Video is one of Kodao’s core programs. Watch our newsreels, documentaries and livestreams here.

Si Lian at mga manggagawa ng PEPMACO

Si Leandra Segunla o Lian, 31 taong gulang at anim na taon ng production helper sa Peerless Products Manufacturing Corporation, mas kilala sa pangalang PEPMACO, ay isa sa mga sumali sa welga simula noong Hunyo 24.

Ayon kay Lian, bukod sa mababang sahod at kontraktwalisasyon, kalunos-lunos din ang kanilang kalagayan sa loob ng pagawaan. Nariyan na haluin nila ang kemikal ng sabon na walang gloves at kanilang mga kamay lamang. Sinabi pa niya na halos wala nang paglagyan ng paltos ang kamay niya dahil sa sobrang init ng sabon na niluluto nila.

Marami din ang tinanggal ng magbuo sila ng unyon. Apat na araw mula ng maitayo nila ang welga, marahas silang sinalakay ng mga gwardya at goons ng kumpanya. Winasak ang kanilang mga kubol at marami ang nasaktan.

Sa kabila nito, determinado silang ituloy ang welga dahil bukod sa makatwiran ito. Ito rin ang sandata ng kanilang pagkakaisa para makamit ang kanilang minimithi.

Ang PEPMACO ay pagmamay-ari ng kapitalistang si Simeon Tiu. Ang mga kilalang produkto nito ay sabon na Champion, Hana shampoo, Calla detergent powder at Systema toothpaste.

Music: Tangerine Dream-Valley of Sun
Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao

KODAO ASKS: Ano ang masasabi mo sa Recto Bank incident?

Reaksyon ng mamamayan hinggil sa insidente sa Recto Bank kung saan binangga ng isang barkong Tsino ang bangkang Filipino at saka iniwan na lamang ang 22 mangingisda. (Bidyo ni Jomaline D. Mamangun)

Karapatan lauds UNHRC resolution on the human rights crisis in the Philippines

Karapatan said it is pleased about the UN Human Rights Council (UNHRC) resolution tabled by Iceland asking member-states to take concrete steps on the promotion and protection of human rights in the Philippines during the council’s 41st session.

“Karapatan welcomes the UNHRC’s decision to pass this long overdue resolution. This comes at a most pressing and opportune time as the Duterte government is set to report on its “achievements” after 3 years in office. This is a significant step towards accountability and we applaud the UNHRC’s decision to not remain complicit amid the rights violations being perpetrated in the Philippines. This is not the end-all, be-all of our efforts to exact accountability, but we take it as a critical start. This is a decision on the side of justice,” Karapatan secretary general Cristina Palabay said soon after learning of the resolution’s passage.

The Iceland resolution expressed concern on reported cases of extrajudicial killings in line with the drug war, but also raised the issue of reported violations targeting critics and human rights defenders.

According to Karapatan, the resolution urges the Philippine government to take all necessary measures to prevent extrajudicial killings and enforced disappearances, to carry out impartial investigations and to hold perpetrators accountable in accordance with international norms and standards including on due process and the rule of law; and to cooperate with the Office of the High Commissioner and the mechanisms of the Human Rights Council, including by facilitating country visits and preventing and refraining from all acts of intimidation or retaliation.

“This is a significant and relevant move by Iceland, which was supported by 28 states. An independent investigation into reported human rights violations in line with the government’s anti-narcotics campaign and its counterinsurgency program is long overdue,” Karapatan said in a statement.

“This resolution will initiate the start of a close monitoring on the rights situation in the country. Other efforts domestically, regionally and internationally will likewise move forward, the aggregate of which will expectedly bring out the changes in policy and in leadership that prioritizes human and people’s rights,” the group explained.

Palabay said the UNHRC resolution is not an issue of sovereignty but of accountability.

The Philippines is signatory to binding human rights treaties that allow for such mechanisms of investigation and accountability.

“Duty-bearers who act contrary to their mandate of upholding human rights should expect to be made accountable. In the end, it comes down to exacting justice,” Palabay said.

“This is not a numbers game, as what this callous government tries to reason out. This systematic and state-perpetrated butchering of the Filipino people has reached international concern, and the clamor for change will only echo louder from here on,” she added.

“Despite the government’s efforts to discredit and malign victims, their relatives, and human rights organizations, many countries have already expressed alarm on our situation. We will continuously challenge the government to own up to its flagship policies, and face the consequences of peddling militarism at the expense of people’s rights,” Palabay concluded. (Video by Joseph Cuevas/Report by Raymund B. Villanueva)

Protest marks Filipino-American Friendship Day

Isang kilos-protesta ang pinangunahan ng mga kabataan malapit sa US Embassy sa Maynila para sa pagdiriwang ng Filipino-American Friendship day noong Hulyo 4.

Ayon sa League of Filipino Students (LFS), walang ganap na kalayaan ang bansa at nakatali pa rin ito sa patakaran ng US. Isang larawan nito ay ang patuloy na mga pagsasanay-militar sa ilalim ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Para naman sa Gabriela Women’s Party, patuloy na nangangayupapa ang gubyerno ni President Rodrigo Duterte hindi lamang sa US kundi sa karibal nito na China. Patunay dito ang mahinang paninidigan sa isyu ng West Philippine Sea at malambot na independent foreign policy.

