Protest marks Filipino-American Friendship Day
Isang kilos-protesta ang pinangunahan ng mga kabataan malapit sa US Embassy sa Maynila para sa pagdiriwang ng Filipino-American Friendship day noong Hulyo 4.
Ayon sa League of Filipino Students (LFS), walang ganap na kalayaan ang bansa at nakatali pa rin ito sa patakaran ng US. Isang larawan nito ay ang patuloy na mga pagsasanay-militar sa ilalim ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Para naman sa Gabriela Women’s Party, patuloy na nangangayupapa ang gubyerno ni President Rodrigo Duterte hindi lamang sa US kundi sa karibal nito na China. Patunay dito ang mahinang paninidigan sa isyu ng West Philippine Sea at malambot na independent foreign policy.
Nanawagan ang dalawang grupo na igiit ng mamamayang Pilipino ang soberanya ng bansa laban sa dalawang imperyalistang bayan. (Music: Background News / Bidyo ni: Carlo Francisco/ Kodao)