Posts

‘We are all victims of the gross neglect of the DOH and Duterte administration’

“We are saddened and angered by what happened to our dear colleague and other health workers who died fighting COVID-19. We are all victims of the gross neglect of the DOH and Duterte administration. This administration does not value health workers because even in (Duterte’s) 5th State of the Nation Address, he still did not lay down comprehensive, systematic and scientific measures on how to defeat the virus.” Cristy Donguines, President, Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-Alliance of Health Workers

‘We urge the government to address our demands before it’s too late’

“They cannot blame many health workers for not applying for work because we are aware that the DOH and the Duterte administration do not care about our welfare. Many have resigned from their post because, for a long time, we are always neglected. We urge the government to increase the salaries of health workers, regularize contractuals and address our demands before it’s too late.”Robert Mendoza, President, Alliance of Health Workers

Ang mga health worker sa panahon ng COVID-19

Inilahad ng mga manggagawang medikal ng National Kidney and Transplant Institute ang kanilang sitwasyon sa pakikipaglaban sa global pandemic na COVID-19.

Ipinahayag nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng free mass testing sa bansa na anila ay dapat isinasagawa sa mga hospital worker at hindi sa mga VIP. Inilahad nila na may mga pasyente na napapauwi na bago pa dumating ang mabagal na resulta ng test. May namamatay na pasyente sa ganitong sistema, ayon sa kanila.

Panawagan nila sa gobyerno na dagdagan ang benepisyo at insentibo sa mga manggagawang medikal lalo na ngayon na nakikita ang panganib na sinusuong nila sa mga panahong tulad ng sa kasalukuan. (Panayam ni Jek Alcaraz)

Maayos na pampublikong transportasyon, iginiit ng health workers

Ni Joseph Cuevas

Nanawagan ang Alliance of Health Workers (AHW) sa gobyerno na kagyat na baguhin ang mga batas, patakaran at alituntunin na sumasagka sa mga health worker upang mas maayos na makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa panahon ng community quarantine kaugnay ng corona virus disease (Covid-19) pandemic.

Iginiit ni Robert Mendoza, tagapangulo ng AHW, na palawigin pa ng pamahalaan ang plano sa transportasyon na magbibigay-luwag sa mga manggagawang pangkalusugan upang tiyakin ang kanilang kagalingan, proteksyon, kaligtasan.

Ang panawagan ng grupo ay ipinahayag matapos may dalawang health worker na magka-angkas sa motorsiklo noong Miyerkules, Marso 25, ang hinarang ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City kahit nagpakita pa ng identification card na sila ay galing sa mga ospital.

Photo by Gerald Libiran.

Pinagmulta ng P5,000 si Gerald Libiran ng Philippine Orthopedic Center ang dahil lumabag umano ito sa pagbabawal sa backriding dahil sa Covid-19 lockdown. Angkas noon ni Libiran ang kanyang kapatid na empleyado rin ng National Children’s Hospital pauwi sa Bulacan.

Naiulat rin na iba pang nars ang napilitang bumaba at maglakad papunta sa kani-kanilang ospital at pauwi dahil hinaharang ang kanilang sinasakyan.

Sa kabila ng sakripisyo at paghihirap para makapasok at makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga pasyente ay ibayong hirap pa ang nararanasan ng mga health worker dahil sa kawalan ng lohika ng patakaran sa transportasyon ng lockdown ng pamahalaan, ayon kay Mendoza.

“Wala na ngang maibigay na personal protective equipment (PPE) upang matiyak ang aming kaligtasan sa panganib ng corona virus ay panggigipit pa ang inaabot namin sa daan,” reklamo niya.

Ayon naman sa Kagawaran sa Transportasyon, nagdagdag na sila ng iba pang ruta para sa libreng sakay ng mga health workers simula noong Marso 20.

