Posts

Sa Lungsod ng Tao: Elehiyang Isinulat sa Dalampasigan

Ni Richard Gappi

Durugin ang bundok

sa kabilang isla.

Ang mga tipak,

ibiyahe sa barko

pa-Luneta.

Ibudbod sa kilikili

ng Lungsod ng Tao

na nangitim

dahil sa libag ng siyudad.

Takpan, para pumuti.

Tawagin ang media,

bibisita at panauhin.

Magpalakpakan.

Magsiksikan.

Magkodakan.

Magselpi.

Tapikin ang inyong

sari-sarili sa balikat.

Mahal n’yo ang kalikasan.

Pinaganda at iningatan.

Habang ligaw na hangin

ang peste-de-gulpi

na umaali-aligid.

At bundat ang inyong

mga bulsa at bankakawnt.

Takam na takam;

Nagseselebreyt sa dakila

n’yong ambag sa kalikasan. #

–4:42PM, Martes, Oct. 26, 2021

Angono, Rizal

Angono 3/7 Poetry Society