(Sa tono ng kantang Paruparong Bukid)

 

Ni Prestoline S. Suyat

 

Pareparehong kupit ay palipatlipat

Sa pondo ng bayan laging nanlilimas

Ilang sesyon sa badyet, ilang tusong palabas

Sasayaw na ang buwaya at kekendeng kendeng

 

May Dizcaya pa siya, Uy!

May Zaldy Co pa man din, Uy!

Itong ating gobyerno laging nagsisinungaling

Haharap sa bayan at mananalamin

Ngunit pagtalikod, kokotongan ka rin

 

May Escudero pa siya, Uy!

May Revilla pa man din, Uy!

Itong ating gobyerno sindikato pa rin

Sa kampanya mabait, pangako ay langit

Kapag nakapwesto, marami na ang bitbit

 

Pareparehong kupit ay palipatlipat

Sa pondo ng bayan laging naglilimas

Ilang sesyon sa badyet, ilang tusong palabas

Sasayaw na ang buwaya at kekendeng kendeng

 

May Abelido pa siya, Uy!

May Gardiola pa man din, Uy!

Itong ating gobyerno laging nagsisinungaling

Haharap sa bayan at mananalamin

Ngunit pagtalikod, kokotongan ka rin.

 

May Discaya pa siya, Uy!

May Bong Go pa man din, Uy!

Itong ating gobyerno sindikato na rin

Sa kampanya mabait, pangako ay langit

Kapag nakapwesto, panay na ang kupit.