Mula sa tatlong ruta sa umpisa ng lockdown, mayroon nang 13 ruta na may 74 na sasakyan ang umiikot sa mga sumusunod:  

NORTHWEST AREA, REVISED ROUTE 1

  • Meralco (Malanday)*
  • Valenzuela City General Hospital
  • MCU Hospital (Monumento)*
  • Caloocan City Medical Center
  • Tondo General Hospital
  • Our Lady of Fatima
  • Metropolitan Medical Center
  • San Lazaro Hospital
  • Jose R. Reyes Memorial Medical Center
  • University of Sto. Tomas Hospital
  • Chinese General Hospital
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*

NORTHWEST AREA, REVISED ROUTE 2

  • Valenzuela Gateway Complex*
  • Quezon City General Hospital
  • Balintawak*
  • MCU Hospital (Monumento)*
  • Our Lady of Fatima University
  • Chinese General Hospital and Medical Center
  • Philippine Orthopedic Center
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*

NORTHWEST AREA, REVISED ROUTE 3

  • SM City SJDM (Bulacan)
  • Dr. Jose N. Rodriguez Memorial (Caloocan)
  • SM Fairview*
  • Diliman Doctors Hospital
  • Veterans Memorial Medical Center
  • Lung Center of the Philippines
  • Philippine Heart Center
  • East Avenue Medical Center
  • Philippine Children’s Hospital
  • Centris Station (EDSA / Quezon Ave.)*

EAST AREA, ROUTE 4

  • SM City Masinag*
  • Marikina Valley Medical Center
  • Amang Rodriguez Memorial Medical Center
  • BFCT East Metro Transport Terminal*
  • Quirino Memorial Medical Center
  • Araneta Center Bus Terminal
  • Robinsons Galleria*
  • The Medical City – Ortigas

EAST AREA, ROUTE 5

  • Ortigas Hospital & Healthcare (Cainta)*
  • SM City East Ortigas
  • Pasig City General Hospital
  • The Medical City Ortigas
  • Robinsons Galleria*
  • VRP Medical Center
  • St. Luke’s Medical Center*
  • Rizal Medical Center

CENTRAL AREA, ROUTE 6

  • Centris Station (EDSA / Quezon Ave.)*
  • Providence Hospital
  • Capitol Medical Center
  • Philippine Orthopedic Center (Banawe)
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*
  • National Children’s Hospital
  • De Los Santos Medical Center
  • St. Luke’s Medical Center (E. Rodriguez)
  • UERM Memorial Medical Center
  • MRT-3 Cubao / Araneta Center*

CENTRAL/EAST AREA, REVISED ROUTE 7

  • Pasig City General Hospital
  • Immaculate Concepcion Cathedral*
  • Pasig Rotonda
  • Rizal Medical Center
  • The Medical City (Ortigas)
  • Robinsons Galleria*
  • Cardinal Santos Medical Center
  • VRP Medical Center
  • National Center for Mental Health
  • Makati Medical Center*

SOUTHEAST AREA, REVISED ROUTE 8

  • Starmall – Alabang*
  • SLEX Sucat Exit*
  • Bicutan Exit
  • Makati Medical Center*
  • St. Luke’s Medical Center – BGC*

SOUTHWEST AREA, REVISED ROUTE 9

  • Vista Mall, Daang Hari*
  • Perpetual Help Medical Center (Las Piñas)
  • Las Piñas General Hospital
  • Baclaran Market*
  • San Juan de Dios Educational Medical Center
  • Pasay City General Hospital
  • Adventist Medical Center
  • Makati Medical Center*
  • Philippine General Hospital
  • Manila Doctors Hospital
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*

SOUTHEAST AREA, ROUTE 10

  • RITM*
  • Asian Hospital and Medical Center
  • Muntinlupa City Hospital
  • Starmall – Alabang*

SOUTHEAST AREA, ROUTE 11

  • Starmall – Alabang*
  • SLEX Sucat Exit*
  • Bicutan Exit
  • San Juan de Dios EFI – Hospital
  • Gil Puyat Station LRT-1*
  • Philippine General Hospital
  • Manila Doctors Hospital

SOUTHEAST AREA, ROUTE 12

  • SM Molino
  • Imus Transport Plaza
  • Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
  • Baclaran Market*
  • San Juan de Dios Educational Foundation Hospital
  • Gil Puyat*
  • Adventist Medical Center Manila
  • Philippine General Hospital*
  • Manila Doctors Hospital*

SOUTH AREA, ROUTE 13

  • Seaoil Imus Daang Hari/Aguinaldo
  • Imus Transport Terminal*
  • Las Piñas General Hospital
  • Perpetual Help Medical Center
  • RITM*
  • Asian Hospital and Medical Center
  • Muntinlupa Hospital
  • Starmall Alabang*

*Pick-up/transfer points

Ang mga doctor, nars, at iba pang kawani ng mga ospital ay makakasakay sa mga oras na 5 a.m., 7 a.m., 1 p.m. 3 p.m., 5 p.m. and 7 p.m., alinsunod sa iba pang patakaran katulad ng tamang pag-aagwat at pagkuha ng temperatura ng mga pasahero.

