‘Palayain si Dr. Naty Casto’ — Health Action for Human Rights

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang Health Action for Human Rights (HAHR) para kay Dr. Maria Natividad ‘Naty’ Castro, secretary-general ng Karapatan sa Caraga Region na iligal na inaresto noong Pebrero 18, 2022 sa kanilang tahanan sa San Juan City.

Panawagan nila na palayain at ibasura ang kasong isinampa kay Dr. Castro. Bukod sa pagiging tagapagtanggol ng karapatang pantao, si Dr. Castro din ay isang physician at community doctor sa mga barrio ng Lumad sa Caraga.

Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao