Posts

ITANONG MO KAY PROF: Unilateral Ceasefire at Usapang Pangkapayapaan

Itanong Mo Kay Prof
Hinggil sa unilateral ceasefire at usapang pangkapayapaan
August 3, 2016

Opening Spiel ni Prof. Sarah: Mainit na pagbati sa mga tagapakinig ng Itanong Mo Kay Prof. Muli nating makakapanayam ang Chief Consultant ng NDFP para sa Usapang Pangkapayapaan at tagapangulo ng International League of People’s Struggles.

Naging malakas ang ugong ng tunggalian sa pagitan ng mga personaheng nanawagan ng Peace Talks o Usapang Pangkapayapaan. Kamakailan ay nagkaroon ng palitan sa pagkokomento sina Presidente Duterte at Professor Jose Maria Sison, isa sa mga susing konsultant ng National Democratic Front of the Philippines at founding chairpersong ng Partido Komunista ng Pilipinas. Dumulo naman sa pagpapapahayag ng pagnanais ang bawat panig ng pagsusulong ng Usapang Kapayapaan.

Pero marami tayong dapat maintindihan tungkol sa Peace Process. Ano nga ba yung unilateral ceasefire? Kailan ito idinedeklara at pwede pala itong bawiin? Mayroon bang bilateral ceasefire? Kung gayon ay paano ba natin ito ilulugar at uunawain?

Ngayong batid na natin na hindi magiging madali ang Peace Talks at may mga aspeto ito na hindi kaagad nauunawaan ng mga bagong umaantabay sa usapin, makakasama nating muli si Professor Jose Maria Sison para sa mga tanong na nangangailangan ng agarang paglilinaw. Maalab na pagbati sa inyo Professor Sison at mabuhay ang inyong walang pagod na gawain para sa makatarungang kapayapaan!

Pagbati ni JMS: Maalab na makabayang pagbati sa inyo Prof. Sarah Raymundo at sa lahat ng ating tagapakinig. Salamat muli sa pagkakataon na makipanayam ko kayo tungkol sa usapin ng ceasefire at sa usapang pangkapayapaan.

Mga Tanong:

1. Prof Sison, ipaliwanag po muna natin sa ating mga tagapakinig ano ang ibig sabihin ng unilateral ceasefire? Ano naman po ang bilateral ceasefire?

JMS: Ang ibig sabihin ng unilateral ceasefire ay isahang-panig na pagtigil-putok batay sa kautusan ng isang panig sa kanyang sariling armadong pwersa. Pwedeng sabayan ito o sundan ng kabilang panig ng gayunding utos sa kanya ring sariling armadong pwersa. Nangyayari ang magkatugong ceasefire kapag may nauna nang kasunduang maaaring nakasulat o di nakasulat. Sa Oslo Joint Statement ng Hunyo 15, may kasunduan na pag-usapan sa resumption of formal talks ang mode of ceasefire kaugnay ng release ng lahat ng political prisoner sa pamamagitan ng amnesty proclamation. Pero nagmadaling mag-unilateral ceasefire ang panig ng gubyernong Duterte.

Sa unilateral ceasefire order ni President Duterte sa SONA noong Hulyo 25, isang sentence lang ang ginamit niya para mag-anunsyo ng order sa kanyang armadong pwersa. Sa sumunod na araw Hulyo 26, nag-issue ang AFP ng operating guidelines na tinawag na Suspension of Military Operations o SOMO. Sa Hulyo 27 naman, nag-issue ang PNP ng Suspension of Police
Operations o SOPO. Pinakamabuti sana kung nagpalitan muna ng kopya ng unilateral ceasefire order ang GRP at NDFP para naitakda ang common date of effectivity ng mga ito.

Maliwanag na may bilateral ceasefire kapag pinagkasunduan ito sa isang dokumento na pinagkaisahan at pinirmahan ng magkabilang panig at siyang magiging batayan ng pagtigil- putok ng magkabilang panig. Ang magkahiwalay o unilateral ceasefire ay mas madaling sulatin ng bawat panig at pwede ring preparasyon o batayan ang mga unilateral ceasefire declaration para gumawa ng bilateral ceasefire agreement na nakalahad sa iisang dokumento na pinagkasunduan ng magkabilang panig. Sa nakatakdang formal talks sa Oslo nang Agosto 20 hanggang 27, pwedeng magpalitan ng unilateral ceasefire orders sa umpisa at pagkatapos sikapin na batay sa mga ito gumawa ng iisang bilateral ceasefire agreement.

2. Anuman ang anyo ng ceasefire, papayag ba ang NDFP na makipag-ceasefire sa gobyernong Duterte kahit wala ang ipinangako niyang pagpapalaya ng political prisoners sa pamamagitan ng amnesty at walang pag-urong ng mga pwersa ng AFP at PNP mula sa inukupa ng mga ito na mga komunidad , mga iskwela, klinika at barangay hall? Paano naman din po yong sabu ng PNP na ipagpapatuloy ang mga legal offensive?

JMS: Ang NDFP hindi papayag sa anumang ceasefire kung hindi maunahan o masabayan ng pagpapalaya sa lahat ng political prisoner sa pamamagitan ng marangal na amnestiya. Hindi makatarungan ang pagkulong sa kanila. Labag sa CARHRIHL at Hernandez political offense doctrine ang pagkulong sa kanila. Gawa-gawa ng militar ang mga paratang na common crimes sa mga rebel suspect.

Kung wala man lang na pag-urong ng mga pwersa ng AFP at PNP mula sa inukupa ng mga ito na mga komunidad , mga iskwela, klinika at barangay hall, sasabihin ng masa na pinapatay ang rebolusyon nang wala silang pakinabang bilang mga biktima ng panunupil, pang-aapi at pagsasamantala. Hindi mangyayari ang ceasefire kung yong tinagurian ng PNP na legal offensive ay patuloy at magfabricate ng mga charges of common crimes para lamang ibilanggo ang mga social activist at rebel suspect.

3. Bakit napakahalaga ang usapin ng ceasefire sa anumang panig sa gera sibil ? Anong pakinabang ng gubyerno? Ano naman sa NDFP? Ano ang pakinabang para sa NPA? Paano naman nagkakasundo na mag-ceasefire ang dalawaqng panig?

JMS : Laging mas interesado ang reakyonaryong gubyerno sa ceasefire dahil nais palitawin na ang dahilan ng kahirapan ay ang pakikibaka ng masang anakpawis at hindi ang mga dayuhang monopolyo kapitalista, mga malaking komprador at asendero. Gustong sisihin ng reaksyonaryong gobyerno ang mga rebolusyonaryo at masa mismo at takpan ang pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismo at mga mapagsamalantalang uri.

At kung tigil putok na ang NPA hindi na siya makakalaban para sa mga karapatan at interes ng mga inaapi at pinagsasamantalahan, hindi na makakapagparami ng armas sa pamamagitan ng mga taktikal na opensiba at pwede pang magkaroon ng tendensiya ang mga mandirigma na hindi na maging mapagmatyag at nais ng magsibilyan dahil wala nang labanan.