Photo by Joseph Cuevas.

Health workers package hiling sa kaarawan ni Duterte

Hiniling rin ng AHW sa kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Sabado, Marso 28, na bigyan sila ng “Health Workers Package” bilang pagtupad sa pangako nito sa mga manggagawang pangkalusugan at mamamayan.

Kabilang sa pakete ang kagyat na paglalaan at pagbibigay ng sapat at de-kalidad na mga PPE para sa mga health worker sa mga pampubliko at pribadong ospital, regular na empleyo at hindi boluntarismo sa mga pampublikong ospital ngayong panahod ng Covid-19 at kalaunan.

Dagdag rin sa pakete ang hazard pay at sapat na kompensasyon sa mga health worker, pagtaas sa pambansang badyet pangkalusugan at mass testing para sa lahat ng mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19, gayundin sa mga frontline health worker at hindi VIP testing sa mga politiko. #

ITANONG MO KAY PROF: COVID-19 at si Duterte

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng BAYAN National hinggil sa COVID-19 at paano hinaharap ito ng pamahalaang Duterte.

______________________________________________________________________________

ITANONG MO KAY PROF

TOPIC: Covid-19

March 18, 2020

SARAH: 

Opening: Kamusta sa ating mga tagapakinig! Sana ay nananatili tayong ligtas at nasa maayos na disposisyon sa gitna ng krisis pangkalusugan na dala ng   bagong Corona Virus Disease na lumitaw noong 2019 o COVID-19. Sa mga nakaraang araw, nasaksihan at naranasan natin ang pagkadeklara ng COVID-19 bilang isang global pandemic, ibig sabihin ay kumakalat ito sa maraming bansa sa buong mundo. Isa sa mga dumagdag sa ating ligalig ay walang iba kundi ang naging tugon ng gobyernong Duterte rito.

Marami ang hindi naaabot ng ayuda ng gobyerno, o halos walang ayuda, matumal at hindi malinaw ang impormasyon hinggil sa COVID-19.  Minarapat natin dito sa Itanong Mo Kay Prof na makasama kayong muli lalong-lalo na ang ating mga mahal na tagapakinig sa kanayunan at maralitang lungsod, na nananatiling kumakayod sa harap ng COVID-19.

Hindi nga ba, kung hindi lumalabas at magtatrabaho, walang gobyernong Duterte ang susuporta sa gitna ng kinakaharap nating sakuna? 

Pag-uusapan at uunawain din natin ang nangyayari sa atin at sa buong mundo kasama na ang ilang mga hakbang na kaya nating pagtulungan. Kagaya ng lagi, kasama natin ang Chairperson Emeritus ng International League of Peoples’ Struggle at Chief Peace Consultant ng National Democratic Front of the Philippines si Professor Jose Maria Sison dito sa Itanong Mo Kay Prof. 

Kamusta sa inyo, Prof. Joma?!

JMS: Maalab na makabayang pagbati sa inyo Prop. Sarah Raymundo at sa lahat ng ating kababayan. 

Mga Tanong:

SR1: Prof Sison, ipaliwanag muna natin sa ating mga tagapakinig kung ano nga ba itong tinatawag na coronavirus o Covid-19.

JMS:  Ang Covid-19 ay isang tipo ng sakit sa anyo ng virus na lumitaw  sa Wuhan, China noong Disyembre 2019 at nailathala ito bilang epidemya sa Wuhan noong Enero 2020. Ang mga mayor na sintomas nito ay lagnat,  ubong tuyo, hiráp sa paghinga at bulós. Nauuwi ito sa pneumonia na puedeng humantong sa kamatayan para sa 2 hanggang 5 por syento sa mga nagkakasakit ng Covid-19 sa ibat ibang bansa. 

Mabilis makahawa ang virus na ito sa mga tao sa pamamagitan ng paghawak sa iba at paghawak sa hinawakan ng maysakit o may dala ng virus.  Pinakabulnerable ang matatanda at  dati nang  may sakit sa baga.  Madaling kumalat bilang epidemya sa isang bansa tulad sa Tsina kung saan nagsimula.

