Posts

Pahayag ng Migrante International kaugnay sa kaso ni Mary Jane Veloso

Nagbigay-pahayag si Joanna Concepcion, tagapangulo ng Migrante International kaugnay sa naging pinal na desisyon ng Korte Suprema na payagang makapagbigay testimonya si Mary Jane Veloso sa pamamagitan ng written deposition.

Tuluyang ibinasura ng Korte Suprema noong Agosto 15 ang apela ng mga rekruter ni Veloso na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao. Ito ay kaugnay sa kasong illegal recruitment, human trafficking at estafa.

Si Veloso ay kasalukuyang pa ring nakakulong sa Indonesia simula 2010 dahil sa kasong ilegal na droga.

‘Mabigat sa dibdib ko’

“Mabigat sa dibdib ko, nakita ko kasi ang anak ko. Kaya nananawagan po ako sa Supreme Court. Ibaba niyo po ang desisyon para makasama na niya ang anak niya.”Marites Asis, Ina ng bilanggong pulitikal na si Reina Mae Nasino

Mother appeals to SC to act on petition to free at-risk political prisoner and baby

Political prisoner Reina Mae Nasino’s mother Marites De Asis appealed to the Supreme Court to act on the petition to release the at-risk prisoner and her newly-born baby during the coronavirus pandemic.

Nasino delivered her first born baby last July 1 in a hospital and was sent back to jail the following day.

De Asis reminded the High Court that it has been three months since she filed the petition for the liberty of her daughter.

The group Families and Friends of Political Prisoners (KAPATID) tied blue ribbons in front of the Supreme Court along Padre Faura Street in Manila last July 7 to demand for Nacino’s and her baby as well as 22 others political prisoners they said are vulnerable to infection with the virus.

Health advocates file petition for mass testing

By Joseph Cuevas

Health professionals, workers and women filed a petition before the Supreme Court last Friday, July 3, asking the executive branch to implement mass testing and provide accurate and reliable data to the people on the coronavirus 19 or Covid-19.

Citing the people’s right to health under the Philippine Constitution,  the petition for a writ of mandamus shall compel the Department of Health and other agencies to conduct pro-active mass testing, aggressive contract tracing and effective isolation, and treatment of Covid-19 positive cases to contain the spread of the virus.

The 74-page petition was filed by Citizens’ Urgent Response to End Covid-19 (CURE COVID) spokesperson Judy Taguiwalo; Coalition for the People’s Right to Health convenor Dr. Joshua San Pedro; Bahaghari bational spokesperson Rey Valmores-Salinas; Migrante International chairperson Joanna Celeste Concepcion; GABRIELA Network of Professionals secretary general Lovely Ramos; Drug, Food and Allied Workers Federation-Kilusang Mayo Uno secretary general Debie Faigmani; BPO Industry Employees Network president Mylene Cabalona; Alliance of Concerned Teachers-National Capital Region Union president Vladimer Queta; UP-Pantranco Driver’s Association vice-president Ernesto Lizada; homemaker Marites Arboleda; and K-12 student Via Leigh Hernandez.

The petition is seeks “accurate, timely and complete information with regards to Covid-19 situation including onset of symptoms, history of exposure, co-morbidities, whether the subject is a medical frontliner, data when specimen is collected and actual case validation backlog from the government.”

The National Union of Peoples’ Lawyers, counsel of the petitioners, said that the omission of proactive and efficient mass testing amid the COVID-19 pandemic has shown that a systemic and normalized violation of the right to health engenders the impairment of other human rights and liberties, such as the rights to travel, livelihood or work, education, and access to justice

In a statement, CURE COVID pointed out that many health experts said that mass testing is very important in the country’s response to the pandemic.

Mass testing enables countries to identify the extent of the virus’ transmissions among the populace, the group said.

It added that with honest and prompt information, governments can systematically and scientifically trace, isolate and treat the infected and contain the transmission.

