Singil

(Alay kay Zara Alvarez)

Ni George Tumaob Calaor

Basa pa sa dugo

ni Ka Randall

ang iyong

mga kamay

labi niyay kamakailan lang hinimlay.

ngunit hayan!

Si Ka Zara naman

ang iyong pinaslang!

Oo nga’t muling magluluksa’t

hihibik ang Inang Bayan

at sa luhang

kanyang ipapatak

sa bawat buhay

na marahas mong

ibinaon sa hukay

ng pagkaganid mo’t

pagkagahaman

sa kapangyarihan

buntis na magluluwal

ang kanilang mga burol

sa daang libong mga kawal…

hustisya ay buong giting kakamitin!

At mula sa trono ng diktadurya mong

nanlilimahid sa dahas ng pagkapasista

paghahari mo ay mabubuwal!

Laya ng Bayan ay lubos nang itatanghal!