Bahaghari holds Pride March 2019

Nagsagawa ang Bahaghari, ang militante at makabayang organisasyon ng LGBTQ+ (Lesbians, Gays, Bisexual, Transgender, Queer +), at iba pang grupo ng isang Pride March noong Hunyo 28 sa Mendiola sa Maynila.

Ang Pride March ay may temang “Ang Pride ay Protesta, Ang Pride ay Paglaban!” na layuning ihatid ang panawagan na pantay na karapatan para sa LGBTQ community.

Ipinagdiwang din sa araw na iyon ang ika-50 taon ng Stonewall Riots sa Manhattan New York.


Ayon sa Bahaghari, ito ang kauna-unahang pagkilos ng LGBT community na nanawagan na wakasan ang diskriminasyon gayundin ang karapatan ng mga manggagawang migrante.

Ipinarating din nila sa Pride March ang matinding pagtutol sa kontraktwalisasyon sa paggawa, TRAIN law ni Duterte, batas militar sa Mindanao, hustisya para sa pinatay na human rights worker at bakla na si Ryan Hubilla pati ang pag-giit ng soberanya sa West Philippine Sea laban sa China at US. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao. Music: Background news)