Posts

Pang-aagaw sa Gunita: Ilang tala hinggil sa 34th Escalante Massacre Commemoration

ni Rogene A. Gonzales

Salamat sa Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA), Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), at Defend Negros #StopTheKillings Network, nagkaroon ako ng pagkakataong makibahagi sa 34th Escalante Massacre Commemoration (EscaM) sa Negros Occidental noong Setyembre 18-21. Matinding militarisasyon ang kinakaharap ng isla matapos tinatayang labing-isang batalyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinakat doon ng Malacañang sa pinabangong kampanya na Executive Order 72 o “Whole of Nation Approach.” Bago ito, inilabas din ang mga direktibang Synchronized Enhanced Managing of Police Operations (SEMPO) 1 at SEMPO 2, at ang Memorandum Order (MO) 32 o Oplan Sauron na itinuturong dahilan sa pag-akyat ng bilang ng sibilyang pinaslang sa lugar sa katwirang “War on Drugs.”

Karamihan sa 87 na pinatay tokhang-style ng estado ay mga aktibista at miyembro ng mga progresibong grupo. Kabilang na sa mga naging biktima sina Benjamin Ramos, human rights lawyer na aktibong tumutulong sa mga land dispute case, at Bernardino “Toto” Patigas, city councilor ng Escalante at miyembro ng Bayan Muna at  North Negros Alliance of Human Rights Advocates (NNAHRA). Sunod-sunod ang masaker ng mga magbubukid sa Negros gaya ng Sagay 9 at Negros 14, pawang mga koordinadong death squads ang itinuturong salarin ng mga nakasaksi. Pinakamasaklap na sa mga balita ang pagkakapatay sa isang taong gulang na sanggol dahil sa indiscriminate firing ng mga pulis at militar noong July 25, 2019 sa bayan ng Sta. Catalina.

Bandang 3:30 p.m. ng Setyembre 18 sinalubong kami ng balita na tinamnan ng mga armas ang jeep ng Mobile Propaganda Team ng Teatro Obrero at NFSW na abala sa pag-iimbita sa mga bayan-bayan para sa 34th EscaM.

***

Tatlong oras ang inabot ng biyahe patungong Escalante mula Bacolod lulan ng ordinary bus. Ang pag-aakala kong saglit na bakasyon ay napalitan agad ng takot at pangamba pagkarating doon. Ilang minuto bago makatapak sa tutuluyang opisina ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) ay iligal na inaresto at ikinulong ang walong indibidwal na aktibo sa paghahanda para sa 34th EscaM. Sa pangunguna ng 79th Infantry Batallion ng Philippine Army at Philippine National Police, tinaniman ng gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives ang tinaguriang Escalante 8—apat dito ay kabataang miyembro ng Teatro Obrero na sina Kenneth Serondo, Carlo Apurado, Rolly Hernando, at Reynaldo Saura; tatlong miyembro ng NFSW na sina Leon Charita, Joel Guillero, at Benvenido Ducay; kasama si Aiza Orbesa ng KADAMAY-Negros.

Noong Setyembre 20, 1985 naganap ang Escalante Massacre na nag-ambag sa nalikhang pampublikong disgusto sa diktadura ni Ferdinand Marcos hanggang sa kanyang ganap na ouster noong Pebrero 1986. Ang tatlong araw na welgang bayan sa Northern Negros na nilahukan ng libo-libo laban sa Batas Militar at lumalalang pyudal na pagsasamantala sa isla ay sinagot ng estado ng pagpapaulan ng mga bala gamit ang grupong para-militar na kumitil sa 21 sibilyan, karamihan ay mga magbubukid, kabilang ang mga kabataang-magbubukid at kabataan-estudyante. Mula noon, ginugunita ng mga mamamayan ng Escalante ang anibersaryo ng malagim na trahedyang sumapit sa kanilang mga kababayan: taon-taon naglulunsad ng martsa at programa sa plaza na kinaroroonan ng isang rebulto ng tatlong nakakuyom na mga kamao at nagsisilbing palatandaan ng massacre site. Taon-taon ding itinatanghal ng Teatro Obrero ang reenactment ng masaker upang ipaalala ang tunay na diwa ng pagsingil ng hustisya at ang pagkakaugat ng dugo sa nagpapatuloy na laban para sa lupa.

