Tanggal benepisyo, binatikos ng mga empleyado ng NKTI
Isang protesta sa harapan ng ospital ang ikinasa ng mga empleyado ng National Kidney and Transplant Institute (NKTIEA)-Alliance of Health Workers bilang tugon sa ginawang pagtanggal sa kanilang mga benepisyo simula noong Setyembre 13.
Ayon sa NKTIEA, inalis ng management ang rice and groceries subsidy na dekada na nilang natatamasa. Gayundin ay binawasan ang Philhealth Sharing Benefit mula P30,000 noong 2018 ay ginawa na lamang itong P12,000 ngayong taon. Naniniwala sila na ang pagtatanggal at pagbawas ng mga benepisyo ay pag-atake sa kanilang kabuhayan bilang mga manggagawang pangkalusugan.
Dagdag nila, napakalaki ang kinikita ng ospital dahil ito ay halos pribadisado na samantalang kakarampot naman ang kanilang sahod kumpara sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo. (Music: News Background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)