na dumaranas ng gutom at sa mga magsasakang matinding tinatamaan nito. Malaking tulong sa mamamayang nagugutom at kung ipinamahagi ito sa presyo na katumbas ng pagbebenta sa mga rice trader.

Hindi kayang tabunan ng diumanong mahigit isang bilyong pisong halaga ng suporta mula sa Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ang katiwalian sa NFA. Sa pagkakataong ito na sinasalanta ng hagupit ng El Niño ang kabuhayan ng pinakamalaking bahagdan ng populasyon, hindi katanggap-tanggap ang kalagayan na habang nagdurusa ang mamamayan, kumikita sa katiwalian ang mga ahensya ng gobyerno at sa prayoridad na ibinibigay sa mga kasabwat sa mga maanomalyang gawain.

Nitong Abril 3, kinalampag ng mga magsasaka at mga tagasuporta nila ang tarangkahan ng pambansang tanggapan ng NFA sa Quezon City para singilin ang matataas na upisyal ng ahensya at papanagutin ang mga ito. Bukod pa rito ay humihingi ang mga magsasaka ng kumpensasyon sa pagkalugi nila dahil sa kapabayaan ng gubyerno para paghandaan ang sakuna.

“Nasaan na ang imbestigasyon na ginagawa ng Department of Agriculture at ng Kongreso na hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot. Hindi sapat na i-suspend ng anim na buwan ang mga namuno doon sa pagbebenta ng 75,000 bags na bigas. Yung mga ginawa din nila na pagpa-padlock sa 79 na warehouses ay hindi rin makatarungan bagkus yung mga mahigit 100,000 bags pa ng bigas sa mga warehouse na ‘yan ay kagyat nang ipamahagi sa mga biktima ng mga kalamidad kung hindi man ay direktang ibenta ito diretso sa mamamayang Pilipino na naghahanap ng mababang presyo ng bigas,” pahayag ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas Network noong Abril 3 sa harap ng tanggapan ng NFA.

Ang kahirapan ng mga magsasaka ay sinisingil nila dahil sa pagiging kontra-magsasaka at kontra-mamamayan at inutil na gobyerno tulad ng pahayag naman ni Danilo Ramos, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

“Ang mga patubig, walang tubig! Kaya po mayroong dating umaani nang otsenta, ngayon ay siyam na kaban. At katulad po ng inyong lingkod, marami sa ibang lalawigan, hindi nag-ani. Wala na ngang lupa, gutóm!” ani Ka Daning.

“[D]apat po nating makita kung bakit may krisis sa pagkain, El Niño at kalamidad ay dahil mismo sa gubyernong inutil, kontra-magsasaka, kontra-mamamayan. Ang sabi ng mga magsasaka, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Matagal na po naming hiling ang ₱15,000.00 na tulong-ayuda pero hanggang ngayon ay wala! Pero pag sa byahe, pag sa ChaCha (charter change) meron! Kaya mula ngayon hanggang sa hinaharap, palakasin natin ang ating paglaban! Panagutin ang rehimen!” dagdag n glider-magsasaka.

Si Ka Daning Ramos ng KMP (harap) at si Cathy Estavillo ng Bantay Bigas (likod) / Larawan ni N. Bacarra/Kodao

Tuluy-tuloy na pakikibaka

Umabot na ang pinsala ng El Niño sa agrikultura sa mahigit ₱1.2 bilyon ayon sa huling ulat nitong Abril 3 ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Ang halagang ito ang tinatayang katumbas ng 44,845.42 metric tons na pinsala sa agrikultural na produkto. Umaabot sa 17 lugar sa bansa ang nakakaranas ng matinding kalamidad na sangkot ang 84,731 pamilya.

Kung itatapat ang halaga ng pinsala sa ayudang ipinangangalandakan ng DA, lalabas na kulang ito batay sa aktwal na tala ng mga pinsala sa mga prubinsyang malupit na tinamaan ng sakuna. Kung ang isang bag ay umaabot ng 50 kilo, aabot ng ₱93.75 milyon ang halaga ng naibenta ng NFA kamakailan lang. Kung kukwentahin din ang naibenta noong 2021 at 2022 na umaabot sa ₱12 bilyon, malaking bagay na sana itong pagkukunan ng ayuda at kumpensasyon sa mga magsasaka sa ngayon.

