Posts

‘Mananatili kaming tapat na ang kabataan ang pag-asa ng bayan’

“Ang kabataan po ay patong-patong na ang mga umuusbong na suliranin dulot ng bagong learning set-up. Ang mga ito ang dapat na inuuna ng administrasyon sa gitna ng pandemya at mga sakuna, hindi ang mga walang-awa at mga malisyosong atake. Makakaasa kayo na patuloy na ipaglalaban ng kabataan at estudyante ang aming karapatan gayundin ang kapakanan ng sambayanan. Mananatili kaming tapat sa kasabihan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”Sarah Elago, Representative, Kabataan Party-list

‘Maling-mali ang paratang ng NTF-ELCAC na kami ay terorista’

“Maling-mali ang paratang ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at ibang opisyal publiko na kami ay terorista. Ito ay labag sa karapatang pantao, labag sa sinumpaang mandato ng gobyerno sa mamamayan. Ang ganitong pananakot at pagsiil ay pagpapahamak sa aming women’s rights advocates, at pagkakait sa kababaihan na nangangailangan ng tulong at pag-agapay.” Joms Salvador, Secretary General, Gabriela