Posts

‘Palayain si Dr. Naty Casto’ — Health Action for Human Rights

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang Health Action for Human Rights (HAHR) para kay Dr. Maria Natividad ‘Naty’ Castro, secretary-general ng Karapatan sa Caraga Region na iligal na inaresto noong Pebrero 18, 2022 sa kanilang tahanan sa San Juan City.

Panawagan nila na palayain at ibasura ang kasong isinampa kay Dr. Castro. Bukod sa pagiging tagapagtanggol ng karapatang pantao, si Dr. Castro din ay isang physician at community doctor sa mga barrio ng Lumad sa Caraga.

Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao

‘We are stuck doon pa lang sa identification’

“Tama naman po yung sinasabi ng DOH, yung general goal ng IATF — ‘Identify, Isolate, Treat’. Kaya lang po, doon palang sa first step na ‘Identify’, nagkakaproblema na tayo — sino yung i-na-identify natin, paano natin sila i-a-identify, [at] ano ang gagamitin para i-identify. Sa kalagayang ito, we are stuck doon pa lang sa identification.”

Dr. Geneve Rivera – Reyes
Secretary-General, Health Action for Human Rights

Jo Maline Mamangun