Mga inaresto sa Bacolod, lalo pang pinahirapan matapos dakpin

Isinalaysay ni Jefer Alipo-on, 23 anyos, ang kanilang naging karanasan nang sila ay inaresto noong Oktubre 31 sa ginawang raid ng mga pulis sa opisina ng Bayan Muna sa Bacolod City. Isiniwalat ni Alipo-on sa bidyo na ito ang karagdagang tortyur sa kanila ng mga pulis matapos silang dakpin.

Matapos ang halos isang linggo, isa si Jefer sa nakalayang 11 miyembro ng Teatro Obrero, kasama ang 21 na mga manggagawa ng Ceres Bus Line noong Nobyembre 6. Subalit mayroon pang siyam na nakakulong at sinampahan ng anila’y gawa-gawang kaso na iligal na pag-iingat ng baril at granada. (Music: Tangerine Dream Valley of Sun Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)