Video is one of Kodao’s core programs. Watch our newsreels, documentaries and livestreams here.

‘Tulong Guro’ sa panahon ng COVID lockdown

Habang nasa ika-anim na linggo na ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa Covid-19, marami sa mga Filipino ang higit nangangailangan ng tulong.

Ang ACT for People’s Health na pinangungunahan ng mga progresibong guro ay naglunsad ng “Tulong Guro” na ang layunin ay makapagbigay-tulong sa mga frontliner, laluna na sa mga health workers at mahihirap na pamayanan habang lockdown.

Background music: A life in a day Cinematic Folk Ambient Cinematic Sounds [KK No Copyright Music] / Bidyo nina Jola Diones-Mamangun, Arrem Alcaraz at Joseph Cuevas

BM: Kasiyahan sa likod ng paglilingkod

Dumating kahapon, Abril 20, ang ika-limang batch ng mga gulay mula sa Benguet. Mabilis itong nirepack ng mga volunteers ng Bayang Matulungin sa kanilang opisina sa Quezon City.

Ayon kay Tatay Louie, isa sa mga volunteers, masaya at nakakawala ng pagod ang pagbabalot ng mga gulay sapagkat marami ang matutulungan nito. Dagdag pa niya, hindi raw kayang tumbasan ng anumang salapi ang kanilang kasiyahang nadarama.

Ipinamagi ang mga ito sa mga barangay sa Quezon City kasama rin ang Caloocan at Maynila. Kabilang sa mga napamahigaan ay ang Brgy. 181, Caloocan City, Maisan, Sampaloc, Manila, at Brgy. Old Balara, Brgy. Payatas, Brgy. Tatalon, at Brgy. Pansol sa Quezon City.

Bidyo nina Jo Maline Mamangun, Jola Diones-Mamangun, at Reggie Mamangun

Bayan Muna, namamahagi ng tulong sa mga apektado ng lockdown

Naglunsad ang Bayan Muna Partylist ng programang “Bayang Matulungin” upang magpamahagi ng tulong sa mga pangunahing apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Sam Bautista ng Bayan Muna Partylist, halos lahat ng lungsod sa Metro Manila ay napamahaginan na nila ng relief goods, maging ang mga malalayo at karatig na lalawigan, gaya ng Mindoro, Laguna, Rizal at Nueva Ecija.

Nananawagan ang progresibong partido na pabilisin pa ng pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap lalo na sa panahon ng kasalukuyang krisis.

Bidyo nina Jek Alcaraz, Joseph Cuevas, at Jola Diones-Mamangun

Background Music: “Awake” Energetic Cinematic Background Music for Videos – Best Background Music

Mga mamimili sa Krus na Ligas, nanawagan ng mass testing

Sa unang araw ng ipinangakong community-based mass testing para sa COVID-19, nagbitbit ng plakards ang ilang mamimili sa barangay Krus na Ligas.

Ilan sa mga panawagan ay ang kagyat na pagpapatupad ng mass testing, at tuloy-tuloy na pamamahagi ng ayuda.

Ayon sa Quezon City government, nakatakdang isalang ang 150 katao sa unang araw ng mass testing. Sa kasalukuyan, wala pa ring naitatalang positibong kaso ng COVID-19 ang barangay. # (Bidyo ni Maricon Montajes)

Si Lisa at ang mga Lumad na bakwit sa panahon ng enhanced community quarantine

Nakapanayan ng Kodao si Lisa, isang grade 10 student ng Salugpongan School. Kumusta siya at ang kanyang mga kasamang Lumad na bakwit sa panahon ng enhanced community quarantine? Panoorin ang bidyong ito.

Bidyo nina Maricon Montajes at Joseph Cuevas

Ang paglaya ng San Roque 21, mga bayani ng kanilang komunidad

Lumaya na ang San Roque 21, ang mga inaresto ng pulisya noong Abril 1 sa pag-aakalang nagdaos sila ng kilos protesta sa kahabaan ng EDSA, Quezon City.

Nang makabalik sa kanilang mga komunidad ay sinalubong sila ng mahihigpit na yakap at palakpak ng mga kaanak at kaibigan.

