Nagsagawa ng press conference ang mga kaanak, abugado at taga-suporta ni Mary Jane Veloso para magbigay ng update kaugnay sa deposition testimony niya sa Indonesia.
Kamakailan ay pinayagan ng Korte Suprema na magbigay ng deposition si Veloso mula sa kanyang piitan sa Indonesia. Ayon sa kanyang abugado, malaking bagay ang desisyon ng Korte Suprema para mapatunayang biktima ng human trafficiking si Veloso.
Nagpasalamat ang ama ni Mary Jane na si Cesar sa mga abugado at grupong patuloy na tumutulong sa kanyang anak. Hangad niya na makalaya na si Mary Jane at makapiling ang kanyang mga anak.
Nakatakda sa Oktubre 28 sa Cabanatuan RTC ang huling pagdinig ng prosekusyon laban sa mga illegal recruiter ni Veloso na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao.
Si Veloso ay nakakulong sa Indonesia nang mahigit siyam na taon sa kasong pagpuslit ng ilegal na droga at nahatulan ng death penalty. Subalit noong 2015 ay ipinatigil ng gobyerno ng Indonesia ang pagbitay sa kanya matapos mahuli sa Pilipinas ang mga recruiter ni Veloso. (Music: News Background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)