At dahil sa mga byaherong may dala ng sakit, kumalat na ang virus sa higit ng 160 countries at naging pandemya o epidemya sa maraming bansa. Ayon sa Worldometer noong Marso 18, 198, 739 na ang nagkasakit sa Covid-19, 107,971 ang recovered at 7,989 ang patay.   Kabilang sa mga bansang may pandemya ng Covid-19 ay Tsina, Italy, Iran, South Korea, España, Estados Unidos  at iba pa.

Unang nahalata ang virus sa Pilipinas noon pang Enero nang namatay sa virus na ito ang matandang lalake sa mag-asawang  turistang Tsino.  Nahawa pa ang ilang Pilipinong doktor na nag-asikaso sa kanila. Ayon sa Department of Health (DOH) noong Marso 18, 193 na ang  nagkasakit sa Covid-19, 14 ang namatay at 4 ang recovered sa kanila. Hindi tumpak ang mga bilang na ito dahil sa kumalat na ang sakit sa buong Pilipinas sa nakaraang dalawang buwan at kung kailan lamang nag-umpisa ang bilangan sa mangilan-ngilang lugar.

SR 2.: Marami na pong mga bansa ang apektado ng kumakalat na Covid-19. Sa panahong tinatalakay natin ito sa ating programa, 14 na ang namatay at 187 at positibo sa COVID-19. Lockdown ang naging tugon ng gobyernong Duterte. Enhanced Community Quarantine ang utos niya sa lahat ng residente hindi lang sa National Capital Region kundi sa buong Luzon. Ano po ba ang ibig sabihin ng Enhanced Community Quarantine? At ano po ang inyong masasabi dito, Prof. Sison?

JMS:  Kasalanan ni Duterte at kanyang buong rehimen na kumalat na ang Covid-19 sa buong Pilipinas, lampas sa  opisyal na sinasabing bilang ng nagkasakit sa virus.  Noong ikalawang linggo pa lang  ng Enero, may alerto na ng World Health Organization tungkol sa epidemya ng COVID-19 sa Wuhan, Tsina.  Pero pinayagan pa rin ni Duterte na  pumasok sa Pilipinas ang mga biyaherong mula sa Tsina, higit sa 14,000 mula Wuhan at kalahating milyon mula sa buong Tsina. Katwiran  niya na kailangan ang kita  mula sa mga turistang Tsino at sa  tinatawag na mga POGO o mga kasinong Tsino.

Militarista at pasistang katarantaduhan ang lockdown na ipinataw ni Duterte sa National Capital Region. 40,000 ang bilang ng militar at pulis na dineploy para harangin ang mga tao sa napakaraming checkpoint.  Sinisita ang bawat isa para magpresenta ng ID at kunwari may isang gumagamit ng thermal scanner sa noo ng napakaraming tao.  Ang masama pinagtitipon ang mga malusog at mga posibleng maysakit. Nagagambala ang hanapbuhay ng mga tao at lalong kakalat ang Covid-19 dahil pinaghahalo ang may dala ng sakit sa mga  walang  sakit.

Lalo pang masama ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na sumasaklaw na sa buong Luzon. Ipinagbabawal  na ang mga tren, bus, jeepney, taxi, SUV, P2P bus at tricycle. Lalong hindi nakakarating ang mga tao sa trabaho nila. Lalong patay ang ekonomya, mga pagawaan at mga serbisyo. Ang pinakamasama ay hindi makarating sa mga ospital at klinika ang mga may sakit ng Covid-19 o anupamang seryosong sakit. Pati mga doktor, nars at medikal supply ay mahirap  o hindi makarating sa mga ospital, klinika o health center. 

Katarantaduhan ang panghaharang ng mga armadong alipuris ni Duterte sa malulusog na tao, mga health professional at mga maysakit.  Ginamit ang Covid-19 bilang dahilan para gambalain at takutin ang mga tao.  Mas masahol pa ang Duterte virus sa Corona virus. Sa totoo lamang, nakapatay na ng higt sa 30,000 ang Duterte virus magmula pa 2016. Kung paghambingin, kakarampot pa lang ang pinapatay ng Covid-19.

SR 3: Sa unang araw ng mga checkpoints na ginawa ng mga pulis at sundalo, lumikha ito ng mahabang pila at trapik. Marami ang nagalit dahil sa nahuli sa trabaho ang maraming commuters. Ano po kaya ang marapat talagang gawin para sa maraming nagtatrabaho sa Metro Manila mula sa mga kalapit na probinsya, Prof. Sison?