Subalit hindi ganito ang kalakaran ng “korupsyon at transaksyong sindikato sa gubyerno.” Ang pondong mula sa buwis ng mamamayang Pilipino ay pribadong inaangkin ng mga sangkot na tiwaling mga opisyal sa gubyerno.

May mandato dati ang NFA na bilhin ang mga aning palay ng magsasaka na mabuting bagay sana para sa mga magsasaka. Subalit nang maging batas ang R.A. 11203 o ang Rice Tariffication Law, naging inutil ang NFA dito at naging instrumento pang lalo sa katiwalian.

Ang mga pesanteng nagprotesta sa NFA. (Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Pinapatay na ang mga magsasaka ng kawalan at kakulangan ng lupang masasaka dahil ang mga nagsiupong rehimen mula noong panahon ng diktadura ay kundi man mga panginoong maylupa at mga kumprador na kasabwat ng mga imperyalistang dayuhan sa pagpapanatili ng pyudal at malapyudal na kaayusan sa bansa. Hanggang ngayon ay usapin sa mga magsasaka ang paggigiit ng pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa. Iniaasa sa ngayon sa importasyon ng mga pangunahing agrikultural na produkto na kayang likhain dito sa bansa.

Walang ibang aasahan ang pinakamalaking pwersa sa produksyon ng bansa at iba pang sektor ng lipunan kundi ang patuloy na ipaglaban ang paggigiit ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Nilalamon ang sistema ng mga imperyalistang imposisyon ng liberalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon na lubos na ipinaghihirap ng mamamayang Pilipino at ikinayayaman naman ng papet na rehimen at mga kasabwat nila sa bansa.

Siklo ang daranasin nating natural na delubyo subalit permanente ang kahayukan sa kapangyarihan, katiwalian at kainutilan ng mga papet na rehimen. Kaya dapat tuluy-tuloy na kumiklos ang mga magsasaka at manggagawa at ang iba pang sektor para baguhin ang sistematikong pagsasamantala at pang-aaping ito sa mamamayang Pilipino. #

Rise Up founder receives global peace award

A Filipina deaconess has won the 2024 Peace Award given by the World Methodist Council (WMC) for her courageous work on human rights and justice in the Philippines.

United Methodist Church (UMC) deaconess Norma Dollaga, Kapatirang Simbahan Para sa Bayan (Church Brother/Sisterhood for the People) secretary general, has been honored for her decades of heroic peace work in her conflict-ridden homeland, also becoming an outspoken advocate for the victims of drug-related killings.

“She and other courageous faith leaders refused to be intimidated by then President Rodrigo Duterte and other government officials who villainized church leaders and others who spoke for the poor,” the WMC said in its announcement.

The global church council added that Dollaga organized prayer vigils and memorial services for those killed by assassins regarded as working in accordance with Duterte’s order to summarily kill suspected drug dependents and personalities.

“As can be seen in her founding of Rise Up for Life and Rights, Dollaga has developed a knack for empowering others to join the struggle for justice and peace,” the WMC added.

Founded in 1976, the WMC Peace Award honors courage, creativity and consistency and given to recipients who live and work in areas where the concern for peace is of great consequence.

Dollaga is the second Filipina to earn the award, after Joy Balazo who was honored in 2012.

Former recipients of the WMC Peace Award include Nobel Laureate Nelson Mandela, US President Jimmy Carter, Egyptian President Anwar Sadat, United Nations secretary general Kofi Annan and other global as well as community leaders.

World Methodist Council 2024 Peace Award recipient deaconess Norma Dolla (center) in a rally in Manila. (From Dollaga’s FB account)

WHO IS DEACONESS NORMA DOLLAGA? READ: War against the poor in the Philippines

‘Nervous recipient’

In a message to well-wishers, Dollaga said she is nervous about the award as it means deeper responsibilities for her.

“On behalf of the people’s struggle and hope, and the name of many martyrs who offered their lives in loving God and neighbor, activists who risked their lives in carrying on the struggle for justice and peace, I accept the recognition,” she nonetheless said.

