Huwag natin silang tigilan
Hindi na tayo papayag sa ganitong iskrip. Kailangang manalo ang kabutihan sa kasamaan sa dulo ng palabas. Nagsimula na ang mga protesta sa Pasig, sa Kamara, sa Senado, sa Palasyo, sa Cebu, sa Davao, sa Iloilo, at sa Navotas laban sa muling bumubulwak na kabulukan ng gubyerno, ng burukrata kapitalismo. Kulang pa.