JMS:  Dapat medikal ang solusyon sa Covid-19, hindi militar.  Antemano dapat nagdeploy ng mga doktor, nars, health attendants, face masks, personal protection equipment, thermal scanner, testing kit, mga oxygen tank, mga gamot at mga bed space para sa mga pasyenteng nasa malubhang kondisyon sa mga quarantine centers sa antas ng mga komunidad.  At dapat libre ang testing at treatment. Nagawa ito sa Tsina, Vietnam , Cuba, Singapore, South Korea at iba pang bansa.

Sa gayon, naihihiwalay ang mga may sakit  at malayang magbiyahe ang mga malulusog para makapunta sa kanilang mga trabaho. Masama na pinagbabawalang magbiyahe ang malulusog. Mamamatay sila sa gutom dahil walang kita. At babagsak ang ekonomya.  Pinamakasama para sa mga may sakit na hindi sila makarating sa opspital, klinika o health center. O kaya ihinahalo sila sa mga walang sakit sa mga military at police checkpoints.

SR4: Ayon sa Alliance of Health Workers o AHW, kulang ang mga health workers at doktor ng mga tamang kagamitan para sa monitoring ng mga pasyenteng posibleng may Covid-19 . Face mask nga ay halos wala o tumatagal ng tatlong araw imbis na ilang oras na paggamit lamang sa isang araw. Dahil sa budget cut sa pangkalusugan kung bakit lalong gipit ang kalagayang ng mga health workers. Ano po ang inyong masasabi sa bagay na ito, Prof. Sison?

JMS: Totoo ang sabi ng  Alliance of Health Workers o AHW, kulang ang mga health workers at doktor,  mga tamang kagamitan para sa monitoring at testing ng mga pasyenteng posibleng may Covid-19. Pati face mask ay halos wala at kung mayroon, ginagamit ito nang maraming araw imbes na ilang oras lamang. Mas masahol pa ay walang sapat na public health workers at kagamitang panggamot sa mga positive sa COVID-19.

Ang ugat na dahilan kung bakit  walang preparasyon at sapat na mga tauhan at kagamitan sa public health ay ang military overspending at korupsyon ng rehimeng Duterte.  Kinaltasan nang malaki ang mga badyet ng Department of Health nang 14 bilyong piso,  gayundin  ang mga badyet sa public education at iba pang social service para mapalaki ang badyet para sa office of the president,  sa militar at mga kagamitan nila ,  sa intelligence at discretionary funds at  sa pork barrel ikinabubusog ng pamilya, mga kroni at mga kongresista ni Duterte.

SR5: Sa talumpati ni Pangulong Duterte, humihingi siya ng ceasefire sa New People’s Army. Ceasefire daw muna pareho habang hinaharap natin ang ganitong kalagayan. Ano po ang inyong opinyon sa kahilingan na ito ni Duterte, Prof. Sison?

JMS:  Mahirap maniwala na sinsero o seryoso siya sa paghingi ng ceasefire sa New People’s Army o NDFP. Kung kailan lamang nag-utos siya sa kanyang mga militar na tapusin ang NPA at kilusang revolusyonaryo bago matapos ang term niya sa 2022. At ‘yong deployment ng militar at pulis sa mga lungsod ay hindi naman para lutasin ang problema ng Covid-19 kundi supilin ang legal na demokratikong kilusan at para palakasin ang kanyang tiraniya at mapili niya ang kapalit kung malubha na ang sakit niya mismo.

Maniniwala ang NDFP na talagang gusto niya ang ceasefire na masasang-ayunan nito kapag itigil  ang pananalakay at panunipil sa mga legal na demokratikong pwersa sa mga lungsod at mga larangang gerilya ng demokratikong gobyerno ng mga manggagawa at magsasaka at palayain niya ang lahat ng bilanggong pulitikal sa pamamagitan ng general amnesty on humanitarian grounds tulad ng pagpalaya ng Iranian government sa mga gasampung libong political prisoner para hindi sila madali ng COVID-19 sa loob ng preso.

SR6: Sinabi rin ni Pangulong Duterte na pwedeng hulihin ng pulis ang sinumang lalabag sa panahon ng checkpoint. Ang sabi naman ni Atty Chel Diokno, hindi pwedeng hulihin ang taong gustong pumasok sa NCR para magtrabaho. Ano po ang inyong masasabi hinggil sa bagay na ito?

