Dalawa lamang sina Tatay Leon at Tatay Diosdado sa mga tsuper na apektado ng tigil-pasada dahil sa lockdown.
Nagsimula ang lockdown sa buong Metro Manila noong Marso 15. Ito ay para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Kaugnay nito ang pagbabawal sa mga pampublikong transportasyon na mag-operate. Tinatayang nasa 75,000 ang bilang ng mga nakarehistrong jeepneys sa Metro Manila lamang.
Giit ni Tatay Leon na dapat mag-isip ang pangulo kung paano matutulungan ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa lockdown. Simula pa noong lunes, Marso 16, tigil-pasada na ang mga jeepneys at hirap ang mga tsuper sa paghahanap ng makakain.
Naganap ang panayam noong Marso 20.
Bidyo nila Jola Diones-Mamangun, Arrem Alacaraz, Reggie Mamangun at Jo Maline D. Mamangun
Music Info: Dramatic Emotional – AShamaluevMusic.
Music Link: https://youtu.be/il9HGo4hPjI