Posts

‘Ninanais din natin na mapasama ang champion ng karapatan ng mga manggagawa’

Malugod na tinanggap ng Makabayan Coalition ang ginawang pag-endorso ng 1Sambayan kay dating Bayan Muna Chairman Atty. Neri Colmenares sa Senado at sinabing malaking hakbang ito para labanan ang panunumbalik ng mga Marcos at pananatili ng mga Duterte sa pwesto sa darating na eleksyon.

“Aktibo naman si Atty. Neri sa 1Sambayan and even before that ang kanyang track record. Sa katunayan, ninanais din natin na mapasama hindi lang si Neri na dalhin ng 1Sambayan kundi ang champion ng karapatan ng mga manggagawa na si Ka Bong Labog na nasa ilalim ng Koalisyong Makabayan.”Rep. Carlos Zarate, Bayan Muna Partylist

Activist groups challenge NPA to ensure justice for blast victims

They challenged the NPA conduct a thorough investigation and submit its report to the Joint Monitoring Committee (JMC) of the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) signed between the National Democratic Front of the Philippines and the Government of the Republic of the Philippines.

Activist groups condemned the death of two civilians in a botched military operation by the New People’s Army (NPA) in Masbate last Sunday, June 6.

In a statement, progressive group Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) said the incident was a violation of the International Humanitarian Law that prohibits harm on unarmed civilians in the course of an armed conflict.

“These civilian deaths are condemnable. We extend our sincerest condolences to the families of the two victims,” Bayan said Wednesday.

Human rights group Karapatan likewise criticized the NPA unit responsible for the “deplorable and lamentable incident.”

“We take to task the CPP (Communist Party of the Philippines) and NPA for the woeful and tragic incident and expect them to make sure that it does not happen again. The parties to an armed conflict should always distinguish civilians from combatants and adhere to ‘the principles and rules which limit the use of violence in times of armed conflict,’” Karapatan said.

The group added it expects the group to live up to its promise to ensure prompt investigation and to indemnify the victims through their families.

The Makabayan Bloc of progressive parties at the House of Representatives who, like Bayan and Karapatan, are incessantly accused by government agencies to be “CPP front organizations” and “NPA recruiters and defenders” also condemned the incident.

“We condemn the military action by a unit of the NPA in Masbate City that caused their death and injuries to others for violating international humanitarian law,” Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, ACT Teachers’ Party and the Kabataan Youth Party said.

“Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist ang naturang aksyong militar ng NPA na humantong sa pagkamatay nina Kieth at Nolven Absalon sa Masbate. Ipinapabatid muli ng Kabataan ang taos-pusong pakikiramay sa kanilang pamilya,” the Kabataan Party in a separate statement said.

(Kabataan Party firmly condemns the NPA military action that led to the deaths of Keith and Nolven Absalon in Masbate. Kabataan sends its heartfelt condolences to their families.)

‘Rules of war violation’

Cousins Keith (21) and Nolven (40) Absalon were killed by a roadside explosion reportedly set off by a NPA unit in the area last June 6 at past six o’clock in the morning while the victims.

Nolven’s son Crisbin Daniel (16) was likewise injured.

Keith was a college football star who played with the Far Eastern University junior and senior football teams, earning most valuable player honors in high school. He was also a member of the under-19 Philippine national team.

Nolven was a chairperson of the Board of Directors of the Masbate Electric Cooperative Employees Union.

As per its practice after each military action, the NPA admitted responsibility for the incident last Tuesday.

The death of two civilians and injury of another however prompted the CPP to speak for the guerilla army it leads.

 “The entire (CPP) and (NPA) express their deep remorse over the untimely and unnecessary deaths of cousins Keith and Nolven Absalon and injury to others,” CPP information officer Marco Valbuena said.

“The entire CPP and NPA take full responsibility for the tragedy. There is no justification for the aggravation this has caused the Absalon family,” Valbuena added.

In another statement issued June 9, Valbuena said the takes cognizance of the grave sentiments and denouncement expressed by concerned quarters.

Valbuena admitted that the botched military operation appears to have violated rules of war as well as the NPA’s own policies.

“Indeed, the unfortunate incident involves a breach of international laws of war and of the internal rules of the NPA which gives the highest priority to the protection of civilians at all times,” Valbuena said.

