Posts

Pahayag ng Migrante International kaugnay sa kaso ni Mary Jane Veloso

Nagbigay-pahayag si Joanna Concepcion, tagapangulo ng Migrante International kaugnay sa naging pinal na desisyon ng Korte Suprema na payagang makapagbigay testimonya si Mary Jane Veloso sa pamamagitan ng written deposition.

Tuluyang ibinasura ng Korte Suprema noong Agosto 15 ang apela ng mga rekruter ni Veloso na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao. Ito ay kaugnay sa kasong illegal recruitment, human trafficking at estafa.

Si Veloso ay kasalukuyang pa ring nakakulong sa Indonesia simula 2010 dahil sa kasong ilegal na droga.

Pagsasalaysay ni Mary Jane, nalalapit na

Muling dininig sa Regional Trial Court sa Baloc, Sto Domingo, Nueva Ecija ang dalawang kasong nakasampa sa dalawang illegal recruiter na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao para sa kasong Large Scale Illegal Recruitment na isinampa ng tatlong biktima na kapitbahay ng mga suspect, gayundin ang kasong isinampa naman ni Mary Jane Veloso na Illegal Recruitment, Human Trafficking at Estafa sa mga ito.

Sa darating na Enero 30, 2020 ay ang itinakdang promulgation o pagbaba ng hatol para sa kasong Large Scale Illegal Recruitment. Sa darating na Disyembre naman ang posibleng pagsasaayos ng pagtestigo ni Mary Jane para sa kaso na kanyang isinampa.

Hiling ng pamilya na huwag na sanang umapela pa ang mga defendant sa pagtestigo ni Mary Jane upang mapabilis na ang kaso. Panawagan na rin ng abogado sa gubyerno ng Indenesia na bigyan na ng amnestiya o pardon si Mary Jane upang makauwi na sa Pilipinas. (Bidyo ni Jek Alcaraz/Kodao)

Kaanak at tagasuporta, nanawagang payagang mag-testimonya si Mary Jane Veloso

Nagsagawa ng press conference ang mga kaanak, abugado at taga-suporta ni Mary Jane Veloso para magbigay ng update kaugnay sa deposition testimony niya sa Indonesia.

Kamakailan ay pinayagan ng Korte Suprema na magbigay ng deposition si Veloso mula sa kanyang piitan sa Indonesia. Ayon sa kanyang abugado, malaking bagay ang desisyon ng Korte Suprema para mapatunayang biktima ng human trafficiking si Veloso.

Nagpasalamat ang ama ni Mary Jane na si Cesar sa mga abugado at grupong patuloy na tumutulong sa kanyang anak. Hangad niya na makalaya na si Mary Jane at makapiling ang kanyang mga anak.

Nakatakda sa Oktubre 28 sa Cabanatuan RTC ang huling pagdinig ng prosekusyon laban sa mga illegal recruiter ni Veloso na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao.

Si Veloso ay nakakulong sa Indonesia nang mahigit siyam na taon sa kasong pagpuslit ng ilegal na droga at nahatulan ng death penalty. Subalit noong 2015 ay ipinatigil ng gobyerno ng Indonesia ang pagbitay sa kanya matapos mahuli sa Pilipinas ang mga recruiter ni Veloso. (Music: News Background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)

DUGUANG LANGIT

ni R.B.Abiva

 

Pagkatapos mananghalia’y

ipinakita ni Sumatra

kay Ayu Putri Wijianti

ang mukha ng hinaharap–

pagkatapos hubaran ng makapal

na usok na sinlaki

ng mga bundok

mula sa nasusunog na

kagubatan– ang mapanlinlang

na bughaw na kalangitan:

nakapangingilabot pala

ang nalalapit na

paniningil ng

mata ng Diyos

na si Kratos!

At maging ang diyus-diyosang

si Widodo

            ay tiyak mapupulbos!

Setyembre 24, 2019

Lungsod Quezon

Kratos- Anak ni Zeus; Diyos ng Digma.

Armed detainees engage in hostile takeover of Indonesian high security prison

A prison riot involving forty convicted terrorists is currently unfolding in Depok, a West Javan city adjacent to the Indonesian capital, Jakarta.

The riot began on Tuesday evening local time at Mobile Brigade Command Headquarters (Mako Brimob), a high security prison whose inmates include those convicted of terrorism.

According to official reports, a standoff occurred as a result of a simple misunderstanding over food between one inmate and a member of Densus 88, Indonesia’s counter-terrorism squad. The situation escalated quickly as the inmate incited others to action, took officers hostage, and managed to access the prison’s arms reserves.

Five Densus 88 officers were reported dead, while one was released after being taken hostage for more than 24 hours.

Detainees’ questionable motives

Through its propaganda outlet, the group ISIS claimed involvement in the incident. The Indonesian police have denied the group’s claim.

Most of the detainees belonged to JAD, a group designated terrorist by the US government.

Analyst Sydney Jones from the Institute for Policy Analysis of Conflicts (IPAC)was quoted as saying that pro-ISIS detainees have constantly caused trouble at the high security prison.

According to Indonesian terrorism analyst Al Chaidar, the riot wasn’t premeditated, but the motive could be vengeance against the authorities, who raided cells to conviscate smuggled mobile phones and copies of the Koran.

Hashtag solidarity on Twitter

On Twitter, Indonesians are using the hashtag #KamiBersamaPolri (We’re supporting the National Police) to send condolences to the relatives of the fallen officers and encourage the nation to stand firm against terrorism.

Image from Global Voices report.

(Juke Carolina/Global Voices)