Dollaga also said she accepts the award in honor of those “who unlearned the ways of giving up and carry on with the Mission so that the world will become a home for everyone.”

Dollaga added she also shares the award with her officemates, fellow deaconess and Rise Up coordinator Rubilyn Litao, Leah Valencia, and missionary Becca Lawson.

“Whenever we sent out feet in communities of farmers and indigenous peoples, in prisons where human rights defenders are incarcerated, in urban poor communities, picket lines, homes of the orphans and widows whose loved ones were killed by the war on drugs and others martyred as they fight for justice, we experience the Great Communion,” the awardee added.

United Methodist Church deaconess Norma Dollaga, World Methodist Council 2024 Peace Award recipient. (Photo from Dollaga’sFacebook account.)

A deaconess since her graduation from Harris Memorial College in 1985, Dollaga was appointed by the Philippines Central Conference of the UMC in 2000 to head Kasimbayan, also known as the Ecumenical Center for Development.

As the organization’s general secretary, she has helped shepherd ecumenical groups and networks focusing on human rights and peace such as Rise Up, humanitarian assistanace program Dambana, and alliance of Catholic and Protestant church leaders advocating for human rights and good governance called One Voice.

Dollaga  is also a member of the UMC Commission On Deaconess Service.

“In her decades of church service, Dollaga has become an inspiring model for younger deaconesses interested in deepening their Wesleyan witness to personal and social holiness within the Philippines. She frequently teaches classes and leads seminars as a member of the faculty at Harris Memorial College,” the WMC citation reads. # (Raymund B. Villanueva)

Groups condemn AFP bombings in Abra, Ilocos Sur

By Maujerie Ann Miranda

Human rights advocates trooped to Camp Aguinaldo on April 5, Friday, condemning the recent bombings by the Armed Forces of the Philippines (AFP) in Abra and Ilocos Sur they said affected at least 700 residents.

Kaammoyo Ti Kappia (KTK), a human rights organization in the region, said the indiscriminate bombings on April 2 near the communities at Pilar, Abra province and Sta. Maria, Ilocos Sur province occurred during firefights between the New People’s Army and the 501st Infantry Brigade of the AFP.

The 5th Infantry Division Philippine Army said two clashes were recorded at 11:50 in the morning and 5:00 in the afternoon of April 2. No casualties on either side had been reported.

KTK called for a stop to the military operations and the aerial strikes as it endangers the civilian population in the affected areas.

WATCH THE VIDEO OF THE BOMBING THOUGH THIS LINK: https://www.facebook.com/ktk.karapatan

“This is not a humane act as it not only puts a bigger burden on poor farmers in the area who are already affected by increasing prices of farm inputs, and the intense drought brought by El Niño, but also brings widespread fear, trauma, and panic. In addition, both parties should ensure the safety of the civilian population and observe the International Humanitarian Law (IHL),” the group said.

The Department of Social Welfare and Development-Cordillera Administrative Region reported that at least 118 families evacuated while classes were suspended in nearby schools.

Human rights groups condemn the AFP bombings in Abra and Ilocos Sur in a rally in front of Camp Aguinaldo on April 5. (Photo by Maujerie Ann Miranda/Kodao)

The protesters in Quezon City called for accountability from the AFP and the Ferdinand Marcos Jr administration and implored the Commission on Human Rights to conduct an independent investigation on the ongoing human rights violations in the Ilocos region.

Nakakagalit na ang gobyerno ni Bongbong Marcos ay may pera para sa gera, may pera para sa bomba pero wala para sa mga magsasaka,” said Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary general Mong Palatino.

(That the Bongbong Marcos government has money to burn on war and on bombs and nothing for the farmers angers us.)

The government should re-channel funds to social services and financial aid to farmers affected by El Niño, he added.

Palatino also condemned the military aid coming from the United States (US) which he said is utilized in the attacks and the upcoming trilateral summit between the Philippines, US and Japan on April 11 in Washington DC.

He warned that the outcome of the talks regarding military aid and additional military bases will further intensify the attacks on the Filipino people.