Bidyo ni Arrem Alcaraz

Sitio San Roque: Bigas hindi dahas

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City ng isang maikling programa. Ito ay matapos na pagdadamputin at ikulong ang 21 na residente ng nasabing lugar dahil sa isinagawa nilang kilos-protesta.

Naganap noong Abril 1 ang kilos-protesta ng mga residente ng Sitio San Roque na myembro ng Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SaMaNa). Ang panawagan ng grupo ay bigyan sila ayuda. Simula pa noong Marso 15, pagsisimula ng lockdown, wala pa ring nakukuhang tulong ang mga nagprotestang residente mula sa pamahalaan.

Kinundena ng KADAMAY ang nangyaring marahas na dispersal. Ang mga myembro rin nila mismo sa Sitio San Roque ay nananawagan din ng tulong mula sa gobyerno. Binigyang-linaw din nila na hindi nila myembro ang mga nagprotestang residente.

Bidyo nila Jola Diones-Mamangun, Arrem Alcaraz, Joseph Cuevas, Sanafe Marcelo, Jo Maline Mamangun, at Reggie Mamangun

Music: News – AShamaluevMusic.
Music Link: https://youtu.be/0uoc-FiwMD4

Ang mga health worker sa panahon ng COVID-19

Inilahad ng mga manggagawang medikal ng National Kidney and Transplant Institute ang kanilang sitwasyon sa pakikipaglaban sa global pandemic na COVID-19.

Ipinahayag nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng free mass testing sa bansa na anila ay dapat isinasagawa sa mga hospital worker at hindi sa mga VIP. Inilahad nila na may mga pasyente na napapauwi na bago pa dumating ang mabagal na resulta ng test. May namamatay na pasyente sa ganitong sistema, ayon sa kanila.

Panawagan nila sa gobyerno na dagdagan ang benepisyo at insentibo sa mga manggagawang medikal lalo na ngayon na nakikita ang panganib na sinusuong nila sa mga panahong tulad ng sa kasalukuan. (Panayam ni Jek Alcaraz)

BAYAN demands freedom of all political prisoners

Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) joined UN High Commissioner on Human Rights Michelle Bachelet’s call for the freedom of all political prisoners in the time of the corona virus disease (Covid-19) pandemic to save them from possibly contracting the virus in the often crowded and inhumane conditions of jails worldwide, especially in the Philippines. The action was also in response to the online campaign of human rights group Karapatan this 7-8 pm ofTuesday, March 31.

Amid the intensifying dangers presented by the Covid-19 pandemic, Karapatan and other human rights groups as well as religious leaders called on the Rodrigo Duterte the government to free the more than 500 political prisoners in the Philippines. They also called for the release of other prisoners, especially the elderly, pregnant, women and nursing mothers and those who are due for parole or pardon. # (Jek Alcaraz)

“Babangon Tayo (We Will Rise)”

by Concerned Artists of the Philippines

Official lyric video for “Babangon Tayo (We Will Rise),” an original composition of the Concerned Artists of the Philippines released in the midst of the COVID-19 pandemic, March 2020. This song is a tribute to our frontliners, and the power of the Filipino people.

Concerned Artists of the Philippines (CAP) is a Filipino organization of artists and cultural workers committed to advancing freedom of expression and the people’s movement for justice, nationalism, and democracy.

Subscribe to CAP on YouTube: https://www.youtube.com/channel/UCoLbDUeKtQwRSzRkNH1l_UQ/…
Follow CAP on Facebook: http://www.fb.com/artistangbayan
Follow CAP on Instagram: https://www.instagram.com/concernedartists_ph/
Follow CAP on Twitter: https://twitter.com/artistangbayan

Babangon Tayo (We Will Rise)
Words: Joel C. Malabanan, Edge Uyanguren, Karl Castro
Music: Mrk. Estandarte
Vocals: Jessa Mae Gabon, Pia Pimentel, Edge Uyanguren
Violin and additional backing vocals: Jing Reyna Jorge
Acoustic guitar: Pats Loquinario
Recording: #StayAtHome

Video by Pao Sancho and Maria Estela Paiso
Animation by Jether Amar
Special thanks to Jewel Maranan and Cinema is Incomplete

Download chords (PDF) here