He explained that the NPA unit and personnel responsible are under the authority of the NPA and the so-called People’s Democratic Government it has established in areas under its control.

Valbuena said that the incident is currently being “fully assessed, with the aim of avoiding such errors in the future.”

In line with the NPA’s rules, Valbuena said those found responsible can be meted out “disciplinary action or punishment” corresponding to their individual responsibilities and conduct during the incident.

‘Proper mechanism’

Bayan and Kabataan however said that while the CPP have promptly owned up to the tragedy and promised indemnification, they challenged the NPA conduct a thorough investigation and submit its report to the Joint Monitoring Committee (JMC) of the National Democratic Front of the Philippines-Government of the Republic of the Philippines Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

“There should be accountability in accordance with the mechanisms agreed upon by both parties to the armed conflict…The JMC should be convened as a mechanism for the aggrieved parties who wish to file a complaint against erring armed units,” Bayan said.

Makabayan has urged the Absalon family to file a complaint against those responsible to the JMC.

“Marapat lamang na paganahin ang malinaw na patakaran, tulad ng (JMC) ng CARHRIHL bilang awtoridad sa ganitong mga kaso, para matiyak ang hustisya at pananagutan,” Kabataan for its part said.

(The JMC must be activated as the proper mechanism in addressing such cases. This is to ensure justice and accountability.)

Valbuena said their groups agree to the recommendations.

“Under the CARHRIHL, we are obliged to cooperate with the NDFP Section of the (JMC) if a complaint is filed before it,” he said.

He added that the CPP and the NPA shall likewise consult pertinent provisions of the Geneva Conventions as guides to determining the proper resolutions. # (Raymund B. Villanueva)

‘Preparasyon na nila ‘yan sa eleksyon’

“Itong bira nila sa Makabayan, lalo na sa oposisyon, preparasyon na nila ‘yan sa eleksyon. Gustong lumpuhin ng gobyerno ang oposisyon bago pa man mag-halalan. Hindi na lang ito red-tagging kundi using the government funds for electoral purposes to defend the administration. May tulog talaga ang Duterte candidates at para ma-ensure na manalo sila, lulumphin nila ang oposisyon long before 2022. It’s a combination of red-tagging and electioneering using public funds.”Atty. Neri Colmenares, Chairman, Bayan Muna

Pahayag ng Makabayan Bloc sa badyet ng Office of the President

Nag-rali ang mga kasapi ng Makabayan Bloc sa Batasan noong Lunes, Setyembre 14, upang tutulan ang anila’y napakalaking badyet ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte samantalang mababa ang badyet para sa kalusugan sa gitna ng krisis ng coronavirus.

Ang pagkilos ay kasabay ng deliberasyon ng House of Representatives Committee on Appropriations sa lampas walong bilyong piso para sa Office of the President sa susunod na taon, higit kalahati nito ay intelligence fund na maaring hindi na iulat sa Commission on Audit. Buong-buong inaprubahan kalaunan ang badyet ng pangulo.

Rep. Castro ng Makabayan Bloc, nagsalita hinggil sa revolutionary government

Nagbigay-pahayag si Rep. France Castro ng Makabayan Bloc kaugnay ng nilulutong ‘revolutionary government’ ng mga taga-suporta ni Pangulong Duterte nitong nakalipas na linggo.

Krisis sa COVID-19, lalong tumitindi, ayon sa Makabayan

Ni Joseph Cuevas

Tumindi ang krisis ng pandemyang Covid-19 dahil sa simula pa lamang ay minaliit na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang epekto nito sa bansa na naging militarista naman ang naging pagtugon ng gobyerno noong nanalasa na ito kalaunan.

Ito ang sumada ng mga kinawatan sa blokeng Makabayan sa isang online forum noong Sabado, May 23, na pinamagatang “Hatol Makabayan”

Inihayag ni Makabayan Chairman Atty. Neri Colmenares sa kanyang pambungad na pananalita na tumindi ang krisis ng pandemyang Covid-19 sa Pilipinas dahil sa simula ay minaliit na ito ni Pangulong Duterte at hindi kaagad gumawa ng karampatang aksyon.

Sinabi naman ni Rep. Sarah Elago ng Kabataan Party na hindi solusyong medikal ang unang naging hakbang ni Pangulong Duterte, bagkus ay isang militaristang Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown.