BAYAN said it will hold another protest on April 11 in front of the US Embassy to denounce the trilateral summit and the decades-long infringement of the US of Philippine sovereignty and democracy. #

KURAP

Ni Ibarra Banaag

‘Wag kang kukurap,

dahil sa isang iglap,

bomba’y babagsak,

at ‘di mangingilag!

Ospital o iskwelahan,

palaruan o kabahayan,

lahat ng gumagalaw,

kahit sangol na tangan.

‘Wag nang manikluhod,

sa ganid at buktot!

‘di sapat manalangin,

upang pigilang lipulin.

Yaong mga pasimuno,

silang mga berdugo,

kilalang mang-uupat,

salapi lang ang hangad!

Kung sa lupang pangako,

ay bumabaha ng dugo,

huwad itong paraiso,

kundi isang henosidyo!

Kaya bawal kumurap,

hininga’y laging isalba,

upang huwag malasin,

na mundo ay lisanin.

Gawing ‘wag pumikit,

sa gitna ng hagupit,

sa halip ay pilitin,

bawiin ang sinungkit!

Sa dako ng madilim,

ng guho at panimdim,

mundo’y nagpupuyat,

mugto man ang ulirat!

Ang Gaza ay patunay,

barbarismo ay tunay,

lumalakad paatras,

ang lipunang naaagnas!

Marso 23, 2024

Ligalig ang hatid ng ChaCha sa kabataan-estudyante

Ni Nuel M. Bacarra

Marahil ay nakaramdam na ang halos lahat sa atin kung paano magutom sa iba’t ibang pagkakataon. Maaaring nangyari ito minsan sa loob ng isa, tatlo o anim na oras. Para sa isang estudyante, mahirap mag-memorya o unawain ang leksyon kapag gutom. Paano pa kaya kung palagian itong nararamdaman hindi lamang ng isang estudyante kundi ng buong pamilya at mga indibidwal sa mga maralitang komunidad, sa kanayunan, sa mga pabrika at upisina, sa mga eskwelahan?

Sa inilabas na datos ng World Bank para sa taong 2023, ika-66 ang Pilipinas sa 125 bansa sa buong mundo na nakararanas ng gutom. Kritikal ito sa pag-unlad ng mga kabataang mag-aaral bilang “pag-asa ng bayan.” Hindi makakaahon ang bansa nito dahil sa halip na bigyang solusyon, binigyan pa ito ng katwiran sa pamamagitan ng kwentadang inilabas mismo ng gubyerno noong nakaraang taon na sapat na diumano sa isang mamamayang Pilipino na magkaroon ng ₱79.00 (₱395.00 sa lima katao) sa isang araw para mabuhay o ₱12,030.00 sa isang buwan para sa buong pamilyang may limang myembro. Taliwas ito sa hinihingi ng mga organisadong manggagawa na suportado ng iba’t ibang sektor ng lipunan na ₱1,193.00 na nakabubuhay na sahod sa isang araw para sa isang lima-kataong pamilya.

Sa ganitong pamantayan, lalong nalalantad ang pamahalaan na wala itong malasakit sa kapakanan ng sambayanan at bagkus ay nakatuon sa pagraratsada ng pagbabago ng Konstitusyon o charter change (ChaCha) upang ibayong manatili ang mga dinastiya sa poder.

Tulak ng paglaban

Tingnan na lamang natin ang matagal na kalagayan sa edukasyon.

Naisabatas ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTE) o RA 10931 noong 2017 dahil na rin sa kilusang masa at pagpupursige ng mga kabataang-estudyante. Ito ang batas na nag-institusyunalisa ng libreng matrikula at ng eksemsyon sa iba pang bayarin ng mga estudyante sa pampublikong pamantasan at kolehiyo sa buong bansa.

Bago umupo si dating senador Ralph Recto bilang Kalihim sa Pinansya ng gubyernong Marcos Jr., may panukala si dating Secretary Benjamin E. Diokno ng departamentong ito na kailangang repasuhin ang batas na ito dahil hindi ito kayang isustine at diumano, ay pag-aaksaya lamang ito ng pondo ng gubyerno. Si Diokno rin ang budget secretary ng gubyernong Duterte nang isabatas ang batas na ito.