Isang insulto kung gayon ang fabricated charges na isinampa ng AFP sa Escalante 8 na higit isang buwan nang nakakulong sa Escalante Police Station. Bago nangyari ang iligal na pag-aresto, napabalitang nagbahay-bahay ang mga sundalo at lantarang nire-red tag ang Teatro Obrero na supporter umano ng New People’s Army (NPA) at upang mag-imbita sa isasagawa nilang “Northern Negros Peace Summit” katuwang ang lokal na sangay ng Department of Education sa kaparehong petsa ng 34th EscaM: Setyembre 17–20. Sa loob ng kanilang programa ay inimbitahan ang mga batikang artista at musikero, ang ilan ay progresibo pa nga ang postura. Namataan din ang kilalang aktres na asawa ng kongresista sa Negros Occidental, nakikilahok sa aktibidad. Kinopya ng summit ang mga bahagi ng EscaM na naglalayong ipaalala ang karahasan at pananagutan ng estado gaya ng reenactment ng nangyari sa trahedya subalit nilalayon ng aktibidad ay pawang historical revisionism. Sa dulo ng summit ay nakatakda pang maglabas ng mga “Statement of Apology” mula sa Local Government Unit (LGU), AFP, PNP at “rebel returnee.” Ayon sa mga grupong nag-oorganisa ng tunay na EscaM, natatangi ang commemoration ngayong taon dahil sa kawalan ng suporta ng LGU, kasabay ang pagtindi ng klima ng pampulitikang panunupil dulot ng MO 32.

Ang Northern Negros Peace Summit ang ipinantapat ng LGU sa 34th EscaM, kapansin-pansin na ginawa itong piyestang pang-deodorize sa reputasyon ng AFP-PNP.

***

Matapos ang ibinigay naming workshop para sa pagsusulat at pagpipinta para sa mga kabataan, nakatanggap ang halos lahat ng nasa opisina ng text blast mula sa isang ‘di kilalang numero ngunit nakapangalan bilang “MalacaNang.” Mahaba ang mensahe na nagpapaliwanag hinggil sa kawalang-saysay umano ng pakikibaka ng mga magbubukid. Sinasabi nito na sa halip na manindigan para sa libreng pamamahagi ng lupa ay magbayad na lamang upang makuha nila ang Certificate of Land Ownership o CLOA. Ang pinaka-mapanganib sa mga detalyeng ipinapakalat: binabansagan ang Teatro Obrero bilang tumutulong sa mga NPA. “May pag-asa pa, kung gusto ninyo na magbago sa inyong buhay, mabibigyan kayo ng pagkakataon sa mga programa ng gobyerno. Itext lang ang number na ito…” pagtatapos ng mensahe. Pinayuhan kaming huwag nang lumabas ng opisina noong hapong iyon dahil namataan ang maraming sundalo na nakapuwesto sa mga kanto.

Sa press release ng 3rd Infantry Division at 303rd Infantry Brigade, 2,510 na mga dating rebelde ang sumuko umano sa peace summit. Pinabulaanan ito ng mga taong-simbahan sa pangunguna nina Carmelite priest Fr. Gilbert Billena at Religious Brothers Tagoy Jakosalem at Simon Peter Jardinico sa pagsasabing “distortion of historical truths” ang ginagawa ng mga pulis at militar sa Escalante. Anila, peke ang iprinesenta sa media na mga surrenderee, at ang katotohanan, sila ay mga “law-abiding citizens or hacienda workers; pressured to claim as NPA members or supporters. And for publicity purposes in favor of the government.” Ipinapanawagan din ng mga pari ang kagyat na pagre-resume ng peace talks upang mabunot ang ugat ng armadong tunggalian sa bansa, at matigil ang militarisasyong nagpapalikas sa mga rural na residente at pumapatay sa mga lider at miyembro ng people’s organizations.