Ang NDFP ay hindi basta bastang pumapasok sa ceasefire agreement kung walang mabuting dahilan at kabutihan para sa masa at mga rebolusyonaryo, tulad ng pagpapalaya sa lahat ng bihag, pagpapahusay ng kalagayan para sa peace negotiations at paghahanda ng kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan para harapin ang iba pang kaaway o lutasin ang problemang dapat lutasin para sa kabutihan ng bayan. Pumayag ang NDFP sa ceasefire dahil sa ipinangako ni Duterte na palalayain ang lahat ng political prisoner.

Ang gubyerno laging nagmamaneobra na magceasefire para itulak ang kilusang rebolusyonaryo sa capitulasyon o lumikha ng mga hidwaan sa hanay ng mga rebolusyonaryo. Lumang taktika ng kaaway na mangako ng pagpapalaya sa mga bihag at hindi tutuparin ang pangako para magsisihan at maghidwaan ang mga rebolusyonaryo kung magka-ceasefire kahit na hindi tinupad ng gubyerno ang mga pangako.

4. Ano ang inyong pagtingin sa mga nagiging reaksyon at desisyon ni Pangulong Duterte sa usapin ng ceasefire? Ito po ay partikular sa deklarasyon niya ng unilateral ceasefire noong SONA, July 25, at ang pagbawi naman niya nito noong Sabado, July 30, alas syete ng gabi?

JMS : Nang gumawa ng anunsyo tungkol sa ceasefire ang presidente sa kanyang SONA noong Hulyo 25, sinabi niyang ito ́y effective immediately. Pero wala pang teksto ang kanyang ceasefire order. Noon pa lang na Hulyo 26 at 27 ito nagkalaman sa anyo ng SOMO ng AFP at SOPO ng PNP.

Noong araw mismo ng SONA nagpahayag kami ni Ka Louie Jalandoni ng pagwelcome sa announcement ni Duterte. Sumulat agad si Ka Louie kay Bebot Belo bilang katapat niyang chief negotiator ng Duterte government para hingin ang kopya ng ceasefire order at sabihin na sa Agosto 20 pa pwedeng opisyal na magpalitan ng opisyal na kopya ng ceasefire order para sikapin na gumawa ng bilateral ceasefire agreement.

Nang manghimasok ang Army at CAFGU sa Kapalong nong Hulyo 27 , tinambangan sila ng NPA yunit doon. Agad sinabi ni Duterte na lumabag ang NPA sa kanyang ceasefire order at kailangang magpaliwanag ang CPP at NPA within 24 hours, samantalang ang mga pwersa ng kanyang gobyerno ang siyang lumabag sa kanyang ceasefire order. Walang bisa ang kanyang ceasefire order sa NPA dahil ang ceasefire ni Duterte ay order lamang sa sarili niyang mga pwersa–ang AFP at PNP at dapat kabilang ang CAFGU na hindi binanggit–na siyang dapat niyang hiningan ng paliwanag o inimbistiga bago magsalita tungkol sa violation.

Hindi saklaw ng ceasefire order ni Duterte ang mga pwersa ng NPA at wala itong paglabag sa anumang ceasefire dahil wala pa namang order ang CPP.

5. Ano po ang naging pakiramdam ng Communist Party of the Philippines (CPP) ng binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte ang inyong Partido na magpaliwanag hinggil sa naganap na engkwentro ng AFP at NPA sa Davao del Norte noong July 27? Marami po kasing nagulat sa kanyang naging pahayag at tila may pagbabanta na maaapektuhan ang usapang pangkapayapaan.

JMS : Makikita natin ang pakiramdam ng CPP sa pagpapalagay nitong unreasonable at presumptuous si Duterte na magbigay ng ultimatum at banta sa mga pwersang rebolusyonaryo tungkol sa insidente sa Kapalong. Hindi marapat na umasta syang amo ng mga rebolusyonaryong pwersa. Sa katotohanan ang kanyang Army at CAFGU ang lumabag o sumuway sa kanyang unilateral ceasefire order.

Nang may ulat na ang NPA tungkol sa panghihimasok ng Army at CAFGU sa Kapalong, naglabas si Duterte ng isa pang ultimatum sa NDFP na mag-issue ng unilateral ceasefire order bago alas singko ng hapon ng Sabado, Hulyo 30. Sa hapon ng Hulyo 30 nag-abiso sa publiko ang CPP Media Bureau na magpapahayag ang CPP ng kanyang sariling unilateral ceasefire order alas otso ng gabi. Pero alas siyete pa lamang, binawi na ni Duterte ang kanyang unilateral ceasefire.

6. Isang oras lang po ang pagitan ng pagbawi ni Pangulong Duterte sa ceasefire at ang tangkang maglabas din ng pahayag mula sa CPP na magkaroon din ng sariling ceasefire ang armadong kilusan, bakit daw po hindi kaagad ito inilabas ng maaga ng CPP?

JMS : Nakapanghihinayang nga na hindi nakapagpasensya si Duterte. Ano ba naman ang isang oras pang paghihintay kaugnay ng isang napakaselang bagay kaugnay ng paglutas sa sandatahang labanan?

Nabimbin ang sariling ceasefire order ng CPP dahil hindi naibigay ng mas maagap ng panig ni Duterte ang kanilang SOMO at SOPO at dahil kinakailangan ang panahon para talakayin ang mga ito at isulat ang katumbas na ceasefire order ng CPP.

7. Sa inyo pong pagtingin Prof. Sison, maaapektuhan po ba talaga ang usapang pangkapayapaan ng mga nagaganap ngayon sa pagitan ng gubyernong Duterte at CPP/NPA/NDF? Kamusta po ang lagay ng inyong rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan? Hindi po ba kayo nagkakagulo sa ganitong klaseng pihit ng mga pangyayari?

JMS : Bagamat nagkaroon ng palitan ng maainit na salita, sinasabi naman ng dalawang panig na itutuloy pa rin ang pormal na pag-usap sa Oslo sa Agosto 20 hangang 27 at sinisikap nila na magkaroon ng palitan ng unilateral ceasefire order. Sa tingin ko, matutuloy ang formal talks sa Oslo bastat ma-release ang 22 NDFP consultants na di makatarungang ibinibilanggo at ang karamihan o lahat ng 87 political prisoners na may sakit, matatanda, sobra nang tagal sa preso at mga babae. Tiyak na magkakaroon ng ceasefire kung palayain ang lahat ng political prisoners sa pamamagitan ng amnesty.

Maayos ang mga pwersang rebolusyonaryo sa kanayunan. Naka-active defense mode ang NPA habang naghihintay ng unilateral ceasefire order mula sa Komite Sentral ng CPP.

8. Kung hindi pa mairelease ang 22 NDFP consultants at 87 humanitarian cases ng political prisoners bago Agosto 20, ano ang mangyayari ? Matutuloy pa ba ang formal talks nitong Agosto?

