Sa World Fair sa St. Louis, Missouri noong 1904, itinanghal ang 1,200 na Pilipino na parang mga hayop. Binansagang ‘head hunters,’ ‘savages,’ ‘primitives,’ at ‘uncivilized.’ Karamihan sa kanila ay nagkasakit, hindi na naka-uwi at doon na namatay malayo sa kanilang pamilya at bayan.

Pakinggan ang krimen ng Estados Unidos sa Pilipinas, dito sa ika-12 sa serye ng maigsing dramang panradyo na unang inilabas ng Kodao noong 2001.

Muling inilalathala ito sa gitna na tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansang Pilipinas.