Imbes anila na mass testing, isolation, tracing at treatment sa mga posibleng maysakit ay tinapatan ang unang pagdami ng kaso ng coronavirus ay nagpatupad ito ng malupit na lockdown, bagay na ikinabahala ng United Nations Human Rights Council.

Para naman kay ACT-Teachers Rep. France Castro, nakakabahala ang sitwasyon ng mga frontliner dahil sila ang sumusuong sa panganib ng pandemya.

Kulang na kulang ang mga doktor, nars, medical staff pati na din sa mga itinatayong testing centers at kagamitan tulad ng Personal Protective Equipments, dagdag ni Castro.

Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga pampublikong ospital at isolation center para sa mga Overseas Filipino Workers na umuwi sa bansa.

Sa ngayon nasa 13,577 ang kaso ng Covid-19 kung saan mahigit 863 na ang nasawi at mayroong backlog na halos 6,000 na mga pinaghihinalaang kaso ng sakit.

Ang Pilipinas ang may pinakamahigpit at pinakamahabang lockdown sa buong mundo na umabot na sa mahigit 70 araw.

Ang online forum ay pinangunahan ng mga mambabatas mula sa Bayan Muna, ACT-Teachers, Gabriela Women’s Party at Kabataan party.

Pasismo sa pandemya

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang militaristang tugon ng gobyerno para labanan ang Covid-19 ay nagdulot ng 177, 540 na pag-arestosa panahon ng lockdown na umaabot ng average na 2,900 kada araw at higit 52,000 na ikinulong.

Ilan sa mga ito ang ginawang pag-aresto at pagkulong sa mga relief worker ng Tulong Anakpawis sa Bulacan noong Abril 26 at Lingap Gabriela sa Marikina at Tulong Kabataan sa Quezon City noong Mayo 1.

Dagdag pa ni Brosas, dahas din ang naging tugon katulad nang pagpaslang kay Jory Porquia ng Bayan Muna sa Iloilo at pagpatay sa isang dating sundalo na lumabag umano sa quarantine sa Quezon City. Hindi rin nito pinaglagpas ang ilang netizen sa Online Tokhang tulad ng ginawa sa isang guro sa Zambales.

Wala ring tugon ang gobyerno sa planong magpalaya ng mga bilanggo na kumakalat na ang sakit sa mga kulungan. Hanggang ngayon, wala pa ring tugon ang petisyon na inihain ng mga kaanak ng political prisoner sa Korte Suprema sa halip ay tinutulan pa ito ng Office of the Solicitor General, pahayag pa ni Brosas.

Tinalakay naman ni Rep. Eufemia Cullamat ng Bayan Muna na bukod sa pasistang pananalakay sa mamamayan ay walang humpay din ang counter-insurgency na atake ng gobyerno.

Ilan na dito ang naitalang pambobomba at pagkakampo sa ilang komunidad ng mga katutubo sa CARAGA region, pag-aresto sa mga lider ng progresibong grupo at kaso ng red-tagging, maging pekeng pagpapasurender.

Kapos na ayuda at lumolobong badyet

Naging tampok din sa forum ang tugon ng gobyerno sa kabuhayan ng mamamayan. Inilarawan ni Rep. Ferdinand Gaite ng Bayan Muna ang programang Social Amelioration Program o SAP ng gobyerno na makupad dahil sa napakabagal at burukratikong proseso nang pamamahagi nito.

Ayon kay Gaite, nasa apat na milyong Pilipino pa ang hindi nakatanggap ng nasabing ayuda mula sa target nitong 18 milyon. Maging ang tulong para mga manggagawa ay napakabagal din.

Nasa tatlong milyong manggagawa lamang ang ayuda ng DOLE na Covid-19 Adjustment Measures Program o CAMP mula sa tinatayang 10 milyon na apektado sa buong bansa.

Pinuna naman ni Rep. Carlos Zarate ang napakalaking pondo na nakalaan para sa pandemya subalit hindi naramdaman ng taumbayan.

Kabilang na dito ang halos P275 bilyon na pondo ni Pangulong Duterte kahit pa umutang ito nang aabot sa $5 bilyon mula sa iba’t-ibang multi-lateral agency tulad ng World Bank at Asian Development Bank.