Hindi lamang matrikula ang malaking problema ng mga estudyante, partikular sa kolehiyo. Ang pang-araw-araw na gastos tulad ng pamasahe, pagkain, bayad sa boarding house, proyekto sa paaralan at iba pa ay mga gastusin na kaakibat ng pagpasok sa mga pampublikong paaralan o pribado man.

Noong taong panuruan o academic year 2023-24, 35.15% (may talang pagbaba sa 2022-23 na 40.98%) ng mga estudyante ang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo. Ang datos na ito ang isinangkalan para bawasan ang badyet para sa libreng edukasyon sa Kongreso. Sa halip na irepaso ang batas na ito, dapat pa ngang dagdagan ang pondo para rito. At sa huli, ang 113 na mga kolehiyo at pamantasan ng estado ay pinaglaanan ng ₱128.2B ng Konggreso, mas malaki nang ₱27.3B dagdag na badyet kaysa noong isang taon.

Ang krisis sa sistema ng edukasyon ay di nakaangkla sa pondong inilalaan ng gubyerno para lutasin ito. Kung magkaganoon, marapat lutasin muna ang malalang pamamayagpag ng katiwalian at korupsyon sa pamahalaan na sa ulat ng Commision on Audit, taun-taon halos ay 20% ng pambansang badyet ang napupunta sa korupsyon. Kung kukwentahin sa badyet noong 2023 aabot ito ng ₱1.04T. Nariyan rin ang mas malalaking badyet sa pagbabayad ng utang na aabot sa ₱670.5B at sa depensa na ₱282.7B (mas malaki nang ₱50.2B kumpara noong 2023).

Si Kabataan Rep. Raoul Manuel (pinaka-kanan) sa kilos protesta sa harap ng CHED.

Ratsada ChaCha

Sa talumpati ni Representative Raoul Manuel ng Kabataan Partylist noong Marso 22 sa rali sa harap ng pambansang tanggapan ng Commission on Higher Eduction, sinabi niya, “Mas magiging de-kalidad raw ang edukasyon sa Pilipinas kapag ibinukas iyan sa mga banyaga. Una sa lahat, bakit natin iaasa sa mga dayuhan ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon? Ang numero unong may trabaho niyan, hindi  ba ang gubyerno?”

Ganito niya hinamon ang mga kabataang kasama niya sa rali sa kahabaan ng C.P. Garcia Avenue. At saka niya idinagdag: “Ang punto natin, hangga’t ang gubyerno ay nakakiling sa pagnenegosyo sa edukasyon, lalong palalalain ng charter change ang rate ng matrikula sa mga pribadong paaralan.”

Nasa panganib ng paglamon ng mga dayuhan ang buong sistema ng pampublikong edukasyon sa bansa sakaling maisalaksak sa mamamayan ang pagbago ng konstitusyon. Isasapribado ang mga kolehiyo at pamantansang publiko at kung gayon ay lalong lalala ang bilang ng mga di makatatapos ng kurso o mas malamang pa nga, hindi makatutuntong ng kolehiyo ang karamihan ng kabataan.

Sa kasalukuyan may mga nakaambang pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan, pinakamalaki ang sampung porsyentong pagtaas sa St. Paul University; 6% sa University of the East, Ateneo at Lyceum; habang 5% naman sa  De La Salle at National University. Ang mga kabataang-estudyante sa  Polytechnic University of the Philippines ay sige-sige ang protesta sa kinatatakutang pagsasa-pribado ng paaralan.

Sasagasaan tiyak ito ng ekonomikong probisyong babaguhin sa saligang batas. Sa ilalim ng  Konstitusyon ng 1987 nakasaad na kailangang protektahan at itaguyod ng gubyerno ang karapatan ng mamamayan sa de-kalidad na edukasyon at kung gayon ay gawin ang nararapat na mga hakbang upang maging abot-kaya ang edukasyon sa lahat ng Pilipino.