“Unfortunately, the [Rodrigo] Duterte administration has fallen very short of doing this. Last April 3, retired general Carlito Galvez, chief implementor of the National Task Force on Covid-19 (NTF Covid), announced that the government will implement mass testing by April 15. This obviously did not happen, as the number of testing needed to ascertain the extent of Covid-19 transmissions has consistently fallen short of the NTF’s very own targets,” CURE COVID added.

The group also said instead of mass testing, tracing, isolation and treatment, the government heavily relied on a militarist response to the pandemic, putting the country under the world’s longest lockdown that resulted to abuses, unnecessary restrictions and undue curtailment of civil liberties.

According to the health department, 38,805 have been infected that resulted in 1,274 recorded deaths as of Friday. #

Kaanak at tagasuporta, nanawagang payagang mag-testimonya si Mary Jane Veloso

Nagsagawa ng press conference ang mga kaanak, abugado at taga-suporta ni Mary Jane Veloso para magbigay ng update kaugnay sa deposition testimony niya sa Indonesia.

Kamakailan ay pinayagan ng Korte Suprema na magbigay ng deposition si Veloso mula sa kanyang piitan sa Indonesia. Ayon sa kanyang abugado, malaking bagay ang desisyon ng Korte Suprema para mapatunayang biktima ng human trafficiking si Veloso.

Nagpasalamat ang ama ni Mary Jane na si Cesar sa mga abugado at grupong patuloy na tumutulong sa kanyang anak. Hangad niya na makalaya na si Mary Jane at makapiling ang kanyang mga anak.

Nakatakda sa Oktubre 28 sa Cabanatuan RTC ang huling pagdinig ng prosekusyon laban sa mga illegal recruiter ni Veloso na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao.

Si Veloso ay nakakulong sa Indonesia nang mahigit siyam na taon sa kasong pagpuslit ng ilegal na droga at nahatulan ng death penalty. Subalit noong 2015 ay ipinatigil ng gobyerno ng Indonesia ang pagbitay sa kanya matapos mahuli sa Pilipinas ang mga recruiter ni Veloso. (Music: News Background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)

‘Ninakaw na sa atin ang lahat-lahat’

“Napakasaklap na sa bansang ito ang mismong paggamit ng sariling wika—pagsasalita, pagsusulat—ay isang anyo ng protesta. At ngayon, ipinagkakait na pati ang pag-aaral ng wika at ng yaman at hiwaga ng panitikan. Ninakaw na sa atin ang lahat-lahat.”–Mayette Bayuga, manunulat

‘Pinapatay ang wikang Filipino’

“Ang desisyon ng Korte Suprema at CHED na patayin ang wikang Filipino sa kurso ng General Education ay walang iba kundi ang pagtalima sa neoliberalismong patakaran tulad ng globalisasyon at internationalization ng rehimeng Duterte. Bahagi ng labor export policy, ninanais nilang sanayin tayo sa lenggwahe ng mga makapangyarihang bansa upang epektibo taong makapag-lingkod sa kanila.”—Neil Doloricon, tagapangulo ng CAP

Kung isasantabi ang wika

“Ang wika ay isang simbolo ng iyong matayog na pinanggagalingan. Kung ito ay isantabi natin, malamang wala tayong patutunguhan bilang mamamayan. Ipagbunyi, mahalin, yakapin, pagyamanin ang sariling atin.”—Bayang Barrios, mang-aawit

‘Unti-unti na tayong binubusalan’

“Sa wika at panitikang Filipino ay mas malayang naipapahayag natin ang ating mga puso at kaluluwa. Sa pagtanggal ng mga araling ito ay unti-unti nila tayong binubusalan.”—Ricky Lee, manunulat

Concerned Artists of the Philippines

Nakakadismayang desisyon ng CHED at Korte Suprema hinggil sa asignaturang Filipino at Panitikan

“Kaya nakakadismaya ito sa ating mga Pilipino dahil imbes na tatagan ang ating pagkatao sa pamamagitan ng edukasyon at kulturang Pilipino ay inilalayo tayo sa posibilidad na higit nating makilala ang ating pagkatao.”—Dr. Roland Tolentino (guro, manunulat, kritiko)