Paggunita sa Batas Militar at ang papel ng Kabataan noon at ngayon
Sa ika – 47 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ni dating pangulong Ferdinand Marcos, nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang mga grupo upang gunitain ang malagim na karanasan ng mga biktima sa ilalim nito.
Ang ilan sa mga kabataang biktima ng batas militar noon ni Marcos ay nagbahagi ng papel ng kanilang sektor sa paglaban sa diktadurya. Panoorin kung ano ang tingin nilang papel ng kabataan ngayon sa ilalim ng rehimeng tila-diktadurya rin. (Video by Jek Alcaraz/Kodao)