‘PUV phaseout, para lamang sa malalaking negosyante’
Aabot sa 95 porsyento ang pagtigil ng pasada sa malawak na lugar ng Kamaynilaan noong Lunes, Setyembre 30, ayon sa PISTON. Ito ay bukod pa sa ilang mga probinsiya na lumahok din sa proteste laban sa phase out ng public utility vehicles sa buong bansa.
Ayon sa mga tsuper, tatanggalin ang kanilang indibidwal na prangkisa sa dyip, UV express at tricycle na siya namang sakayan ng mayorya ng mahihirap na Pilipino. Ang mga prangkisa naman ay iko-konsentra sa malalaking negosyante na magpapanggap na mga kooperatiba. Magdudulot ng malawakang pagkawala ng kanilang hanapbuhay ang dulot ng iskemang ito, anila. (Bidyo ni Jek Alcaraz/Kodao)