Itinutulak pa aniya ang mga bagong panukala sa Kongreso na “stimulus program” tulad ng Enhanced Build Build Build na magpapasidhi ng patakarang neoliberalisasyon sa ekonomiya, ani pa Zarate.

Nagbigay reaksyon naman ang iba’t-ibang grupo kabilang na dito ang mga mungkahi at panukala na:

– ng health care system sa bansa at paglalalan ng malaking pondo rito hindi lamang sa panahon ng Covid-19.

-Re-alignment ng pambansang badyet sa mga ahensya at mga target na pagkukunan kabilang na ang mataas na pagbubuwis sa mga mayayaman at malalaking korporasyon.

-Direktang ayuda sa mga manggagawa na apektado at pagbibigay trabaho sa mga natanggal kabilang na ang mga kontraktwal at job-order.

-Production subsidy at direct cash assistance na P10,000 sa mga magsasaka, mangingisda at maralita sa kanayunan.

-Pagbibigay ng SAP kahit sa panahon ng GCQ o General Community Quarantine at kabuhayan sa mga maralita.

-Paggiit  sa “No Mass Testing, No School Opening” para naman sa mga kabataan at guro sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto at

-Pagpapatigil sa mga dagdag bayarin at pagpapahirap sa mga estudyante tulad ng Online Classes.

Sa huli, binigyang-hatol ng Makabayan at batayang sekor na maraming kapalpakan, kasalanan at kamalian ang gobyerno ni Pangulong Duterte sa pagharap sa Covid-19.

Hinikayat nila ang mamamayan na kumilos at marapat na paigtingin ang panawagan para sa Kalusugan, Kabuhayan at Karapatan. #

‘To freely oppose fascist regime,’ Makabayan bolts House majority

To be able to freely oppose the “fascist Rodrigo Duterte regime,” the Makabayan bloc announced Thursday it is bolting from the majority coalition in the House of Representatives.

The group’s sitting representatives and other leaders said in a press conference said they will henceforth be an independent bloc in Congress.

“Today, we, seven party list representatives of the Makabayan Bloc, declare our separation from the Majority Coalition in the House of Representatives to intensify our opposition to the Duterte administration that has now fully unravelled as a fascist, pro-imperialist and anti-people regime,” Makabayan said.

Makabayan is composed of Bayan Muna, ACT Teachers, Anakpawis, Kabataan, and Gabriela Women’s parties.

The group said it joined the Majority last year after being encouraged by Duterte’s reformist and populist actions and pronouncements on a range of issues.

Makabayan cited Duterte’s promise to resume the peace talks with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), release of political prisoners, ending of neo-colonial ties with the United States of America government, pursuing an independent foreign policy, addressing the roots of the Moro rebellion, ending labor contractualization, increasing government support to farmers, putting a stop to destructive mining practices, reducing income taxes of rank and file employees, and increasing social pensions, and prioritizing basic social services over infrastructure as among the reasons for entering the coalition.

“From the very start, we consistently opposed the Administration’s anti-people bills and policies to the point that we were stripped of our committee chairmanships due to our stand against the death penalty bill. Despite one disappointment after another, we persisted in the Majority in the hope that some socioeconomic and political reforms could be achieved, if not through Congress, then through the Government of Republic of the Philippines-NDFP peace talks,” the group explained.

Duterte has failed on his promises, Makabayan said.

“Worst of all, his ‘war on drugs’ has turned into a campaign of mass murder of the poor, for which he shows no signs of turning back,” the group said.

Earlier, Malacañan said it hoped Makabayan would keep it ties with the Duterte government.

“We hope the Makabayan bloc will stay with the administration and the House majority,” Presidential Spokesperson Ernesto Abella said at a palace briefing last September 8.

Abella said the palace hoped the progressive solons would continue to work with the administration on certain issues, even if they decide dissociate themselves from the Duterte.

“However, if they do decide to go, we wish them well and we hope that they will remain open to working together with others on issues of shared interest,” Abella said.

Makabayan in its announcement today however said the die is cast.

“We shall fight the fascist US-Duterte regime and hold it accountable for its gross violations of human rights and the further oppression and impoverishment of our people,” the group said. # (Raymund B. Villanueva)