JMS : Kung kulang na kulang sa bilang ng binanggit mong political prisoners ang marelease bago Agosto 10, magpapaabot na ang NDFP negotiating panel sa GRP negotiating panel na kailangan nila ng karagdagang panahon para magtuon sa pagrelease ng mga kawawang political prisoners bago magformal talks sa Oslo. Kawawa sila dahil sa parang nasa roller coaster sila. Umaasa silang mapapalaya, pagkatapos hindi pala.

9. Ngayong wala na pong ceasefire, ano na po ang mangyayari sa hanay ng rebolusyonaryong kilusan?

JMS : Batay sa sariling mga pahayag, maayos, masigla at sumusulong ang kilusang rebolusyonaryo. Masigasig na umaandar ang Partido, ang mga organisasyong masa, ang mga yunit ng hukbo at mga organo ng kapangyariyang pampulitika sa mga lokalidad. Mas problematiko ang katayuan ng NPA kung may ceasefire. Para manatili ang pagkakaisa at disiplina ng mga mandirigma, gawin silang okupado sa politico-military training, gawaing masa, produksyon, cultural work, pagsugpo sa droga at iba pang krimen, pagpapahigpit ng mga ugnay sa masa at iba pang gawain.

10. Ano ang inyong mensahe sa mga kasapi ng CPP/NPA/NDF? Ano naman po ang mensahe ninyo sa mamamayang Pilipino?

JMS: Mensahe ko sa mga kasama sa CPP, NPA at NDFP na magpakatatag tayong lahat sa linya ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Ito ang linya ng digmang bayan. Ito rin ang linya sa peace negotiations. Hanggang ngayon, sinisikap nating himukin na maging mayor na alyado si Presidente Duterte sa pagsusulong ng pakikibaka para sa pambansa at panlipunang kalayaan ng sambayanang Pilipino.

Ang mensahe ko sa sambayanang Pilipino: Nasa inyong mga kamay ang pagsulong at tagumpay ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Nakasalalay sa inyo ang pagpapalakas, pagsulong at tagumpay ng mga pwersang rebolusyonaryo.

Extro ni Prof Sarah: Maraming salamat Professor Sison! Ito po si Sarah Raymundo, aktibista ng Congress of Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND) at guro ng Unibersidad ng Pilipinas.

Isa na naman pong malaman at matalas na pakikipagtalastasan ang hatid ng ating mga tanong kay Prof. Sison. Lagi nating tandaan, ang usapang kapayapaan ay usaping pang-sambayanan. Ang usapang kapayapaan ay tungkol sa makasaysyan at pinakamatatayog na pangarap at adhikain ng sambayanang Pilipino para sa pabansang paglaya, demokrasya, at panlipunang hustisya. Karapatan nating makibaka para sa pambansang paglaya at demokrasya na ang layon ay makatarungang kapayapaan. Tungkulin natin ang magtagumpay.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on peace talks under Duterte

PODCAST: Usapang Pangkapayapaan

Intro ni Prof. Sara: Magandang araw sa lahat ng tagapakinig ng ating programang Itanong Mo Kay Prof! Muli nating makakapanayam ang founding chairperson ng Communist Party of the Philippines, Chief Consultant ng National Democratic Front of the Philippines para sa Usapang Pangkapayapaan, walang iba kung hindi si Propesor Jose Maria Sison.

Opening Spiel ni Prof. Sarah: Malugod na sinasalubong ng mga makakaliwang puwersa sa lipunang Pilipino ang mga progresibong pahayag  ni Mayor Rodrigo Duterte mula nang lumitaw na siya ang binoto ng milyung-milyong Pilipino sa isang eleksyong napakataas ng bilang ng mga mamamayang lumahok sa proseso at bumoto ng kanilang mga kandidato. Bukas sa Kaliwa si President-elect Duterte, napakalayo sa disposisyon ng papalitan niyang si President Noynoy Aquino na popular na halal din ng mamamayan, pero sagad ang pagkareaksyunaryo at anti-mamamayan.

 Maituturing na matatapang na hakbang ang ginagawa ni Duterte upang abutin ang Kaliwa, isang puwersa sa lipunang Pilipino na may malawak at malalim na kaugnayan sa pangaraw-araw na buhay ng masang Pilipino, lalo na ng masang anakpawis.

 Nariyang magdesisyon si Duterte na isalalay sa CPP ang pagrerekomenda ng dalawang mahalagang pusisyon sa gabinete, ang DAR at ang DSWD. Dalawang kilala at beteranong aktbista ng Pambansa Demokratikong Kilusan ang gagampan dito, si Cong. Ka Paeng Mariano ng Anakpawis Partylist, kilala ring mass lider ng KMP. At si Propesor Judy Taguiwalo ng UP at Alliance of Concerned Teachers, aktibista ng Martial Law, nag-underground upang magorganisa ng masang titindig laban sa diktaturyang Marcos, naging bilanggong pulitikal. Hindi nalalayo sa tono ng Kaliwa, di lang minsang naipahayag at naipakita ni Duterte ang kanyang kawalan ng interes sa pagpapakatuta sa dayuhang imperyalista, ang US.

 Ngunit higit sa lahat, nagdeklara si Duterte na magkakaroon ng Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng administrasyon at ng CPP-NPA-NDF. Para sa CPP-NPA-NDF at mga laksa-laksang mamamayan, ito ang tinatayang pinakamahalagang ebidensya ng sinseridad ni Duterte upang patunayan ang kagustuhan niyang magpatupad ng mga pagbabago. “Change is coming” ang sabi pa nga ng kanyang campaign slogan.

Pagusapan natin ang Usapang Pangkapayapaan kasama si Prop. Jose Maria Sison. Maalab na pagbati, Prof. Jose Maria Sison!

JMS: Maalab na makabayang pagbati sa lahat ng ating kababayan! Napapanahon po at angkop ang paksa ng panayam na ito tungkol sa usapang pangkapayapaan. Matagumpay na naisagawa namin ang preliminary talks sa Oslo noong Hunyo 14 at 15 para ihanda ang resumption ng formal talks sa ikatlong linggo ng Hulyo.

Prof. Sarah: 1. Prof. Sison, bago po tayo magpalawig sa isyu ng usapang pangkapayapaan, maaari po bang maipaliwanag muna natin sa ating mga tagapakinig ano ang ibig sabihin ng peace talks o usapang pangkapayapaan?

JMS: Ibig sabihin po ng usapang pangkapayapaan ay negosasyon sa pagitan ng Government of the Philippines (GPH) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para gumawa ng mga kasunduan  na naglulutas sa mga problemang naging dahilan ng gera sibil sa pagitan ng dalawang panig. Batay sa mga kasunduan, matitigil ang sandatahang labanan at magkakaroon ng makatarungan at matibay na kapayapaan sa ating bayan.

Prof. Sarah: 2. Bakit po ito ginagawa ng Gubyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines? Ano po ba ang mga pinag-uusapan ng dalawang panig at bakit ito sinusubaybayan ng ating mga kababayan?