Ramdam ang tensiyon sa opisina ng NFSW, lalo na sa mga nanay na sumusuporta sa pagtatanghal ng kanilang anak sa EscaM. Si Nanay Ester, ina ni Carlo Apurado na isa sa Escalante 8, ilang beses na ring nagpapabalik-balik para maki-update. Malungkot at tulala siya palagi dahil sa nangyari. “Hindi nila alam ang pakiramdam ng isang ina,” sabi niya minsan, habang nangingilid ang luha sa kanyang pisngi. Matinding bagabag ang nararanasan ng mga komunidad mula noong nagkaroon ng malawakang militarisasyon sa Negros. Tila lalong dumidilim ang gabi dahil sa mga nakaumang na baril.


Paghahasik ng malisya sa 34th EscaM ang pakay ng textblast mula sa isang “MalacaNang” hinggil sa layunin ng Teatro Obrero at ilang paglilinaw umano sa pakikibaka para sa lupa. Binanggit din ang “MKLRP” sa mensahe.

Dahil sa panganib na nilikha ng insidente ng pagtanim-armas, napagpasyahang iatras ang torch parade na ilulunsad dapat sa massacre site sa bisperas ng EscaM. Sa kabila nito, itinuloy ang cultural night sa harap ng opisina. Naging abala ang lahat sa paghahanda. Ang garahe ng tricycle ay nilatagan ng tarpaulin at mural na nagsilbing pansamantalang entablado. Ang mga kabataan ng Teatro Obrero at Teatro Bungkal ay nagsuot na ng kanilang costume at nag-praktis ng kanilang itatanghal. Ang iba naman ay nakatutok sa pagtatapos ng ipinipintang mural. May nakatoka na rin sa soundsystem at sa pagsabit ng mga streamers at flags. Sa kabila ng panganib at intimidasyon ng militar ay di nagpagapi sa takot ang lahat.

Naging marubdob ang pagtatanghal ng mga miyembro ng Teatro Obrero at Teatro Bungkal. Sa kanilang mga dulang-iglap sa saliw ng mga makabayang tugtugin, isinalaysay nila ang naranasang pang-aapi ng mga magbubukid ng Negros kabilang na ang iba pang masaker na naganap. Sayang lamang at di ito nasaksihan ng kalakhang mamamayan ng Escalante dahil sa panggigipit ng estado. Lumabas kami ng gate ng opisina at humanay, nagsindi ng mga kandila at naglunsad ng maikling martsa, inalayan ng awit at dasal ang mga naging biktima ng Escalante massacre at ang marami pang pinatay dahil sa pasistang paghahari ng rehimeng Duterte.

Di nagpatinag sa banta ng harassment mula sa pagdagsa ng mga militar sa Escalante, itinuloy ang cultural night sa pangunguna ng NFSW at Teatro Obrero.

Nakadalawang sigarilyo na ngunit di pa rin naaapula ang kaba ko sa maaaring kahinatnan ng araw. Di ako nakatulog nang maayos dahil sa pag-aalala sa sitwasyon. Bandang hatinggabi, naririnig ko ang tawag sa telepono para sa patuloy na paghahanap ng abogado para sa Escalante 8. Hatinggabi sila dinala sa Bacolod para sa preliminary inquest, nagtataka ako kung bakit tila walang office hours at agaran ang pagdinig kapag gawa-gawa ang kaso. Kinaumagahan, kailangang interbiyuhin ang Escalante 8 upang makatulong sa paggawa ng counter affidavit. May posibilidad na hindi na kami makabalik ng opisina kung sakaling mapag-tripan ng mga puwersa nga estado at sampahan din ng mga gawa-gawang kaso. Nagkaroon ng briefing sa dapat gawin pero di ako mapakali sa takot.