JMS:  Tama ang sabi  ni Atty Chel Diokno, hindi pwedeng hulihin ang taong gustong pumasok sa NCR para magtrabaho, magdala ng pagkain o sinumang may sakit  na dapat pumunta sa doktor para magpagamot.  Pananakot at pagmamalabís ang utos ni Duterte na arestuhin ang sinumang lalabag ng batas sa mga checkpoint. Natural na magalang ang karaniwang tao. Malisya ni Duterte ang kanyang ipinaparatang sa mga tao na basagulero sila, tulad niya.

SR7: Disyembre 2019 nang pumutok ang Covid-19 sa China. Pero ngayong Marso lang naalarma ang gobyerno matapos maitala ang mga naging biktima ng Covid-19. Meron po bang responsibilidad ang gobyerno sa pagkaantala ng paghahanda ng Pilipinas sa pagpasok ng Covid-19 sa bansa?

JMS: Tulad ng dati ko nang sinabi, malaking kasalanan or krimen ni Duterte at mga kasapakat niya sa rehimen ang pagkalat ng Covid-19 sa Pilipinas sa Enero pa lamang.  Pinapasok ang 14, 000 Tsino mula sa Wuhan at 500,000 mula sa kabuan ng Tsina. At walang ginawa ang rehimen para maglaan ng mga tauhang pangkalusugan, mga rekurso at kagamitin para agapan at pigilin ang pagkalat ng COVID-19. Prayoridad ng mga may kappangyarihan ang pangungurakot  ang pagpapabaya sa kalusugan at paglabag  sa mga karaptan at interes ng mga mamamayan.

SR8: Ano po ang inyong mensahe sa ating mga tagapakinig? Marami po sa ating mga kababayan ang tila hindi mapakali dahil hindi lamang ang Covid-19 ang kanilang inaalala, kundi ang pagkain sa mesa sa araw araw.

JMS: Dapat panagutin ang rehimeng Duterte sa pagpapasok at pagkakalat ng Covid-19 sa Pilipinas at  sa kawalan ng wastong patakararan at mobilisasyon ng mga tauhang pangkalusugan at mga mamamayan para labanan ang pandemya .  Kriminal na  kapabayaan ito  ni Duterte. Tuwirang kaugnay nito ang mga pangunahing interes ng  rehimeng Duterte sa  pagiging taksil sa bayan, tirano, berdugo, mandarambong at manggagantso.

Dapat ibayong patatagin ng sambayanang  Pilipino ang kanilang pagkakaisa at kapasyahan para wakasan ang rehimeng Duterte. Dapat kumilos pa nang may ibayong militansya para ihiwalay at ugain ang rehimeng ito mula sa pundasyon hanggang sa atip. Dapat ibayong  palakasin  ang mga makabayan at demokratikong pwersa para ibagsak ang rehimeng ito  sa lalong madaling panahon. At maisulong ang mga pwersang ito ng sambayanang Pilipino para sa ganap na independensiya, demokrasya, hustisya sosyal, lahatang panig na pag-unlad at makatarungang kapayapaan.

Sarah: Maraming salamat po Prof. Joma talagang kailangan natin, higit kailanman ang mensahe ng kritikal na pagsusuri sa sitwasyon, kabaligtaran ng “sumunod na lang kayo” na kalakaran ni Duterte. Mas mahalaga, ay ang mensaheng sama-sama nating aksyunan ang ating pagsusuri at napagkaisahan. 

JMS: Ako po’y nagpapaalam kay Prop Sarah Raymundo at sa lahat ng tagapakinig. Umaasa akong makasama kayo muli sa ating susunod na panayam.  Sa kritikal na kalagayan ng ating bayan, laging may malaking isyu na dapat pag-isipan, talakayin at aksyunan. Maasahan ninyong handa akong makipanayam tungkol sa anumang mahalagang isyu. Maraming salamat. Mabuhay kayo!

SARAH: Naririyan ang ating mga organizasyon na sa gitna ng panggigipit ng rehimen ay nakatayo pa rin at ibayong magpapakilos para sa ating mga pangangailangan sa kasalukuyan. 

Mag-organisa, magtiwala sa mga kasama, abutin ang mga pinakanangangailangan sa pamamagitan ng ating mga grupong pangsimbahan, asosasyon, pederasyon, unyon, at iba pang porma ng organisasyon. 

