Hindi terorista si Dr. Naty! —HEAD

Mariing kinundena ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang ginawang pagtalaga ng Anti-Terrorism Council sa makabayang doktor na si Dr. Naty Castro.

Ayon kay Albert Pascual, secretary-general ng HEAD, maling-mali at desperado ang gobyerno na paratangan si Dr. Castro na terorista Si Dr. Castro ay mabuti at mahusay na doktor na nagsilbi sa mahihirap na pamayanan sa matagal na panahon, ani Pascual.

Matatandaan na noong Pebrero 2022 ay hinuli at ikinulong si Dr. Castro, makalipas ang ilang buwan ay ibinasura ng korte ang gawa-gawang kaso laban sa kanya.