Pagdating sa police station ay sinalubong kami ng isang sundalong may bitbit na M-16. Pinasulat kami sa logbook ng isang pulis na nakaupo sa lobby. Nang banggitin namin ang pakay namin na mag-interview ay pinapunta kami sa isang kuwarto sa tabi ng detention cell. Dito, muling isinulat ang aming mga pangalan sa isang bond paper at hiningan ng ID. Pagkabigay namin nito, matapos kilatisin ay piniktyuran ng isang officer ang aming mga ID. Napansin ko sa isang sulok ang isang kabinet na may label na “INTEL.”

Umiiyak na inilahad ni Aiza Orbesa na inosente silang lahat. Ikinuwento niya ang pagharang ng dalawang nakamotor at naka-bonnet na kalalakihan na namuwersa sa kanila na bumaba ng sasakyan. Kausap pa umano ng mga di-kilalang kalalakihan ang mga pulis at militar na naroon. Noong una ay permit lamang ang kanilang hinahanap hinggil sa kanilang aktibidad kaya bumalik sa opisina si Aiza para kunin ito. Ngunit nang makuha niya ito at ipinakita sa mga nangharang sa kanila ay iba na ang naging takbo ng kuwento: tinaniman sila ng isang sako ng mga armas (isang 9mm at kalibre .38), at mga bote ng Tanduay na umano ay molotov cocktails. Nang makarating ang pahayag at litrato ng AFP sa ilang mainstream websites ay nadagdagan pa ang mga armas (kahit na wala man lang kaming nakitang reporter na tumungo sa lugar para i-verify ang impormasyon.) Ngunit ang tanging dala lamang ng Escalante 8 noon ay soundsystem, tubig, pagkain, at flag. At sa pagkakaalam nila, walang iligal sa pag-iimbita sa isang pagtitipon na 34 taon nang ginagawa sa Escalante.

Matapos marinig ang kanilang mga salaysay at bago lisanin ang police station ay sabay-sabay kaming sumigaw, isang tinig na umugong palabas ng karsel: “BILANGGONG PULITIKAL! PALAYAIN!”

Matapos ang interbyu sa Escalante 8, nalibot namin ang plaza na punumpuno ng mga tao. Karamihan ay mga estudyante, guro, at mga residente. Maraming mga sundalo ang may bitbit na baril. Marami ring mga pulis na nakapaligid at ang iba ay nakasandal sa kanilang riot shield. Parang magkakaroon ng giyera sa lugar ngunit di ko alam kung sino ang kanilang kaaway. Sumunod na dumating ang isang marching band ng mga unipormadong sundalo, at kasunod nito ay mga truck na may tarpaulin na nagsasaaad na maglulunsad sila ng medical at dental mission.

Tinitigan ko ang mga mukha ng mga nanonood sa plaza, di ko maipinta kung natutuwa ba sila sa nasasaksihan nila o alam nilang isa itong pekeng komemorasyon? Isang pagtitipon na deka-dekada nilang inilulunsad upang buhayin ang alaala ng mga kababayang martir pero ngayong taon ay inagaw sa kanila maging ang paggunita?

Nakapormasyon at nagroronda ang maraming sundalo sa plaza ng Escalante City. Marami sa kanila ang may bitbit ng mga matataas na kalibre ng armas.

Sa misang bayan na inilunsad sa Our Lady of Mt. Carmel, naging symbolic offering sa patuloy na paghahangad ng hustisya ang sulo, tubo, sagwan, at mga uhay ng palay. Bandang komunyon ay tinugtog ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

Matapos mananghalian ay humanay na ang lahat upang ilunsad ang martsa-protesta patungong palengke at nagsisilbing sentro ng lungsod. Sunod-sunod ang mga panawagang isinisigaw:

“Hustisya para sa Escalante Massacre!”

“Gutom na, pinapatay pa!”

“Bigas, hindi armas!”

“Ang tao, ang bayan, ngayon ang lumalaban! Natutong lumaban dahil sa kahirapan!”

“Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!”

Ang Teatro Obrero at Teatro Bungkal, di alintana ang nagbabagang init ng araw sa harap ng Escalante public market.

