Video is one of Kodao’s core programs. Watch our newsreels, documentaries and livestreams here.

Pahayag ng isang manunulat at direktor hinggil sa Anti-Terrorism Act

Inihahalintulad ni Bonifacio Ilagan, isang manunulat at direktor, ang kanyang mga naging karanasan noong panahon ng Martial Law sa maaaring mangyari ngayong naipasa na ang Anti-Terrorism Act.

Pinirmahan ng pangulo ang nasabing batas noong Hulyo 3. Limang araw na lamang ang nalalabi bago ito tuluyang ma-implementa.

Rep. Carlos Zarate’s summation on the ABS-CBN franchise renewal

09 June 2020, House of Representatives — Speaking in behalf of representatives in favor of the embattled media network’s bid for a fresh franchise, Rep. Zarate called on the rest of the members of the House of Representatives Committee on Legislative Franchises to vote for the people.

Zarate recounted several testimonials from ordinary people on how the mass media, particulary ABS-CBN, have served at the forefront during disasters and calamities, providing vital information for Filipinos in country and abroad.

He added that almost all Filipinos are affected by the ABS-CBN shutdown, as they depend on the network for news, current affairs and other pulic services.

“Bakit natin paparusahan at supilin maging ang karapatan ng pamamahayag at karapatan ng ating mga mamamayan sa malayang daloy ng impormasyon?” Zarate asked. (Video from the HOR page)

Mother appeals to SC to act on petition to free at-risk political prisoner and baby

Political prisoner Reina Mae Nasino’s mother Marites De Asis appealed to the Supreme Court to act on the petition to release the at-risk prisoner and her newly-born baby during the coronavirus pandemic.

Nasino delivered her first born baby last July 1 in a hospital and was sent back to jail the following day.

De Asis reminded the High Court that it has been three months since she filed the petition for the liberty of her daughter.

The group Families and Friends of Political Prisoners (KAPATID) tied blue ribbons in front of the Supreme Court along Padre Faura Street in Manila last July 7 to demand for Nacino’s and her baby as well as 22 others political prisoners they said are vulnerable to infection with the virus.

Progressive groups hold protest on Rodrigo Duterte 4th year anniversary as president

Human rights advocates and activists held a protest activity on the 4th anniversary of Rodrigo Duterte’s presidency last June 30 at the Commission on Human Rights compound in Quezon City.

‘Para kanino ang pagpapasara sa ABS-CBN?’

Ito ang tanong ng mga lumahok sa isinagawang motorcade at rali noong Lunes, Hulyo 6, ng mga nananawagan sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.

Sa huling araw ng pagdinig ng Kongreso sa mga petisyon para sa pagpapatuloy na operasyon ng kumpanya, nagpunta ang mga empleyado at kanilang mga taga-suporta sa Kamara de Representante upang manawagan na huwag tuluyang isara ito.

Sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines, nagdaos ng programa sa kahabaan ng Batasan Avenue ang Bagong Alyansang Makabayan, Makabayan Bloc, SENTRO, Kilusang Mayo Uno, Photojournalism Center of the Philippines, Free the Artist Movement, National Association of Broadcast Unions, at mga unyon ng manggagawa ng ABS-CBN, IBC-13 at GMA-7.

Pia Magalona speaks up on Anti-Terror Bill

Pia Magalona, wife of the late rapper Francis Magalona, expressed her sentiment on the Anti-Terrorism Bill.

Araw ng Pakikiisa sa mga tsuper na nawalan ng hanapbuhay

Sa sama-samang suporta mula sa mga grupo at indibidwal, sa pangunguna ng Bayanihan Alay sa Sambayanan (BALSA), nakapaghatid ng tulong sa mga tsuper na nawalan ng hanapbuhay ngayong Hunyo 27 sa C.P. Garcia Avenue, Diliman, Quezon City.

Panawagan ng mga tsuper na makabalik na sila sa kalsada upang hindi na mamalimos at may ipakain sa kanilang pamilya. Nanawagan din sila laban sa phase out ng mga jeepney na tangi nilang hanapbuhay. (Bidyo ni Jek Alcaraz/Kodao)

Balik-pasada at ayuda, hiling ng mga tsuper

Ginanap ngayong araw, Hunyo 27, ang Araw ng Pakikiisa para sa mga Jeepney Driver. Nagkaroon ng magkakahiwalay na pagbibigay ng ayuda sa iba’t ibang pondohan ng mga tsuper sa Metro Manila.

Pangunahing tinulungan ng Bayang Matulungin, isang proyekto ng Bayan Muna at PagAsa, ang mga tsuper sa Project 3, Quezon City, Samson Road, Caloocan City, at Rizal Ave., Manila. Nasa mahigit isang daan ang kanilang natulungan.

Panawagan ng mga tsuper na ibalik na sila sa pamamasada at bigyan ng ayuda ang bawat isa. Lampas 100 araw na ang lockdown, ganun din ang kanilang tigil-pasada. Kasama ang kanilang pamilya sa mga apektado ng kanilang kawalang-trabaho. (Bidyo nila Jo Maline Mamangun, Jola Mamangun, at Reggie Mamangun)

Protesta ng LGBT sa Mendiola, marahas na binuwag

Umabot sa 20 na lumahok sa taunang Pride March ng Lesbian Gay Bisexual at Transgender group na Bahaghari ang hinuli matapos na marahas na buwagin ang kanilang protesta sa Mendiola, Hunyo 26, 2020.

Pahayag ng Bahaghari spokesperson Rey Valmones-Salinas na mapayapa ang kanilang aktibidad at sinusunod ang social distancing dahil sa pandemya subalit hindi nagtagal ay sinugod sila ng mga pulis at hinuli kabilang na ang mga driver ng kanilang sasakyan.

Nakadetine ngayon sa Manila Police District ang mga nahuli. (Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao)

DepEd, hindi hinarap ang mga gurong nakikipag-dayalogo

Nagtungo sa punong tanggapan ng Department of Education ang mga lider-guro noong Hunyo 19 upang makipag-dayalogo sana kaugnay ng pagpapapasok sa kanila simula sa Lunes. Nakasarang tarangkahan ang sumalubong sa kanila.

Ayon sa mga lider ng Alliance of Concerned Teachers at ACT Teachers Union-National Capital Region, wala silang natatanggap na pasabi kung paano mag-iingat ang mga guro sa pagpapasok sa kanila. Wala rin daw silang natatanggap na pasabi kung mayroon ba at kailan ang mass testing, libreng pagpapagamot sa mga magkakasakit ng Covid-19, internet para sa “blended learning” ng kagawaran, at iba pang katanungan. (Bidyo ni Joseph Cuevas)