JMS: Ginagawa ng Gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines ang usapang pangkapayapaan dahil sa tulak ng sambayanang Pilipino at dahil sa matinong pag-iisip na mas mabuting  harapin  ang mga problemang dahilan ng gera sibil, magkaroon ng kapayapaan at magkaisa sa pagsasakatuparan ng mga pundamental na reporma sa lipunan, ekonomya at pulitika.

Sinusubaybayan ng lahat ng ating kababayan ang usapang pangkapayaan dahil sa tumitinding krisis at hirap ng buhay at nais nilang magkaroon ng makabuluhang  pagbabago sa pamamagitan ng mga reporma. Nais nilang mapalaya sa garapal na pang-aapi at pagsasamantala. Nais nilang marespeto ang mga pambansa at demokratikong karapatan at interes nila. Nais nilang magkaroon ng pag-unlad ng ekonomya sa pamamagitan ng pambansang industrialisasyon at tunay na reporma sa lupa at iba pang reporma.

 Prof. Sarah: 3. Ano naman ang ibig sabihin ng preliminary talks, kagaya ng naganap sa Oslo, Norway nitong June 14 at 15 na dinaluhan ng mga bagong ng GPH peace negotiators na sina Jesus Dureza,Silvestre Bello III at Hernani Braganza para makipag-usap sa NDFP?

JMS:  Preliminary talks ang tawag sa aming pag-uusap sa Oslo dahil kailangang linawin at ihanda muna ang  adyenda ng formal talks na muling isasagawa sa panahon ng papasok na administrasyon ni Presidente Duterte. Nabimbin ang usapang pangkapayapaan sa mahabang panahon dahil sa pagsabotahe nina Aquino at OPAPP secretary Deles. Mauumpisahan muli ang  formal talks kapag mag-umpisa na ang panunungkulan ng bagong administrasyon.

Prof. Sarah: 4. Maaari po ba ninyong maibahagi sa amin ano ang makabuluhang inabot ng preliminary talks sa pagitan ng GPH at NDFP noong June 14 at 15?

JMS: Mababasa sa Joint Statement ang bunga ng preliminary talks. Itinakda nito ang adyenda ng formal talks sa Hulyo. Kasama sa adyenda ang apirmasyon ng mga dating kasunduan magmula sa The Hague Joint Declaration, ang balak na pabilisin ang usapang pangkapayapaan, ang pagpapalaya sa mga political prisoner sa pamamagitan ng general amnesty at ang interim ceasefire o pansamantalang pagtigil ng putukan.

Itinakda rin sa Joint Statement na palayain agad ang mga nakabilanggong consultant ng NDFP para makasama sila sa formal talks alinsunod sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Isasabay na rin ang pagpapalaya ng mga political prisoner na may sakit, matatanda at mga babae.

Prof. Sarah: 5. Sa kabila po ng sinseridad na ipinapakita ni Presidente Duterte sa usapin ng pakikipagkaisa sa mga “left” at ang pag-uumpisa ng peace talks, meron pa ring mga naninira at bumabatikos na hindi umano magtatagumpay ang usapang pangkapayapaan. Ano po ang inyong opinyon hinggil dito, Prof. Sison?

JMS: Mas malaki ang posibilidad ngayon na umabante ang usapang pangkapayapaan hanggang sa matagumpay na kongklusyon dahil sa may mas mataas na antas ng political will o determinasyon ni Duterte kaysa sa mga nakaraang presidente na gawin ang dapat gawin para sumulong ang usapan at pagkakasundo. Malaki ang pag-unawa niya sa makaturangang layunin ng rebolusyon dahil naging estudyante ko siya at naging miembro ng Kabataang Makabayan.

Naging opisyal ng  Nationalist Alliance for Justice, Freedom and Democracy noong 1986 at ng Partido ng Bayan noong 1987. Tatlong dekada ang haba ng magiting at maparaang kooperasyon niya sa kilusang  rebolusyonaryo sa Davao City.  Tinanggap niyang maging NDFP resource person noong 2012 hanggang sinabihan ng DILG na magwithdraw siya.May kabutihang loob siya. Siya ang nagboluntaryo na palayain ang lahat ng political prisoner sa pamamagitan ng general amnesty. Gayundin inalok niya ang apat na cabinet post sa NDFP.

Prof. Sarah: 6. Magkakaroon po ba ng tigil-putukan o ceasefire sa pagitan ng AFP/PNP at NPA sa panahon ng formal peace talks? Paano po ito pinagkakaisahan ng dalawang panig – GPH at NDFP at gaano ito katagal? Magsisiuwian ba ang mga armadong pwersa ng CPP/NDFP at ano ang kanilang gagawin sa panahon ng tigil-putukan?

JMS: Magkakaroon ng tigil putukan o ceasefire sa pagitan ng AFP/PNP at NPA sa panahon ng formal peace talks. May panimulang pag-uusap na tungkol sa modo o anyo ng ceasefire: mutual interim ceasefire agreement ba o independent but simultaneous ceasefire declarations bilang panimulang hakbang. Pag-uusapan pa ito nang masinsinan sa formal talks sa Hulyo.

Hindi magsisiuwian ang mga Pulang kumander at mandirigma ng NPA.  Para hindi sila mayamot habang may ceasefire: patuloy ang gawaing masa, politico-military training, produksyon, health program, cultural work, pagbabantay sa environment at likas yaman ng ating bayan, pagsugpo sa kriminalidad (laluna ang ilegal na droga at pagnanakaw) at pagpigil sa pang-aapi at pagsasamantala. Nananatili ang karapatan sa self-defense.  Ang matitigil ay mga sinadyang military campaigns and operations laban sa kabilang panig.

Prof. Sarah: 7. Sa tingin po ba ninyo Prof. Sison mababawasan na ang human rights violations ngayong mauupo na sa Malakanyang si Presidente Duterte? Ano po ang relasyon nito sa usapang pangkapayapaan?

JMS: Malaki ang mabawas na human rights violations kung wala nang military campaigns at operations na inilulunsad ng AFP, PNP at mga auxiliary forces laban sa NPA at sa masang anakpawis at mga katutubong komunidad. Sa gayon, mapapahusay ang atmosphere para sa usapang pagkapayapaan. Tungkol naman sa anti-criminality campaign ni President Duterte, may nagsasabing magbubunga ito ng maraming human rights violations.

Sa political campaign style ni Duterte, mahilig siya sa hyperbole tulad ng patabain niya ang mga isda sa Manila Bay para takutin ang mga kriminal at makuha niya ang sentimyento ng masa ng electorate. Pero tandaan na abogado at matalino siya. Alam niyang bilang Presidente na nakapokus sa kanya ang national at international attention. Aayaw yan sa peligro na masisiraan siya sa maraming paratang ng human rights violations.

 Sa takbo ng usapang pangkapayapaan at sa pag-unlad ng ceasefire at cooperation, nasa lugar ang NDFP na paalalahanan ang gobyernong Duterte na itaguyod at irespeto ang mga karapatang tao. Pagdating ng yugto na pagbubuo ng pambansang konseho at gobyerno ng pambansang pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad lalaki ang papel ng mga demokratikong pwersa sa loob at labas ng gobyerno.

