Health Workers storm Malacañang over budget cuts and lack of salary increases
Nag-protesta ang mga manggagawang pangkalusugan, nurse at doktor sa Mendiola sa Maynila para tutulan ang malaking budget cut at manawagan ng dagdag sahod noong Oktubre 15. Binatikos nila ang P10 bilyon na budget cut sa sektor para sa 2020.
Ayon sa Alliance of Health Workers, tuluyan nang tinalikuran ng gobyerno ang obligasyon nito na bigyan ng maayos at abot-kayang serbisyong medikal ang taumbayan. Taun-taon ay binabawasan ang budget sa mga serbisyo habang pinalalaki ang budget sa pambansang depensa at pork barrel ng mga kongresista.
Nanawagan din sila na taasan ang sahod ng mga manggagawang pangkalusugan sa P16,000 sa minimum kada buwan, P30,000 para sa mga nurse at P80,000 para sa mga doktor. (Background music: News background / Bidyo ni Joseph Cuevas-Kodao)