Panayan ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison hinggil sa pangalawang pahayag sa publiko ni Presidente Noynoy Aquino tungkol sa Mamasapano tragedy.
Pebrero 6, 2015
2.Ibinahagi ni Noynoy ang mga kabutihan diumanong ginawa ni
Purisima sa kanilang pagsasama simulan pa noong siya ay congressman pa
lamang at parang sinasabi niya na masakit din na tanggapin ang resignation
nito sa tungkulin. Ano po ang opinyon ninyo sa bagay na ito?
JMS: Impertinente ang mga ganitong salita ni Aquino. Kahit magkasintahan pa sila ni Purisima hindi pertinente ito sa ginawa nilang krimen na pagpapahamak sa mga kawal ng SAF.
3.Binanggit din ni Aquino na estado na ang makakalaban ng sinumang
hahadlang sa ipagpapatuloy na operasyon ng paghahanap at pag-aresto kay
Usman kahit ito pa ay nasa lugar ng mga BIFF a MILF. Ano po kaya ang
implikasyon ng ganitong pahayag sa buong mamamayan?
JMS: Hindi ba sa ngalan ng estado ang paggamit at pagpapahamak ni Aquino sa mga pwersa ng SAF sa Mamasapano? Dati bang akala niya na naglaro lamang siya ng video game nang pinapasok niya ang SAF sa Mamasapano nang walang pahintulot at koordinasyon sa MILF. Sinagasaan niya ang BIFF at MILF at ipinahamak niya ang mga namatay na SAF.