KODAO ASKS: Anong magagawa ng gobyerno para maitaas ang sahod at maibaba ang presyo ng bilihin?

Walang makabuluhang taas sahod na natanggap ang mga mga manggagawa sa nakalipas na mga administrasyon habang patuloy naman na tumataas ang presyo ng mga bilihin maging ang ilang serbisyo.

Napapanahon ngayon ang manawagan sa gobyerno para sa makabuluhan at nakabubuhay na sahod dahil hindi na talaga kaya ng ordinaryong Pilipino ang napakataas na bilihin at pasakit na ito sa kanyang araw-araw na buhay.