ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Pnoy and Purisima’s role in the Mamasapano tragedy
Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison hinggil sa papel nina Presidente Noynoy Aquino at General Alan Purisima sa Mamasapano tragedy.
1. Ano po sa inyong pagtingin ang krimen nina Aquino at Purisima
kung meron man, sa naganap na Mamasapano encounter? May pagtingin po kasi ang mga tao na sila ay magkaibigang matalik at mahihirapan na idiin ng isa ang isa sa kasalanan nito sa SAF 44.
JMS: Dahil lamang sa utos at tulak ng mga Amerikanong imperyalista, hindi na nakapag-isip nang matino si Aquino. Krimen ni Aquino na ginamit niyang planner at implementer ng Oplan Wolverine ang suspendidiong PNP chief na si Purisima. Krimen nilang dalawa na ipinahamak nila ang SAF dahil sa walang koordinasyon sa MILF, sa PNP central command, sa Army at sa Air Force. Isinubo nila ang mga biktima sa tiyak na kamatayan. Gugulatin mo ba ang mga waring tulog na may baril sa sarili nilang baryo? Tiyak na makikipagbarilan ang mga iyon.
2. Nagresign daw si Purisima sa serbisyo o sa pagiging PNP chief. Pero sinasabi naman niya na hindi siya nagkocommand at wala siyang kasalanan. Bakit po kaya siya nagresign kung wala siyang kasalaman?
JMS: Nagresign na si Purisima dahil naramdaman na niya ang galit ng bayan at isip din niya na sa pagresign titigil ang mga protesta ng masa at siya naman ay mababalik sa pwesto kung magtestigo ang mga kabig niya sa SAF na hindi siya nagcommand sa Oplan Wolverine kundi si Napeñas lamang. Si Aquino naman ay pakunwaring tumatanggap ng responsabilid dahil akala niyang paraan lamang ito para tumigil ang mga kilos protesta.