Pamilya ng mga bilanggong politika, muling inilunsad ang KAPATID
Hunyo 15, 2019
Nagtipon ang mga human rights advocate, aktibista, kaanak at kaibigan ng mga bilanggong politikal para sa muling pagbubuo ng KAPATID, isang organisasyong tututok sa pagpapalaya ng mga bilanggong pultikal.
Ang KAPATID ay unang binuo noong taong 1978 ng mga kaanak ng mga bilanggong pulitikal sa panahon ng Martial Law.
Ani Fides Lim, National Board member ng KAPATID at asawa ng bilanggong pulitikal na si Vic Ladlad, ang muling pagkakabuo ng KAPATID ay indikasyon ng malaking pagkakatulad ng kalagayang pampulitika ng bansa noon magpasahanggang-ngayon.
Ayon sa KARAPATAN, mayroong 536 bilanggong pulitikal sa bansa at patuloy itong tumataas.
Isang mini-exhibit ang kasabay na inilunsad sa Commission on Human Rights upang ipakita ang mga likha ng mga bilanggong pulitikal.
Mayroon ring “Freedom Wall” kung saan isinulat ng mga dumalo ng kanilang pangakong tutulong sa kalayaan ng mga bilanggong pulitikal. (Bidyo ni Maricon Montajes)