Posts

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 2)

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

2. Ano po ang kabuluhan nito sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan laban sa mapang-api at anti-mamamayang mga patakaran mula kay Marcos hanggang sa kasalukuyan?

JMS: Makabuluhan ang First Quarter Storm ng 1970 sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan at sambayanang Pilipino dahil ipinakita ng pagbabalikwas na ito na kaya ng masang tumindig para sa mga pambansa at demokratikong karapatan, magtipon ng lakas at kumilos para labanan ang brutal na rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ng FQS, lumakas ang mga organisasyong masa na may katangiang pambansa-demokratiko hindi lamang sa National Capital Region kundi sa buong bansa. Kumalat ang mga protesta sa mga prubinsya.

Ang FQS ng 1970 ay naging inspirasyon ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa palubhang pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng Marcos. Sa panahon ng martial law, laging iniisip ng mga tao na dating kaya ng masa na gumawa ng FQS at kung gayon kayang gawin muli ang ganito para ibagsak ang pasistang diktadura. Ang FQS ang historical antecedent ng Edsa uprising at iba pang pag-aalsa na nagpabagsak sa pasistang diktadura. Ipinakita ng FQS kung paano gumawa ng ahitasyon at propaganda at magtipon ng maraming tao sa pamamagitan ng mga martsa at rali.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 1)

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

1. Ano po ang ibig sabihin ng First Quarter Storm o FQS ng 1970?

JMS:Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 26, 1970 nang sinalakay ng mga pulis ang mga 10,000 demostrador sa harap ng Kongreso nang natapos ang state of the nation address ni Marcos. Sa unang kwarto ng taong 1970, mula Enero hanggang Marso, bumalikwas ang mga kabataan at iba pang mamamayan para labanan ang mga anti-mamamayan, anti-nasyonal at anti-demokratikong patakaran ng rehimeng Marcos at Estados Unidos. Sa bawat linggo, 50,000 hanggang 100,000 ang nagtitipon sa ibat-iang assembly point sa national capital region, sa Bonifacio Monument sa Caloocan, Tondo, Quezon City, Sampaloc, Pasay, Pasig Makati at ibang lugar.

Nagmamartsa ang mga demostrador at dumadagsa sila sa converging point. Daan-daang libong mamamayan sa dinadaanan ng mga martsa ang nagbibibigay suporta sa mga demostrador. Madalas na dumagsa ang mga nagmamartsa sa Plaza Miranda at pagkatapos tumutuloy sa harap ng Kongreso, ng Malakanyang o embahada ng Estados Unidos. Ang Kabataang Makabayan ang tampok na namuno sa kabataan. Kahit na gumagamit ng dahas ang rehimen para guluhin at supilin ang mga marta at rali, lalong lumalakas ang kilos masa at ang propaganda sa pambansang saklaw at sa mga lokalidad.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on POW and peace negotiations

ITANONG MO KAY PROP
Panayam ng Kodao kay Prop. Jose Maria Sison
January 20, 2015

1. Ano po ang kahalagahan sa usapang pangkapayapaan ng ginagawang pagpapalaya ng NDFP-Mindanao sa mga POW sa kanilang rehiyon?

JMS: Napakahalaga ang pagpapakita ng NDFP-Mindanao ang humanitarian spirit at kagandahang loob ng kilusang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng pagpapalaya ng mga prisoners of war. Ipinahayag ng NDFP-Mindanao na ang pagpapalaya ng mga POW ay goodwill measure para sa resumption ng peace negotiations. Pero hanggang ngayon walang maliwanag kung handa na ba ang rehimeng Aquino para sa usapang pangkapayapaan.

2. Umaasa rin po ba ang NDFP Negotiationg Panel na magpapalaya din ng mga political detainees ang GPH bago ang pag-uusap?

JMS: Syempre, umaasa ang NDFP negotiating panel at buong NDFP na mapalaya ang mga NDFP consultant alinsunod sa JASIG at iba pang political prisoner alinsunod sa CARHRIHL. Hinihiling ito ng mga religious at human rights organization at ng sambayanang Pilipino. Dumating at umalis na ang Papa, wala namang pinalaya na mga political prisoners. Maraming disappointed. Dapat palayain ang mga NDFP consultants at malaking bilang ng mga political prisoners bago magresume ng peace negotiations.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Mendiola massacre

Panayam ng Kodao kay Prop. Jose Maria Sison
January 20, 2014

TANONG: Ano po ang inyong mensahe sa patuloy na paggunita ng mga magsasaka at iba pang sektor sa Mendiola masaker ng dekada 80? May kabuluhan pa ba ito sa panahon ngayon?

JMS: Makabuluhan ang patuloy na paggunita ng mga mga magsasaka at iba pang sektor ng sambayanang Pilipino sa Mendiola masaker ng 1987. Ang masaker sa Mendiola at sa Hacienda Luisita ay mga karumal-dumal na krimen ng mga asenderong nasa kapangyarihan. Dapat itulak ang tunay na reporma sa lupa bilang daan sa pagkakamit ng hustisya sosyal, demokrasya at pag-unlad ng ekonomiya kaakibat ng pambansang industriyalisasyon. Dapat walang humpay ang kilusang magbubukid at sambayanang Pilipino sa pagdemanda ng tunay na reporma sa lupa.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Pope Francis

Kodao Podcast
“Itanong mo kay prof” with Prof. Jose Maria Sison
December 19, 2014

Libro ni Prof. Jose Maria Sison, inilunsad

Inilunsad kaninang tanghali ang libro ni Prof. Jose Maria Sison na Detention and Defiance Against Dictatorship sa Isabelo Delos Reyes Auditorium, Solair, University of the Philippines sa Diliman. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Anakbayan, Bagong Alyansang Makabayan at Aklat ng Bayan na dinaluhan ng maraming kabataan mula sa iba’t ibang pamantasan at komunidad. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kabataang Makabayan. Naging pangunahing tagapagsalita si Luis Jalandoni, Tagapangulo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Negotiating Panel.

Quezon City, Philippines
December 15, 2014