SAMPAL SA MGA TUNAY NA SINUNGALING

Ito ang pahayag si Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, kaugnay sa pagwalang-sala sa kanila ng Korte sa Quezon City sa kasong perjury na inihain ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. noong 2019.

Ayon sa Korte sa promulgasyon nito noong Lunes, Enero 9, hindi napatunayan ng prosekusyon ang bintang sa mga human rights worker. Ayon kay Palabay, malaking sampal ang pagkakabasura ng kaso dahil pinatunayan lamang na gawa-gawa lamang ito para gipitin ang mga human rights defenders na katulad nila.

Kabilang sa pinawalang-sala sina Sr. Elenita Belardo ng Rural Missionaries of the Philippines, mga opisyal ng Karapatan na sina Elisa Tita Lubi, Jigs Clamor, Jon Callueng, Editha Burgos, Fr. Wilfredo Ruazol at artistang si Krista Dalena . Kabilang din sa kinasuhan ang tagapangulo ng Gabriela na si Gertrudes Libang at secretary-general nito na si Joms Salvador. # (Bidyo ni Joseph Cuevas)