Prof. Sarah: 8. Hinggil po sa planong pag-uwi ninyo sa Pilipinas Prof Sison, magkakaroon po ba ng problema o epekto sa usapang pangkapayapaan kung hindi kayo matutuloy na makabisita sa ating bayan? Ano na po ang iyong pananaw hinggil sa mga nang-uupat sa inyo na ginagamit nyo lang daw si Presidente Duterte para sa inyong kapakinabangan?

JMS: Kausap ko pa ang mga kasama at mga abogado kung ano ang mga legal precautions, security measures, kailan at gaano katagal ako makakadalaw sa Pilipinas. Mientras na hindi pa ako dadalaw sa Pilipinas, walang negatibong epekto sa usapang pangkapayapaan dahil sa ito naman ay gagawin sa Oslo at kung kinakailangan sa iba pang neutral venue abroad alinsunod sa existing agreement.

Mas mapanganib sa usapang pangkapayapaan kung ako ay uuwi at may masamang mangyari sa akin. May mga peace spoilers  na nag-aabang sa pagkakataong gumawa ng karahasan para mang-intriga at manggulo. Para maiwasan ito, puede pa ring magkita kami ni President Duterte sa Europe kapag magstate visit siya sa Norway, Netherlands at Vatican.

Parehas kami ni President Duterte na may pananaw na sikapin nating magkakaroon ng malaking pagbabago para sa kabutihan ng sambayanang Pilipino. Sabi niya sa akin na muhing-muhi siya sa mga oligarko at dayuhang mapanghimasok at nais niyang magrebolusyon sa loob ng gobyerno. Sabi niyang siya ay Kaliwa at sosyalista.  Nasa kanya ang tungkuling patunayan  sa gawa ang kanyang salita. Magkakatulungan tayo habang ginagawa niya ang anumang mabuti para sa bayan.

 Prof. Sarah: 9. Ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayang nananalig sa kabutihang idudulot ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP?

JMS: Ibayong itaguyod ang usapang pangkapayapaan at  tiyakin na magkasundo sa mga reporma na dapat gawin laban sa mga imperyalista at malalaking komprador at asendero. Isulong ang mga pambansa at demokratikong karapatan at interes. Dapat magkaroon ng ganap na pambansang kasarinlan, demokrasya, pag-unlad sa ekonomya sa pamamagitan ng pambansang industrialisasyon at tunay na reporma sa lupa, hustisya sosyal, pinalawak na libreng edukasyong publiko at makabayan at progresibong kultura.

Sa unang pagkakataon sa buong kasaysayan ng Pilipinas, may presidente na nagsasabi sa bansa  na siya ay Kaliwa at sosyalista at nag-aalok ng apat na cabinet post sa Kaliwa. Nauna pa rito, sinabi niyang handa siyang magbuo ng coalition government na kasama ang mga komunista. Sikapin nating magkaroon ng isang pamahalaan ng pambansang pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad.

 Sagpangin ng sambayanang Pilipino at mga pwersang makabayan at progresibo ang mga pagkakataon na bunga ng  krisis ng naghaharing sistema, paglakas ng rebolusyonaryong kilusan at paglitaw ng presidenteng katulad ni Duterte. Nakakaintindi si President Duterte sa mga makabayan at progresibong simulain dahil dating kabilang siya sa Kabataang Makabayan, Nationalist Alliance, Partido ng Bayan at Bayan.

Maraming salamat po. Mabuhay kayo!

Extro ni Prof. Sarah: Maraming salamat sa ating mga tagapakinig, nawa ay nalinawan tayong lahat sa mga usaping may  kaugnayan sa kapayapaan at ibayong kumilos at magpakilos upang tiyakin ang tagumpay nito.

Tandaan natin, nanantiling instrumento ng mga naghaharing uri sa lipunan ang estado. Hangad ng mga komunista, ng mga pulang mandirigma ng New People’s Army, ng mga rebolusyonaryong organisasyon na binubuo ng mga magsasaka, manggagwa, estudyante, guro, taong-simbahan, migrante, kababaihan, kawani ng gobyerno, artista sa gawawing kultural sa ilalim ng NDF na durugin ang estadong nagsisilbi sa iilan, agawin ito, at magtayo ng isang gobyernong mangangasiwa para sa interes ng nakararami, isang lipunang malaya na tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at hindi ang nakagisnan nating nambubusabos sa sambayanan. Ang ganitong porma ng demokrasya, ang ganitong uri ng gobyerno ay hindi nakasalalay kay Presidente Duterte kundi sa ibayong pagsisikhay ng mga rebolusyonaryo, mga organisadong mamamayan na patuloy na mag-aral , mag-organisa, konsolidahin ang makapangyarihang puwersa ng pagbabago–ang lakas ng sambayanang Pilipino–hanggang sa tagumpay. Paydayon!

Ito po si Sarah Raymundo, guro sa Unibersidad ng Pilipinas, aktibista ng CONTEND at Alliance of Concerned Teachers. Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

June 19, 2016

Prof. Jose Maria Sison on Martial Law and the Plaza Miranda Bombing

Prof. Jose Maria Sison, Chairperson of International League of Peoples’ Struggle with Ilena Saturay on Martial Law and Plaza Miranda bombing.
March 28, 2016

Joma book launch in Tarlac

The most recent book of Prof. Jose Ma. Sison, “Crisis Generates Resistance,” is warmly received by the common folk of Central Luzon as it was launched in Tarlac City on January 29, 2016. It was also a tribute to the late Jose V. Yap, Sr. as a “father of peace talks”. Gracing the event are Rep. Silvestre “Bebot” Bello III, Rep. Susan Yap and Gov. Victor Yap. Some review highlights from Makabayan Pres. Satur Ocampo, Tarlac State University Prof. Lino Dizon, and Joseph Canlas of the Peasant Alliance of Central Luzon. Workers participated in a video conference with Prof. Sison. Music by Sining Silangan, Sotana and Musikang Bayan.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on APEC 2015 (Part 3/3)

ITANONG MO KAY PROF
TUNGKOL SA APEC
October 22, 2015

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND UP Dilimam.

Mga tanong para kay Prop. Jose Maria Sison:
(Part 3/3)

7. Ano ang naghihintay sa kabataang Pilipino kung magtatagumpay ang programang ito ng APEC sa pamamagitan ng K to 12?

JMS: Sa pagsunod sa neoliberal na patakaran sa paaralan, babawasan ng gobyerno nang malaki ang gugulin sa edukasyong publiko at itutulak ang pribatisasyon sa edukasyon. Tumitindi ang operasyon ng mga pamantasang estado, mga kolehiyo at ibang mga paaralang publiko, at maging ng mga pribadong paaralang umano’y “non-profit,” para gawing napagkakakitaang mga negosyo, na kadalasa’y sa pakikipagtuwang sa malaking negosyo. Nauuwi ito sa pilipit na mga prayoridad na akademiko, mas matataas na tuition, paglabag sa mga karapatang guro at mag-aaral, at pasahol na kawalan ng panlipunang katarungan.