Maraming may pagtingin na lockdown o ang pag-kontrol sa kilos ng mga tao ang isa sa mga solüsyon para pababain ang pagtaas ng mga nahahawa at namamatay sa COVID-19. 

Pero kung tayo ay may isang sistemang buhos ang resources sa pampublikong kalusugan, may mga sapat at libreng testing kits, hospital beds, at maging mga hospital, kung pampublikong serbisyo ang prioridad sa budget ng gobyerno na galing sa ating buwis, makatutugon ang gobyerno sa pangangailangan ng mamamayan kasaba ng pagprotekta nito sa frontliners, mapapaisip din tayo ng mga mas marangal, makatao, risonable, epektibong solusyon bukod sa lockdown.

 Ang lilikha ng sistemang iyon ay walang iba kundi tayo. Kaya ang pagiging kritikal sa gobyerno sa panahong ito ay may layuning makaambag sa bagong sistemang tumutugon sa pangangailangan ng tao at hindi ganitong kumikitil sa laya at buhay ng sambayanan sa gitna ng pisang matiging krisis. 

Salamat sa inyong pakikinig! Ibayong pag-iingat, pangalagaan ang ating mga komunidad laban sa COVID-19 at sa pasistang rehimeng Duterte. Hanggang sa muli, ito si Sarah Raymundo, aktibista ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN at guro ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, kasama niyo at ni Prof Joma dito sa Itanong Mo Kay Prof! 

END.

Tanggal benepisyo, binatikos ng mga empleyado ng NKTI

Isang protesta sa harapan ng ospital ang ikinasa ng mga empleyado ng National Kidney and Transplant Institute (NKTIEA)-Alliance of Health Workers bilang tugon sa ginawang pagtanggal sa kanilang mga benepisyo simula noong Setyembre 13.

Ayon sa NKTIEA, inalis ng management ang rice and groceries subsidy na dekada na nilang natatamasa. Gayundin ay binawasan ang Philhealth Sharing Benefit mula P30,000 noong 2018 ay ginawa na lamang itong P12,000 ngayong taon. Naniniwala sila na ang pagtatanggal at pagbawas ng mga benepisyo ay pag-atake sa kanilang kabuhayan bilang mga manggagawang pangkalusugan.

Dagdag nila, napakalaki ang kinikita ng ospital dahil ito ay halos pribadisado na samantalang kakarampot naman ang kanilang sahod kumpara sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo. (Music: News Background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)

Health workers press opposition to Fabella “transfer”

Medical professionals held another protest rally last May 26 against the so-called transfer of the Fabella Memorial Hospital from its current location to the Department of Health compound later this year.

Alliance of Health Workers members expressed fears that the hospital may go the way of other public hospitals that ask for payment for every service it renders. Read more

Health workers decry low wages, privatization of public hospitals under Aquino

Rank and file public health workers protested in front of the National Kidney and Transplant Institute last March 23 to condemn the Benigno Aquino government for its “anti-poor” policies in the health sector.

Members of the Alliance of Health Workers (AHW) said Aquino’s Salary Standardization program only aims to keep ordinary health workers poor through a measly and staggered wage increase.

They also condemned the “unabated” privatization of public hospitals and the services these institutions offer to the poor.

They said President Aquino has betrayed the interests of poor patients by worsening the state of health institutions in his more than five years in office.

AHW is pressing for a monthly national minimum wage of PhP16,000 for Salary Grade 1 workers and substantial budget increase for public health.

Public sector workers protest over pay hike

Declaring a “Black Heart’s Day,” public sector workers trooped to Mendiola leading to Malacanang Palace in Manila to denounce Pres. Benigno Aquino III and Budget Sec. Florencio Abad for the Salary Standardization Law 4 (SSL 4) discriminating pay and benefits for the country’s 1.5 million government workers. Similar actions were held in Baguio, Angeles, Naga, Legazpi, Cebu, Iloilo, Davao and other cities in the Philippines.

Health workers show solidarity with Lumad

Alliance of Health Workers members from government hospitals held a candle-lighting activity today to show their solidarity with indigenous peoples in Mindanao. They denounced the human rights violations against the Lumad by the military that resulted in massacres, rape, harassments and forced evacuation in Bukidnon, Surigao del Sur, Agusan del Sur and the Davao provinces.

Philippine Heart Center, Quezon City
September 26, 2015