Dapithapon na nang magpaalam kami para bumiyahe sa Bacolod para sa aming flight kinabukasan, umalis na mabigat ang loob dahil di tiyak kung ano ang maaaring mangyari dahil sa patuloy na militarisasyon ng isla. Sumakay kami ng ordinary bus at nang makalayo sa sentro ay natanaw ko ang lawak ng mga hacienda sa Escalante, maging sa mga kasunod na siyudad at bayan.

Habang palubog ang araw at ang mga sinag nito’y nakalatag sa buong lupain, dumaan ang isang truck na puno ng tubo, nakalimutan ko na kung pang-ilang truck ng tubo iyon na nakita ko sa buong araw. Matamis man ang iniluluwas nilang produkto, mapait ang kalagayan ng mga mamamayan dito. Naalala ko ang Escalante 8 at ang maliit na bilangguan na naglilimita sa kanilang pagkilos. Ilang paglubog at pagsikat ng araw ba ang titiisin bago sila makalaya sa isang krimeng itinanim lamang dahil ang ipinaglalaban nila ay lupa at hustisya? # 

‘Stop the killings!’

“Hinding-hindi malulutas ng militarisasyon at pagpaslang sa mamamayan ang sigalot ngayon na nangyayari sa kanayunan. Stop the killings! Defend Negros! Resume peace talks!”—Prof. Judy Taguiwalo, University of the Philippines-Diliman

Drug ‘bagman’ and ‘whistleblower’ Ricky Serenio shot dead in Bacolod ambush

by Visayas Today

Ricky Serenio, the self-confessed drug syndicate bagman who blew the whistle on persons, including policemen and politicians, he claimed were on the take from the illegal trade, was ambushed and killed in Bacolod City Saturday afternoon, August 31.

Two wounded suspects were arrested soon after following a brief chase by police.

Serenio, who was on his way home to Pulupandan town south of Bacolod, had just turned onto the highway after picking up a friend in a subdivision when he was attacked by the motorcycle-riding killers.

He was rushed to the nearby Bacolod South Hospital but was declared dead on arrival from at least five gunshot wounds.

A passing police patrol chased the gunmen, resulting in a multi-vehicular accident. The suspects then tried to flee on foot.

They were identified as Joemar Dumip-ig, 30, of Barangay 14 in Bacolod, and Allan Bustamante, also 30, of Barangay Mabuhay 2 in Toboso town. Both had gunshot wounds in the leg and were taken to the Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital for treatment.

Serenio gained notoriety when, shortly after his arrest in Talisay City in January 2017, he admitted being the “bagman” of the Berya drug syndicate, which operates in Western Visayas, and then started naming law enforcers, judges, politicians and even media practitioners he claimed received protection money from his gang.

Soon after, in April of the same year, Serenio’s brother Wilmar was gunned down. The next month, his father Wilfredo was also shot dead outside their home in Barangay Singcang-Airport.

Before Serenio was killed, a younger brother said he visited their home and had lunch there. #

Armed men ‘abduct,’ grill Himamaylan villagers – rights group

By Visayas Today

Armed men believed to be military personnel barged into a home in an upland village of Himamaylan City early Friday morning, August 30, allegedly handcuffing and blindfolding occupants, including high school students, and forcing them into a vehicle as they searched for purported communist rebels, a human rights group said.

The September 21 Movement Southern Negros said the gunmen forced their way into the home of farmer Delia dela Rosa Pacheco, 64, in Sitio Maliko-liko, Barangay Carabalan around 3 a.m.

They then rounded up Pacheco, her niece Aiza dela Rosa, 24, and two other relatives, one a Grade 11 student, the other in Grade 10, and a guest, Teresita Camanso, 46, a daycare worker from Sitio Lanap, Barangay Buenavista who was staying for the night after attending a seminar at the Himamaylan city hall.

The statement quoted Pacheco as saying they were all ordered to lie on the floor as the gunmen cuffed and blindfolded them. They were later taken to the vehicle.