Nanawagan ang dalawang grupo na igiit ng mamamayang Pilipino ang soberanya ng bansa laban sa dalawang imperyalistang bayan. (Music: Background News / Bidyo ni: Carlo Francisco/ Kodao)

Bahaghari holds Pride March 2019

Nagsagawa ang Bahaghari, ang militante at makabayang organisasyon ng LGBTQ+ (Lesbians, Gays, Bisexual, Transgender, Queer +), at iba pang grupo ng isang Pride March noong Hunyo 28 sa Mendiola sa Maynila.

Ang Pride March ay may temang “Ang Pride ay Protesta, Ang Pride ay Paglaban!” na layuning ihatid ang panawagan na pantay na karapatan para sa LGBTQ community.

Ipinagdiwang din sa araw na iyon ang ika-50 taon ng Stonewall Riots sa Manhattan New York.


Ayon sa Bahaghari, ito ang kauna-unahang pagkilos ng LGBT community na nanawagan na wakasan ang diskriminasyon gayundin ang karapatan ng mga manggagawang migrante.

Ipinarating din nila sa Pride March ang matinding pagtutol sa kontraktwalisasyon sa paggawa, TRAIN law ni Duterte, batas militar sa Mindanao, hustisya para sa pinatay na human rights worker at bakla na si Ryan Hubilla pati ang pag-giit ng soberanya sa West Philippine Sea laban sa China at US. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao. Music: Background news)

Pastor speaks out against worsening militarization in Mindoro

Nagbigay pahayag si Pastor Edwin Egar, tagapagsalita ng Karapatan-Southern Tagalog kaugnay sa tumitinding militarisasyon at paglabag sa karapatang pantao sa isla ng Mindoro.

Kabilang na dito ang sunud-sunod na aerial bombings sa mga komunidad ng Mangyan. Nakaranas din ang Quick Reaction Team ng Karapatan-ST nang harasment sa militar at pulis matapos silang magsagawa ng humanitarian mission.

Panawagan nila na itigil na ang Oplan Kapanatagan na siyang counter-insurgency program ng AFP at PNP. Wala itong ipinagkaiba sa martial law sa Mindanao, ayon pa sa Karapatan-ST. (Video by Joseph Cuevas/Kodao)

UP students, nagprotesta kontra suspensyon ng mga patnugot ng Rebel Kule

Nagsagawa ng isang kilos-protesta ang mga mag-aaral ng Universidad ng Pilipinas sa Diliman noong Hunyo 26 sa Quezon Hall kontra sa ipinataw na suspensyon sa mga patnugot ng Rebel Collegian.

Ayon sa mga estudyante, hindi katanggap-tanggap ang desisyon na iginawad ng University Council Executive Committee (EC) na suspensyon sa pitong mamamahayag pang-kampus.

Nauna nang ipinawalang-sala ang mga patnugot ng Student Disciplinary Council subalit binaligtad ito ng EC noong Hunyo 20.

Kinasuhan ang pitong patnugot ng fraud, disobedience and stealing nang sinasabing admin-installed editor in chief ng Philippine Collegian na si Jayson Edward San Juan matapos hindi i-turnover ang social media account ng Collegian, bagay na iginiit ng Rebel Kule na hindi ito pagmamay-ari kailanman ng publikasyon. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)

‘Busina’ protest vs Duterte’s pro-China stance on Recto Bank ramming

Activists held a protest action in Quezon City last June 19 and asked motorists to honk their vehicle horns to show solidarity with 22 fishermen whose boat was rammed by a Chinese ship and President Rodrigo Duterte’s obvious pro-China stance in the controversy.

In his speech during the rally, former Bayan Muna representative Neri Colmenares asked Duterte to side with the Filipino victims, adding the Philippines’ victory in the international tribunal gives the country a strong foundation to assert its rights over Recto Bank.

KODAO ASKS : Natupad ba ni Duterte ang ipinangako niyang Independent Foreign Policy?

Noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, tinanong ng Kodao kung natupad nga ba ni Presidente Rodrigo Duterte ang ipinangako niyang Independent Foreign Policy.

Panoorin ang sagot ng mga dumalo sa rali sa mga konsulada ng Estados Unidos at Tsina.

Pamilya ng mga bilanggong politika, muling inilunsad ang KAPATID

Hunyo 15, 2019

Nagtipon ang mga human rights advocate, aktibista, kaanak at kaibigan ng mga bilanggong politikal para sa muling pagbubuo ng KAPATID, isang organisasyong tututok sa pagpapalaya ng mga bilanggong pultikal.

Ang KAPATID ay unang binuo noong taong 1978 ng mga kaanak ng mga bilanggong pulitikal sa panahon ng Martial Law.

Ani Fides Lim, National Board member ng KAPATID at asawa ng bilanggong pulitikal na si Vic Ladlad, ang muling pagkakabuo ng KAPATID ay indikasyon ng malaking pagkakatulad ng kalagayang pampulitika ng bansa noon magpasahanggang-ngayon.

Ayon sa KARAPATAN, mayroong 536 bilanggong pulitikal sa bansa at patuloy itong tumataas.

Isang mini-exhibit ang kasabay na inilunsad sa Commission on Human Rights upang ipakita ang mga likha ng mga bilanggong pulitikal.

Mayroon ring “Freedom Wall” kung saan isinulat ng mga dumalo ng kanilang pangakong tutulong sa kalayaan ng mga bilanggong pulitikal. (Bidyo ni Maricon Montajes)