Mabilis at sakim ang kolonyalismong Estados Unidos sa pangangamkam ng lupain ng mga Pilipino matapos ang kanilang madugong pananakop sa bayan. Sa pamamagitan ng kanilang pandarambong sa Pilipinas, ibayong yumaman ang kanilang mga kapitalista sa kabila ng pagdurusa ng taumbayan.
Pakinggan ang krimen ng Estados Unidos sa Pilipinas, dito sa ika-pito sa serye ng maigsing dramang panradyo na unang inilabas ng Kodao noong 2001.
Muling inilalathala ito sa gitna na tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansang Pilipinas.