Ani Elle Buntag, pambansang tagapangulo ng League of Filipino Students: “Nagiging rubber stamp ang CHED ng mga ganid sa tubo na mga nagnenegosyo sa mga pamantasan. Hindi na baleng may mga estudyante na hindi na kayaning makapag-aral dahil sa tuition fee increase.” Sinabi niya ito sa rali sa harap ng opisina ng CHED.

Inutil ang CHED sa kapritso ng mga pribadong paaralan sa usapin ng pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Dagdag pa ni Buntag: “Ang sagot ni Marcos Jr. sa sistematikong problema na idinadaing natin, walang iba kundi ang ibenta ang mga paaralan natin sa dayuhan sa pamamagitan ng charter change.”

Ang panawagan ng mga mag-aaral kaugnay ng charter change.

Saan ang dulo?

Ang ekonomikong probisyon na inilatag ng Kongreso sa pamamagitan ng Resolution of Both Houses 7 at pinagtibay sa ikatlo at huling pagdinig nitong Marso 20 ay nakatuon sa pribatisasyon ng pampublikong institusyong pang-edukasyon, yutilidad (serbisyo) at advertising. Hindi garantiya ang pagsasapribado ng mga pampublikong paaralan sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon o ni katiting na bahagdan ng buong ekonomya. Isasapribado ang yutilidad gaya ng pampublikong transportasyon, sistema ng serbisyo ng tubig at kuryente pero aasa at aasa pa rin ang bansa sa padala ng mga manggagawa sa ibayong dagat para pagulungin ang ekonomya. Sa sitwasyong ito ng pagbago ng konstitusyon, dadami at dadami pa ang mga Pilipinong maghahanap ng trabaho sa ibang ibansa na may relatibong mas malaking kita dahil na rin sa kawalan at kakulangan ng trabaho sa ating sariling bansa.

Tuso ang konggreso sa pagsisingit ng pariralang “unless provided by law” sa ilang probisyong babaguhin sa konstitusyon. Ang ibig sabihin lamang nito ay gagawa lamang ng batas ang konggreso para ikutan ang konstitusyon at balewalain ito.

Hindi sapat ang pagkakaroon ng mas malaking foreign direct investment (FDI) para umunlad ang Pilipinas gaya ng pagtingin ng mga tagpagtaguyod ng ChaCha. Noong 1970s at 1980s kung saan pinalakas ng South Korea at Taiwan ang proteksyunismo sa kanilang bansa, mas malaki ang FDI na pumasok sa Pilipinas kaysa sa dalawang bansang ito pero nakapagsarili sila at naging mga bagong nag-industriyalisang bansa.

Ang ikinababahala ng mga estudyante sa pagbago ng konstitusyon ay ang lalong pagkalubog sa kontrol ng dayuhan hindi lamang sa mga paaralan o sistema ng edukasyon kundi ng buong bansa. Kung kontralado ng dayuhan ang sistema ng edukasyon, ang kultura ng pagiging makabansa o makabayan ay buburahin sa kaisipan ng kabataan. Hindi pa nga naisasapribado ang mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa, may sarili nang palo ang rehimeng Marcos Jr. na baluktutin ang kasaysayan sa pamamagitan ng “pagpapabango” sa imahe ng pamilya niya na kinilala sa buong mundo bilang isang pasistang diktador at mandarambong.

Walang maaasahang kaunlaran sa ChaCha. Sa ngayon pa lamang ay inutil ang gubyerno sa kawalang kontrol  sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na wala namang kaakibat na pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at empleyado. Hindi kaunlaran ang dulot nito kundi ang malinaw na pagbibigay-luho sa dayuhan para dambungin ang bansa. Malinaw na ang pagbubukas sa dayuhan ng syento porsyentong pag-aari ng lupain, at negosyo sa eskwelahan at serbisyo publiko ay langis lamang na magpapadulas para sa pagpapakatuta ng mga nanunugkulan sa gubyerno at ng mahabang panahon sa poder. #

NDFP consultants welcome return of peace talks to national level

Detained National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultants welcome reported dialogues to revive stalled formal peace negotiations with the Ferdinand Marcos Jr. Government of the Republic of the Philippines (GRP), expressing hope to join the talks if efforts succeed.

