Hindi pakikipag-kaibigan ang layunin ng mga dating base military ng Estados sa Pilipinas. Lunsaran ang mga ito ng kanilang karahasan sa Korea, sa Vietnam, at iba pang bahagi ng Asya-Pasipiko.
Ano’t hinahayaan na naman ng pamahalaan ng Pilipinas na sila’y bumalik sa iba’t ibang anyo?
Pakinggan ang krimen ng Estados Unidos sa Pilipinas, dito sa ika-siyam sa serye ng maigsing dramang panradyo na unang inilabas ng Kodao noong 2001.
Muling inilalathala ito sa gitna na tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansang Pilipinas.








