Pahayag ng UP-Diliman Student Council hinggil sa mga fake account sa social media

Kinondena ng University of the Philippines-Diliman University Student Council hinggil ang dumaraming fake account sa Facebook laban sa mga aktibista at mga tumututol sa Anti-Terrorism Bill na ipinasa ng Kongreso noong nakaraang linggo.

Ani UP-USC Councilor Froilan Cariaga, ang mga fake account ay isang patunay na ibayong tititindi ang panggigipit sa mga kritiko ng gubyerno kapag ganap na naging batas ang Anti-Terrorism Bill of 2020. # (Bidyo ni Joseph Cuevas)