Posts

Araw ng mga Desaparecido ginunita sa isang pagtitipon

Muling inalala ng mga kaanak at grupong Desaparecidos ang International Day of the Disappeared sa isang pagtitipon sa Our Mother of Perpetual Help Church sa Baclaran, Parañaque City noong Agosto 30. Sigaw nila ang patuloy na katarungan sa mga biktima ng sapilitang pagkawala.

Sumulat sila kay United Nations Human Rights High Commissioner Michelle Bachelet upang humingi ng tulong sa kaso ng mga desaparecido sa bansa. Si Bachelet ay dating political prisoner sa Chile at lumaban sa gobyernong Pinochet noong dekada 70.

Umapela rin sila sa gobyerno ni Pangulong Duterte na huwag tanggalin ang mahigit 600 kaso ng desaparecidos na nakatala ngayon sa UN Working Group on Enforced or Involuntary Disappearance.

Music: News Background / Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao