Posts

‘Palitan na! Sana all!’

“Binigyan ng budget sa inutang na bilyong pera, binigyan ng Bayanihan Law, binigyan ng emergency powers. (Pero) kulelat sa bakuna, tumaas pa ang kaso ng VEERUS. Binigay na all, pero palpak sila all. PALITAN NA! SANA ALL!” Atty. Howard M. Calleja, Convener, 1Sambayan

Habang sila ay nagsasalo-salo

Ni George Tumaob Calaor

May salo-salo sa gusali ng pangulo

may litson may birthday candle pang ibino-blow…

habang sa kabiserang banda ng bansang Pilipino

nagkukumahog sa pangamba ang mga tao…

muling ipapatupad ang ECQ

nang walang karampatang pag-aaviso…

tiyak maraming sikmura ang sa gutom ay mangungulo!

Ina…

may sanggol kang mangungulit ng gatas sa iyo…

Ama…

may asawa’t mga anak kang umaantabay sa pasalubong mo…

Mag-aaral…

malinaw pa ba ang iyong paningin

sa mga aralin sa online class mo—

may load pa ba ang internet mo—

mababasa mo pa ba ang modyul mo?

Manggagawa…

sapat pa ba ang kinikita mo—

kumusta na ang trabaho?

Magsasaka…

berding uhay ng ginintuang butil pa ba

ang kumakaway sa palayan mo?

May salo-salo sa gusali ng pangulo

may litson birthday candle nito’y ibino-blow…

sa Canlubang, Laguna

ang Pangalawang Pangulo

ng PAMANTIK-KMU…

pinagbabaril

at sa tinamo

ng tamang walo!…

marahas na binawian

ng buhay ito!

#DutertePalpak

#OUSTDUTERTENOW

‘Hindi ECQ ang solusyon sa pagdami ng COVID cases’

“Hindi ECQ ang solusyon sa pagdami ng COVID cases sa ngayon kundi [ang] paghigpit sa preventive measures. Palitan na ang mga bumubuo ng IATF at ilagay ang mga health expert at mga scientist para magkaroon ng scientific at comprehensive na plano para masugpo itong COVID-19 na ito. Solusyong medikal, hindi militar!Robert Mendoza, National President, Alliance of Health Workers

Groups: ‘New ECQ is display of gov’t’s incompetence’

Groups condemned government’s announcement of plans to put Metro Manila and and provinces of Cavite, Laguna, Bulacan, and Rizal under the strictest quarantine measure anew.

Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) said the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) recommendation to President Rodrigo Duterte for another round of enhanced community quarantine (ECQ) is a display of “never-ending cycle of incompetence.”

“We are going back to ECQ but without the government assurance that there will be increased free mass testing, better contact tracing and increased capacity of our hospitals including more health workers. We are going back to ECQ without the assurance of aid for the economically displaced,” Bayan secretary general Renato Reyes Jr. said.

Reyes said the IATF recommendation again places the burden and sacrifice squarely on the people.

“We cannot merely rely on lockdowns to stop the spread of COVID. The lockdowns are only supposed to buy government time to beef up the health care system,” Reyes added.

In a Facebook post on March 27, Presidential spokesperson Herminio Roque Jr said the ECQ shall again involve the heightened presence of uniformed personnel to enforce community quarantine protocols.

Curfew shall also be imposed from six o’clock in the evening to five o’clock the next morning.

Nearly 10,000 new cases daily are being reported in the Philippines in the past few days, the worst in the Western Pacific.

Migrante International also scored the announcement, saying the new lockdown measures only show the Duterte government has failed in dealing with the coronavirus pandemic.

Migrante said the government’s militaristic response is to blame for the country’s failure to check the spread of the virus, including its new variants.

“Kaya po sa pagbabalik ng ECQ sa ating bansa, ang kailangan po natin ngayon ay panagutin ang mga nagkasala, ang mga nagkulang at naging palpak mula nang unang ipatupad ang lockdown noong isang taon,” Migrante International said. # (Raymund B. Villanueva)

BAYAN, ipinaliwanag ang #DutertePalpak sa pandemya

Ipinaliwanag ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ang aniya’y maraming kapalpakan ng gubyernong Rodrigo Duterte sa isang taong pagharap ng bansa sa pandemyang coronavirus. Sa harap ng Commission on Human Rights sa Quezon City noong Marso 17, 2021, inilahad ni Reyes ang kawalan ng maayos na sistema sa pagharap sa pandemya na nagdulot ng isang taong nagdurusa ng mamamayan sa mga hakbangin ng pamahalaan. Kabilang dito ang matinding pagbagsak ng ekonomiya, malawakang pagkawala ng trabaho, walang sapat na ayuda sa mga maralita, at patuloy pagdami ng nagkakasakit ng COVID – 19.

ECQ, extended until May 15

List of areas under enhanced community quarantine until May 15:

National Capital Region/Metro Manila
Albay
Bataan
Batangas
Bulacan
Catanduanes
Cavite
Laguna
Nueva Ecija
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Pampanga
Quezon
Rizal
Pangasinan (may change by April 30)
Benguet (may change by April 30)
Tarlac (may change by April 30)
Zambales (may change by April 30)

Areas that are still subject to review:

Aklan
Antique
Cebu
Cebu City
Capiz
Iloilo
Davao del Norte
Davao City
Davao del Oro

Bayan Muna, namamahagi ng tulong sa mga apektado ng lockdown

Naglunsad ang Bayan Muna Partylist ng programang “Bayang Matulungin” upang magpamahagi ng tulong sa mga pangunahing apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Sam Bautista ng Bayan Muna Partylist, halos lahat ng lungsod sa Metro Manila ay napamahaginan na nila ng relief goods, maging ang mga malalayo at karatig na lalawigan, gaya ng Mindoro, Laguna, Rizal at Nueva Ecija.

Nananawagan ang progresibong partido na pabilisin pa ng pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap lalo na sa panahon ng kasalukuyang krisis.

Bidyo nina Jek Alcaraz, Joseph Cuevas, at Jola Diones-Mamangun

Background Music: “Awake” Energetic Cinematic Background Music for Videos – Best Background Music

Si Lisa at ang mga Lumad na bakwit sa panahon ng enhanced community quarantine

Nakapanayan ng Kodao si Lisa, isang grade 10 student ng Salugpongan School. Kumusta siya at ang kanyang mga kasamang Lumad na bakwit sa panahon ng enhanced community quarantine? Panoorin ang bidyong ito.

Bidyo nina Maricon Montajes at Joseph Cuevas