Kasunduan sa Joint Monitoring Committee ng CARHRIHL, pinimarhan ng NDFP at GRP
Nagbunga na ng isang mahalagang kasunduan ang kasalukuyang formal na negosasyon sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas sa ikatlong araw nito ditto sa Roma, Italya.
Pinirmahan kahapon ng umaga rito ang supplemental guidelines para sa Joint Monitoring Committee ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL.
Ayon sa magkabilang panig, mahalaga ang kasunduang ito dahil nagpapakita ito ng kaseryosohan ng parehong GRP at NDFP na isulong ang usapang pangkapayapaan at magbigay ng pakinabang sa mamamayan.
(Pakinggan ang ulat sa pamamagitan ng pag-click sa play button sa gawing kaliwa sa taas.)