Para dagdagan ang sariling kakayahan sa kompetisyon at ganansya, nagtutuon ang mga kolehiyo at unibersidad sa mga programang mas maganansya at tinatapyas iyong itinuturing na nga kurso o paksang marhinal o kaya’y hindi kritikal (tulad ng sa humanities). Ikinukomersyo ang mga lupain nila, gusali, resulta ng mga pananaliksik at ibang mga rekursong kaalaman. Isinisiksik ang mas maraming kurso sa isang taon at bumabaling sa trimester para mas mabilis ang pagpapagradweyt. Sinasagad nila ang mga mag-aaral at guro sa pagtataas ng tuition at padadagdag ng pasaning trabaho, sa pamamagitan ng mas istriktong mga rekisito sa mga ipinagkakaloob (grant) at ipinauutang (loan), at sa paglimita ng sahod at benepisyo ng mga guro at ng mga hindi-nagtuturong kawani.

8. Ano ang panawagan ng International League of People’s Struggles sa mamamayang Pilipino kaugnay ng APEC meeting sa Pilipinas sa Nobyembre?

JMS: Ang International League of Peoples’ Struggle ay nananawagan sa mamamayan ng lahat ng bansa laluna sa rehiyong Asya-Pasipiko na ilantad at labanan ang mga opensibang neoliberal sa pangunguna ng US na lingid na nakaabang sa loob at paligid ng APEC. Partikular tayong nananawagan sa mamamayang Pilipino na mag-organisa at kumilos sa mga pulong pag-aaral at aksyong protesta para tumulong sa lubusang paglalantad ng mga susing pulong ng APEC sa Manila at ibang mga lungsod sa Pilipinas, at pati ng maaasahang kalalabasan ng mga ito. Sadyang isinabay ng ILPS ang Fifth International Assembly sa APEC 2015 para labanan ito sa balangkas ng temang, “Para sa makatarungang lipunan sa daigdig, palakasin ang pagkakaisa ng mamamayan at patindihin ang pakikibaka laban sa imperyalistang pandarambong, krisis at digma”.

Sadyang nananawagan tayo sa kabataang Pilipino na ipagpatuloy na ilantad at labanan ang iba’t ibang pakanang “repormang” neoliberal sa edukasyon, at ipaglaban ang sistema ng edukasyon na tunay na makabayan, syentipíko at makamasa kaugnay ng pambansang industriyalisasyon, tunay na repormang agraryo, at pamamahalang batay sa mga karapatang demokratiko. Kabilang sa mga atas ng kilusang kabataan-estudyante sa Pilipinas ang magsilbing kilusang propaganda para sa pambansang kasarinlan at demokrasya, malalim na makisalamuha sa hanay ng masang manggagawa at magsasaka, at abutin ang mga kababayan nila na nag-aaral at nagtatrabaho sa ibayong dagat, at magpahayag din ng pakikiisa sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ugnayan sa mga katapat nila sa anti-imperyalistang pandaigdigang kilusang kabataan.###

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on APEC 2015 (Part 2/3)

ITANONG MO KAY PROF
TUNGKOL SA APEC
October 22, 2015

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND UP Dilimam.

Mga tanong para kay Prop. Jose Maria Sison:

1. Ano po ba ang ibig sabihin at layunin ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC?

JMS: Ayon sa mga pahayag ng APEC mismo, ito ay nagtataguyod ng kooperasyong ekonomiko sa hanay ng mga bayan ng malawak na rehiyong Asya-Pasipiko. Binubuo ito ng 21 myembrong-estado na sumasaklaw sa tatlong bilyong mamamayan o 60 porsyento ng daigdigang ekonomya. Sinasabi na napakalaking kolektibong potensyal para sa kaunlarang sosyo-ekonomiko at entre-estadong kooperasyon.

Gayunman, ipinapakita ng rekord ng APEC mula sa pagkatatag nito noong 1989 na pangunahing isinusulong nito ang oryentasyong malaking negosyo, adyendang neoliberal, at mga mayor na direksyong pampatakaran ay ang pagpapasulong pangunahin sa dominanteng mga interes ng mga imperyalistang bayan sa pangunguna ng Estados Unidos at Hapon. Kasang-ayon sa pasimunong-US na Bretton Woods Agreement at Washington Consensus, agresibong itinulak ng APEC sa higit sa kalahati ng mundo ang mga susing sangkap ng globalisasyong neoliberal–liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, deregulasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon.

2. Sa inyo pong pagtingin bakit pumayag ang Pilipinas maging host ng APEC 2015?

JMS: Umiikot sa mga miembrong-estado ng APEC ang pagiging punong abala sa taunang summit ng APEC. Gusto rin ng rehimeng Aquino ang ganitong papel para sa propaganda nitong Pilipinas na raw ang may pinakamalaki ang tantos ng paglaki ng ekonomiya sa Asya-Pasipiko. Bunga naman ito ng hot money o portfolio investments na pumapasok sa pinansyal na palengke ng sapi at bono at hindi nagbubunga ng mga planta at pagtaas ng produksyon. Umaabot ito sa 65 porsyento ng kabuaang daloy ng salapi sa Pilipinas sa mga taong 2011 hanggang 2014.

3. Mula sa voluntary at non-binding framework noong itinatag ito noong 1989, ano na po ang itinakbo ng APEC at lumalabas na tunay na katangian nito matapos ang tatlumpu’t anim na taon?

JMS: Mula noong 1989, nagsilbi na ang APEC bilang plataporma upang ikoordina ang mga interes ng mga bayang imperyalista, buuin ang consensus (kapag hindi lubusang malutas ang mga alitan) sa hanay nila lalo na sa malayang kalakalan, pamumuhunan at pinansya, at akitin pang lalo ang mga bayang ‘di maunlad sa bitag ng neoliberalismo. Bilang isang orihinal na kasapi, parating ginagamit ng US, ang kanyang impluwensya para apihin at itulak ang ibang mga bayang kasapi tungo sa pangangayupapa at sa gayo’y mapanatili ang pangkalahatang dominansya.

Paimbabaw na nagbubuo raw ang APEC ng consensus na kunwa’y boluntaryo at walang obligasyon sa hanay ng mga kinatawan ng mga gobyerno sa pamamagitan ng mga taunang pulong. Gayunman lingid na kumikilos ang APEC Business Advisory Council at CEO Summit bilang daluyan ng makapangyarihang lobby ng malalaking korporasyon.

4. Ano po ang dapat na maunawaan ng mamamayan sa tema ng APEC 2015 na “Building Inclusive Economies, Building a Better World”?

JMS: Ang tema ng APEC ngayong taon, “Pagbubuo ng Mapanaklaw na mga Ekonomya, Pagbubuo ng Mas Mabuting Daigdig ay umuulit lamang sa mapanlinlang na mantrang lampas-2008 na Adyenda sa Reporma ng Mapanaklaw na Paglaki ng World Bank, na ginaya din ng Asian Development Bank.