Camanso told the human rights group that the gunmen asked her if she knew “Loida” and “Toti,” who they said were members of the New People’s Army who were supposedly staying in the house.

She was also grilled about the formation of an indigenous peoples’ organization in her village. 

The other occupants of the house were also interrogated. 

The September 21 Movement condemned the incident and urged vigilance against what it called the “creeping militarism and dictatorship in Negros.” #

Pamamaslang sa Negros, ipinanawagang itigil

Libo-libong mamamayan ang nagmartsa patungong Liwasang Bonifacio noong Martes, Agosto 20, upang kondenahin ang walang habas na pamamamaslang sa isla ng Negros mula noong inilabas ng gubyernong Rodrigo Duterte ang Memorandum No. 32 na anila’y may sala sa mga kamatayan.

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapadala ng mas maraming sundalo sa Negros, gayundin ang pagsugpo sa New People’s Army sa isla. Subalit, ang mga magsasaka, bata, abogado, lingkod bayan, kababaihan, at iba pang mahihirap ang anila’y biktima ng militarisasyon.

‘One death is too many’

Artwork by Jose Mari Callueng

“One death is too many. In the case of Negros Island, since President Duterte took an oath to “…do justice to every man and consecrate myself (himself) to the service of the nation,” at least 87 lives have been taken. Half of these were killed when Duterte ordered the deployment of more military troops there by virtue of the Memorandum Order No. 32.

“This is the image of Negros Island now. Once an island known as the “Sugarbowl of the Philippines,” has become a killing field. It is bloodied. And the killing won’t stop very soon. What with the threats from the President to deploy even more troops there.

“It won’t stop unless we stop the murderer in Malacañang.”—Jose Mari Callueng, human rights defender

Itanong Mo Kay Prof: Walang Tigil na Pamamaslang sa Negros

Panayam kay Prof. Jose Maria Sison, Chair Emeritus ng International League of People’s Struggle, ni Prof. Sarah Raymundo hinggil sa extra-judicial killings sa isla ng Negros. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 87 ang napatay sa isla simula ng maupo sa Malacanang si Pangulong Duterte.


NUJP-Bacolod chairperson tailed by ‘suspicious rider’

National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)—Bacolod Chapter chairperson Marchel Espina reported being tailed by a “suspicious motorcycle rider” while on assignment in Negros Oriental Sunday afternoon, August 4.

While returning from Canlaon City, Espina’s driver told her that they were being followed by a motorcycle rider, “who was of medium build and wore a bonnet concealing his face, a black jacket and pants and with a backpack.”

Espina was pursuing stories about the killings of civilians in Negros Island believed to be the result of the government’s intensified counter-insurgency drive.

Espina reports for Rappler.

Espina said the rider had tailed them for almost 18 kilometers, from Biak Na Bato to Taburda in La Castellana town.

She quoted her driver as saying he blocked an attempt by the rider to overtake their rental car and drove as fast as he could until they eventually lost the tail.

Motorcycle-riding gunmen have been reported as the perpetrators of many killings in the entire island in the past weeks.

At least 21 civilians were killed in Negros Oriental in the past two weeks, many by motorcycle riders. # (Raymund B. Villanueva)

Hindi Malayo ang Negros

By Luchie Maranan

Akala mo lang 
Wala kang kinalaman,
Wala kang pakialam
Sa islang naglalamay
Sa mga pinaslang.

Ang mapulang tilamsik at daloy 
Ay umaabot sa iyong kinaroroonan
Dahil maniwala ka’t hindi,
“Ang sakit ng kalingkingan
Ay dama ng buong katawan.”

Ang dilim ay malawak na inilalatag
Hanggang ang iyong 
Sariling liwanag ay di na mabanaag.
Nasa hangin ang pulbura ng salarin
Pagtutol ay pupulbusin.

Akala mo lang
Naumid na ang iyong paligid,
Ngunit dinig hanggang sa iyong isip
Ang hiyaw ng dumaraming
Tinutugis at inuusig.

Akala mo lang 
Wala kang kinalaman,
Wala kang pakialam
Ngunit ang Negros ay larawan
Ng iyong sariling bayan.

