Quo warranto laban sa ABS-CBN, atake sa malayang pamamamahayag
Nagsagawa ng isang quick reaction protest sa Boy Scout Rotunda ang mga mamamahayag at mga aktibista sa inihaing quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema noong Pebrero 10. Nais ng OSG na ipawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN at subsidyaryo nito.
Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), hindi lamang direktang atake sa malayang pamamahayag ang ginawa ni OSG Jose Calida sa nasabing istasyon kundi pagpapakita din ito ng tiranikong pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag ng NUJP, halos 11,000 manggagawa ng ABS-CBN ang maaring mawalan ng hanapbuhay kung magtagumpay ang nasabing petisyon. (Bidyo ni Joseph Cuevas/ Kodao)