Gayunman, sa likod ng mga islogang tulad ng “pagdemokratisa ng bunga ng paglaki ng ekonomya”. “pagtataguyod ng paglahok ng SME sa mga pamilihang global,” “ pamumuhunan sa tao” at “pagbubuo ng matitibay na mga komunidad” ang nasa tuktok ng mga bagay sa agenda ng APEC 2015 sa integrasyon ng ekonomya ng rehiyon ay patuloy pa ring umiikot sa balangkas na neoliberal o pinabilis na panghuhuthot at pagsasamantala ng mga monopolyong kapitalista at pampinansya sa mga mamamayan at bayan sa rehiyon.

5. Paano nagiging arena ng interes ng Estados Unidos sa isang banda at Tsina naman sa kabilang banda ang negosasyong nagaganap sa APEC?

JMS: May kompetisyon ang Trans Pacific Partnership (TPP) ng US at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ng ASEAN at 6 na bansang kabilang ang Tsina para mapili ng APEC bilang pangunahing padron ng Free Trade Agreement in the Asia Pacific (FTAAP). Nauna na ang paglagda sa TPP na hindi kasali angTsina. Posibleng pagtibayin ng APEC ang pinaghalong FTAAP na bahagi’y TPP at bahagi’y RCEP, at sa gayo’y magiging balangkas sa kooperasyon at kompetisyong US-Tsina sa dakong ito ng mundo.

Mahalagang arena ang APEC kapwa ng patuloy na sabwatan at ng patinding alitan ng dalawang kapangyarihang imperyalista, ang US at ang Tsina, sa kapinsalaan ng mas mahihina at mas maliliit na bayan. Patuloy na tinatamasa ng blokeng pinangungunahan ng US (kabilang ang Hapon, Canada at Australia) ang pamamayagpag sa buong mundo. Nilagdaan na ang TPPA at patuloy na isinasagawa ng US ang estratehikong pagbaling sa East Asia.

Sa kabilang banda, pinalalakas ng Tsina ang sariling posisyon sa pagsisimento ng mas malapit na ugnayan sa pulitika at ekonomya ng Russia, India at ibang mga estado sa South at Central Asia sa loob ng lumalawak na Shanghai Cooperation Organization, at sa global na saklaw sa pamamagitan ng bagong lunsad na BRICS Development Bank. Nagpasimuno rin angTsina sa pagtatayo ng Asian Infrasructure Investment Bank (AIIB) kaugnay ng pagsasagawa ng New Silk Road at Belt.

6. Ano ang kaugnayan ng islogang “Investing in Human Capital Development” sa programang K to 12 ng gubyernong Benigno Aquino?

JMS:Sa ilalim ng islogang “Namumuhunan sa Pagpapaunlad ng Kapital na Tao (Investing in Human Capital Development),” itinutulak ng APEC ang mga sistema ng higit na integradong sistemang edukasyonal at skills-training na nagdidiin sa agham at teknolohiya, pag-enroll sa iba’t ibang bansa, sa papel ng ICT o information and communications technology, at “pinahusay na kooperasyon ng mga tagapagbigay ng edukasyon at mga tagapag-empleyo.

Sa ilalim din ng islogang “Building Sustainable and Resilient Communities,” ginagamit ng APEC ang umano’y mga adhikaing “pleksibilidad, sustenebilidad at seguridad sa pagkain” para bigyang-katwiran ang mas mahigpit na integrasyon at pag-uugnay ng mga ekonomyang Asia-Pacific. Itinutulak nito ang higit na paghihigpit sa ugnayan ng global na produksyon at suplay na kontrolado ng mga TNC, ang konektibidad ng imprastuktura na itinutulak ng mga korporasyon, at ibang mga pakanang kooperasyon sa rehiyon. Ginagamit ang seguridad sa pagkain at pag-angkop sa klima upang bigyang-katwiran ang korporadong kontrol sa mga rekursong dagat at kostal sa pamamagitan ng tinaguriang mga inisyatibang “Green Economy” at “Blue Economy”.

Sa ilalim pa ng islogang “Nagtataguyod ng Paglahok ng SME sa mga Pamilihan ng Rehiyon at Daigdig,” nilalayon ng APEC na higit na mabitag ang mga SME sa umano’y panrehiyong integrasyon ng ekonomya at FTAAP na mga pakanang imperyalista, gawing sweatshop ang pinakamatagumpay na mga empresa na pagluluwas ang oryentasyon pero dependyente sa mga angkat na bagay na kontrolado ng mga TNC (bilang mga sangkap ng umano’y global value chain, at isabotahe ang independyenteng pambansang industriyalisasyon).

(Photo by Pinoy Weekly)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on APEC 2015 (Part 1/3)

(Photo from Bulatlat.com)

ITANONG MO KAY PROF: Tungkol sa Eleksyong Presidensyal sa 2016 (PART 2/2)

TUNGKOL SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL SA 2016
Panayam kay Prof. Jose Maria Sison
ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP

PART 2/2
September 4, 2015

4. Ano ang mga paninindigang ikinasisiya ninyo o ng PKP at maaaring itaguyod sa plataporma ng isang partido o kandidato sa pagkapresidente?

JMS: Tanyag ang programa para sa demokratikong rebolusyon ng bayan ng PKP at mababasa ang paninindigan nito sa mga kasalukuyang isyu sa Ang Bayan. Kasiyasiya sa akin ang kandidato o partido na paborableng tumutugon sa mga sumusunod na kagustuhan ng sambayanan.

Una, Itaguyod ang pambansang soberaniya at teritoryal na integridad.

Ikalawa, Igalang ang mga karapatang-tao at pairaling lubos ang demokrasya.

Ikatlo, Muling igiit ang soberanya sa ekonomya at pangalagaan ang pambansang patrimonya.

Ikaapat, Isagawa ang pambansang industriyalisasyon bilang pangunahing sangkap sa pagpapaunlad ng ekonomya at bilang susi sa paglutas sa kawalang trabaho, karukhaan at kawalang pag-unlad.

Ikalima, Isakatuparan ang reporma sa lupa bilang demokratkong karapatan at katarungang panlipunan, at bilang paraan sa paglaya ng mga walang lupang magbubukid, pagpapadaloy ng kapital, pagsusulong sa pag-unlad ng kanayunan at paglikha at pagpapaunlad ng lokal na pamilihan.

Ikaanim, Pagbutihin ang mga kondisyon sa pasahod at pamumuhay ng mga manggagawa, pangalagaan at paunlarin ang lahat ng maaring hanapbuhay, at itaas ang pamantayan sa pamumuhay ng sambayanan

Ikapito, Palawakin ang mga serbisyong panlipunan, lalo na sa edukasyon, kalusugan at pabahay, at paunlarin ang mga pampublikong kagamitan tulad ng transport, tubig at elektrisidad.