Hulyo 31, 2019

Bishop: ‘Peace talks, not martial law’

By Visayas Today

San Carlos Bishop Gerardo Alminaza on Thursday, August 1, called for the rejection of martial law and renewed his call for the resumption of peace talks between the government and communist rebels.

A Catholic priest said placing Negros under martial law on account of the recent wave of violence that has claimed at least 20 lives in Negros Oriental will only worsen the situation.

Human righta groups also rejected the notion outright, predicting it would only lead to more human rights abuses.

President Rodrigo Duterte has warned he might invoke emergency powers, including martial law, to quell the violence he and security officials blame on communist rebels.

Upping the bounty to P5 million, “dead or laive,” for rebels who killed four police intelligence officers in Ayungon town on July 18, he also threatened to “replicate the atrocious acts” he attributed to the New People’s Army.

Reacting to Duterte’s threat, Alminaza pointed out that “martial law is neither the answer to the centuries-old agrarian problem nor to the decades of armed rebellion.”

He pointed to the Marcos dictatorship, which began when the country was placed under martilal law in 1972, saying this “did not lead to genuine peace; instead, it worsened the insurgency problem.”

“Even now, the heavens cry for justice as innocent people get killed in crossfires and mere suspects are summarily killed,” the bishop said. “Even now, without any formal declaration of martial law, government commandos and armed partisans are sowing fear and disregarding due process and the rule of law. Even now, human and civil rights are being trampled upon, leaving more and more widows and orphans in our midst.”

At the same time, he told the warring parties that “genuine peace can never be achieved through military adventurism and tit-for-tat conflict” but by addressing the “roots of social injustice.”

Fr. Chris Gonzales, Social Action head of the Bacolod diocese, said talk of martial law by Malacañang “saddens us.”

Should Duterte make good on this threat, Gonzales predicted “more oppression of the marginalized and those working for social justice.”

“We still believe poverty alleviation is the answer to our social woes,” Gonzales said. “Our people have suffered enough. We do not see how martial law can be the solution.”

Responding to the bloodshed. the four bishops of Negros have ordered church bells rung at 8 p.m. everyday “until the killings stop.”

“The church will continue to pray for peace, not the peace born of fear but born of freedom,” Gonzales said.

At the same time, he reminded the military and police, who many quarters suspect of being reaponsible for many of the killings, “your mandate is to protect the citizenry.”

In the House of Representatives, the Makabayan bloc and a group of 26 lawmakers, including most of Negros’, have separately sought inquiries into the killings.

The lawmakers noted that most of the vcitims – who counted local government officials, educators, a lawyer, among others – had been accused of being rebel supporters.

Cristina Palabay, secretary general of the human rights group Karapatan, warned that “threats by Duterte and his minions to declare martial law in Negros will significantly impact on the human rights situation in the island.”

Citing Mindanao, which has been under martial law since 2017, when fighting broke out in Marawi City, Palabay predicted “extrajudicial killings, arbitrary arrests and detention, torture, forced surrender, forcible evacuation and other rights violations that will wantonly be committed by State forces once martial law is declared in Negros.”

“We call on Negrenses and the Filipino people to oppose this spiralling descent to fullblown dictatorship in the country,” she said.

On the other hand, the Defend Negros coalition, demanded “peace and justice” instead of martial law.

“A militarist solution such as the declaration of martial law, and more tyrannical actions, would never be the solution to the alarming situation in Negros,” Defend Negros said.

“Justice and peace are what we seek for in this time of despair and darkness,” the coalition said. “While we mourn over the rising number of brutal deaths in Negros, we also rage against state policies that has sanctioned these attacks — Executive Order No. 70 and Memorandum Order No. 32, approved by President Duterte, also the concurrent Commander-in-Chief of the Armed Forces of the Philippines.”

Instead of threatening martial law, Defend Negros said government “must address the plight of landless farmers” and “work to give concrete solutions to the growing economic hardship and social injustice endured by Negrenses.” #