Long-time NDFP consultant Vicente Ladlad said they welcome efforts to resume formal peace talks with the GRP and the start of its policy changes regarding negotiations with the revolutionary Left.

“It is good they (GRP) decided to elevate peace talks to the national level once again and reverse former president Rodrigo Duterte’s policy of so-called localized peace talks,” Ladlad said.

The 30-year veteran of the GRP-NDFP talks noted that Duterte was of the “mistaken” belief that the GRP shall have eliminated the NPA by the end of his term in June 2022.

“Apparently, they realized that under Marcos Jr., they realized that the CPP (Communist Party of the Philippines-NPA (New People’s Army)-NDFP is still a viable force. That is why they are going back to negotiating with the NDFP,” Ladlad added.

Following Duterte’s cancellation of formal negotiations in mid-2017, no local CPP, NPA and NDFP formation has also officially engaged the GRP in so-called localized peace talks, the groups clarifying they have only authorized the NDFP Negotiating Panel to negotiate with the Manila government.

Outstanding issues

Ladlad said that one of the hurdles in efforts to revive the talks is Vice President Sara Duterte’s open opposition to the policy change on negotiations with the NDFP.

He said the vice president’s statement on the peace efforts was “very hostile and belligerent” to her president, Marcos Jr.

In an interview after the simultaneous announcement by the NDFP, GRP and the Royal Norwegian Government—Third Party Facilitator of the peace talks–of ongoing dialogues to revive negotiations last December, Vice President Duterte said it was “an agreement with the devil.”

NDFP peace consultant Adelberto Silva for his part said another hurdle to the success of the ongoing dialogues is the insistence of other officials in the Marcos Jr. cabinet to do away with previously signed agreements such as The Hague Joint Declaration and the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Silva said that The Hague Joint Declaration should remain as the framework of the negotiations as it had already been signed and reaffirmed by both parties numerous times.

“The GRP must also guarantee the safety of the consultants the NDFP wishes to join in the revived peace talks under the JASIG,” Silva said.

Both consultants added the Marcos Jr. GRP must remember that the negotiations are not just about ending the armed conflict but addressing its root causes.

“Otherwise, that’s just surrender talks,” they said.

In an interview with Kodao, NDFP Negotiating Panel chairperson Julie de Lima said there have been at least five dialogues with GRP emissaries since early 2022 when NDFP chief political consultant Jose Maria Sison was still alive. (Sison died of illness in December 2022.)

The first four dialogues happened in The Netherlands and the fifth was in Oslo where the November 26, 2023 Joint Communique was signed between GRP officials and the NDFP Negotiating Panel.

De Lima said it was former Armed Forces Chief of Staff Emmanuel Bautista who initiated the dialogues who was later joined by Presidential peace adviser Carlito Galvez Jr. and Special Assistant to the President Antonio Lagdameo  Jr. at the fifth round of dialogues in Oslo, Norway. # (Raymund B. Villanueva)

PANAYAM KAY JULIE DE LIMA SISON (Huling Bahagi)

Sa ika-apat at huling episode ng panayam na ito, sinagot ni National Democratic Front of the Philippines Negotiating Panel Chairperson Julie de Lima Sison kung ano ang kabuluhan ng ikatlong kilusang pagwawasto ng Communist Party of the Philippines sa usapang pangkapayapaan. Mangyayari ba ang pagpapasuko ng administrasyong Marcos Jr. sa rebolusyonaryong kilusan? Ano ang epekto sa pagkawala nina Prof. Joma Sison, Fidel Agcaoili, Benito Tiamzon, Wilma Austria at iba pa sa negosasyon? Ano ang panawagan niya sa mga kasapi ng NDFP at mamamayan kaugnay sa usapang pangkapayapaan?

PANOORIN:

PANAYAM KAY JULIE DE LIMA SISON (Ikatlong Bahagi)

PANAYAM KAY JULIE DE LIMA SISON (Ikalawang Bahagi)

PANAYAM KAY JULIE DE LIMA SISON (Unang Bahagi)

PANAYAM KAY JULIE DE LIMA SISON (Ikatlong Bahagi)