Ikawalo, Itigil ang korupsyon at lahat ng anyo ng katiwalian at parusahan ang mga may kagagawan; itigil ang sistemang pork barrel at padaluyin ang mga pondo ng publiko sa binalak na pagpapaunlad ng ekonomya, pagtatayo ng mga imprastruktura at pagpapalawak ng mga serbisyong panlipunan.

Ikasiyam, Bawasan ang gastos militar at padaluyin ang natipid sa pagpapaunlad ng ekonomya at mga serbisyong panlipunan.

Ikasampu, Itaguyod ang makabayan, demokratiko, siyentipiko at progresibong sistema ng edukasyon at kultura.

Ikalabing-isa, Ipanindigan ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lahat ng larangan ng aktibidad na panlipunan at labanan ang diskriminasyon batay sa sari.

Ikalabing-dalawa, Tiyakin ang matalinong paggamit ng likas na yaman at pangangalaga sa kapaligiran.

Ikalabingtatlo, Igalang ang mga karapatan ng mga pambansang minorya sa sariling pagpapasya at pag-unlad.

Ikalabing-apat, Ipagpatuloy ng gobyernong Manila ang usapang pangkapayapaan sa NDFP at kumpletuhin ang sa MILF.

Ikalabing-lima, Sundin ang indepenyenteng patakarang panlabas at likhain ang pinakamahigpit na pakikipagtulungan sa lahat ng mga kalapit na bansa para sa layunin ng internasyunal na pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad.

5. Ano ang magagawa ng PKP o ninyo bilang tagapangulong tagpagtatag ng PKP para ipakita na nasisiyahan o hindi sa posisyon ng isang partido o kandidato sa pagkapresidente tungkol sa mga isyu?

JMS: Maari kong puriin sa publiko ang pagtaguyod o pagtanggap ng alinmang partido o kandidato sa alinman sa 15 kagustuhan ng sambayanan na aking binanggit. At maaari kong punahin ang pagtanggi sa alinman sa mga kagustuhang iyon. Maaari kong paghambingin sa isa´t isa ang mga partido at mga kandidato tungkol sa pagtanggap o pagtanggi ng mga kagustuhang ito. Hindi ako makakapagsalita para sa PKP sa panayam na ito, subalit masusundan ninyo ang mga palagay at paninindigan nito sa eleksyon kung pupuntahan ninyo ang website: www.philippinerevolution.net. ###

ITANONG MO KAY PROF: Tungkol sa Eleksyong Presidensyal sa 2016

PART I

TUNGKOL SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL SA 2016
Panayam kay Prof. Jose Maria Sison
ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP
September 4, 2015

1. Sa pangkalahatan, ano po ang palagay ninyo sa mga eleksyong itinatanghal ng kasalukuyang naghaharing sistema? Tinutulutan ba nito ang pagpapahayag ng kapasiyahang pampulitika ng mga mamamayan at nagbubunga ba ito ng paghalal ng mga opisyal na lulutas sa mga suliranin ng mga mamamayan? Maiiba ba ang 2016 na eleksyong presidensyal sa mga nakaraang halalan?

JMS: Ang mga eleksyong itinatanghal ng kasalukuyang naghaharing sistema ng malalaking komprador at panginoong maylupa na masunurin sa imperyalismong US ay hindi lubusang nagpapahayag ng kapasiyahan ng mga mamamayan at hindi rin nakakapaghalal ng mga opisyal na makakapaglutas sa mga saligang suliraning kaugnay ng paghaharing dayuhan, lokal na pyudalismo at burukrata kapitalismo

Dominado ang mga eleksyon ng mga pampulitikang personalidad at partido na kinatawan ng malalaking komprador at panginoong maylupa, at sa totoo nagpupwera sa mga makabayan at progresibong kinatawan ng mga manggagawa at magsasaka. Kabilang sa mga paraang pampwera ang pagmamatyag at iba pang pananakot ng pulis at militar; mga kampanya ng paninira sa mga pahayagan, iskwelahan at simbahan; kakulangan sa perang pangkampanya; at pagmanipula sa sistema sa pagboboto sa halalan, elektroniko man ito o hindi.

Tiyak na hindi maiiba ang darating na eleksyong presidensyal sa mga nakaraang halalan at maiiiba lamang ito sa ilang aspeto, gaya ng wala pang katulad sa laki ng pondong publiko sa pangangampanya at panunuhol sa mga lokal na opisyal; at antemanong pagprograma ng resulta ng eletronikong sistema para sa eleksyon. Kung gayon, maraming kinakabahan na si Mar Roxas ang mananalo bilang presidente sa pamamagitan ng pandaraya. Tanyag ang mapang-uyam na pagyayabang ni Aquino na ang tanging kailangan ay likhain ang ilusyon na umarangkada siya pataas sa poll survey at bahala na ang mga mekanismo sa pandaraya sa eleksyon.

2. Itinataguyod pa ba ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang patakarang ituring ang eleksyon bilang komedyang di-makatotohanan at hindi nag-eendorso ng alinman sa mga partido at kandidato? Gayunman, bakit nais ng ilangmga partido at kandidato na makuha ang pahiwatig o hayag na endorso ng PKP at ninyo bilang pangulong tagapagtatag ng PKP?

JMS: Ipinapakita ng lahat ng mga pahayag at publikasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas tungkol sa mga eleksyon na itinuturing ng rebolusyonaryong partidong ito ng uring manggagawa na komedyang di makatotohanan ang eleksyong itinatanghal ng mga reaksyonaryong uri para likhain ang ilusyon ng demokrasya at linlangin ang mamamayan.

Hindi lumalahok ang partido sa mga ganitong eleksyon at hindi rin nag-eendorso sa mga reaksyonaryong partido at kandidato at kahit na sa makabayan at progresibong maliliit na partido na puedeng tatakang komunista ng kanilang mga kalaban.

Ilang partido at kandidato ang aktibong nagnanais ng lantad o lihim na endorso ng PKP dahil sa malaking rebolusyonaryong baseng masa nito. Itinuturing nilang higit na malaki pa ang baseng ito kaysa mga botanteng kasapian ng Iglesia ni Kristo. Sa totoo, ang baseng masa ng PKP kung mahihikayat sa batayang nagkakaisang hanay, ay maaring maging mas malaki pang swing vote na pabor o kontra sa alinmang partido o kandidato.

Kung minsan, may mga partido at kandidato na nagnanais na kunin ang aking endorso o pagsuporta dahil sa aking makasaysayang panunungkulan bilang pangulong tagapagtatag ng PKP. Subalit ang PKP at mga namumunong organo nito ang siyang nagpapasiya tungkol sa mga eleksyon at sa paglalapat ng patakarang nagkakaisang hanay. Laging maingat at maayos kong sinasabi na hindi ako bilang indibidwal kundi ang PKP ang siyang nagpapasiya . Gayunman, bilang indibidwal, malaya akong nagpapahayag tungkol sa eleksyon nang hindi nagsasalita para sa PKP o alinmang ibang organisasyon.